As time goes by, sobrang nakikilala kita. Nalaman kong kpop fan ka din pero slight lang naman.
Kpop fan ka din?
Ngumisi ka naman tapos nagpatuloy sa pagsusulat.
Oo kasi u-kiss lang kilala ko e. Hahaha!
Napa facepalm ako nun.
Kpop fan? Tapos isa lang yung kilala? Men! Hindi ganun yun!
Sagot ko. Fan na fan kasi ako ng exo at marami pang ibang groups tapos isa lang yung kilala ni Laimer?! Ows.
Ewan ko? Palibhasa maka exo ka lang e!
Syempre! Si Do Kyungsoo yung bias ko sa kanilang lahat!
Hindi ko naman kilala yun e! Mga bakla daw sila sabi e.
Nainis naman ako kasi naman hindi sila bakla no! Ang ggwapo kaya nilang lahat.
Sino nagsabi nun?! Ang kapal ha? Hindi po sila bakla!
Nagllipstick kaya sila napanuod ko.
Lipbalm lang yun!
GROUP 5 MAINGAY KAYO DYAN. SILENCE PLEASE. .
Nagulat tayo kasi sinita tayo ni mam. Hahaha!
Arlyn? May nakaupo dyan?
Sabi ni Laimer, napatingin naman ako sa katabi kong upuan.
Ay! Meron e. Si Genai.
AH. Tabi na lang tayo sa isang upuan. Umurong ka onti para kasya tayo.
Sa sobrang close natin kahit iisang upuan share tayo Laimer. Sabi nga nila baka daw mag secret on na tayo kasi palagi tayong magkatabi sa lahat mg subject kahit hindi ka naman talaga dun nakaupo sa tabi ko. One time habang nagsusulat tayo nung time ng Science tumabi satin si Raniella isa sa mga bestfriend ko.
Siguro Laimer nililigawan mo si Arlyn no?
Napa 'ha' naman kaming dalawa sa sinabi nya. Ang layo kasi nun e. Iba yung pinag uusapan namin ni Laimer tapos isisingit nya yun.
Hindi ah!
Pag aangal ko.
Hindi no!
Sagot naman ni Laimer.
Kaya pala ganun yung sinabi ni Raniella dahil may gusto sya kay Laimer at nagseselos sya sa aming dalawa. Si Raniella yung isa mga bestfriend ko at kadalasan nag uusap kami about kahit ano. Si Jannell din pala may gusto kay Laimer so dalawa silang bff ko may crush sa kanya. Pauwi na kaming magkakaibigan ng biglang nagsalita si Raniella.
Arlyn! Kilala mo ba kung sino yung gusto ni Laimer bukod kay Joanne?
Hindi e. Hindi naman nagkkwento sakin yun ng mga ganung klase ng usapan.
Ah ganun ba?
Bakit?
Wala lang. Ang gwapo nya no? Tapos matalino pa.
Si Laimer? Ewan ko lang? Hahaha.
Weh? Mamaya patawa tawa ka tapos crush mo din pala yung tao.
Hindi no! Atsaka dalawa na kayo ni Jannell yung may gusto dun msyado nang mahaba ang pila. Hahahaha.
So? Kapag walang pila edi nasa unahan ka na?
Wow! Men! Hugutan na ba 'to? Hahahaha!
Hindi naman! Nagtatanong lang! Ikaw Arlyn ah?
Ang sarap sa pakiramdam na may mga kaibigan kang nandyan para makipag biro sayo kahit seryoso na ang usapan.
BINABASA MO ANG
I Wish, I Have You
RomanceTime really flies so fast.. Even a friendship can be faded away and turn into a special feelings towards the other.