Bliss

11 1 0
                                    


Flashback #1

Gwapo, matalino, mabait, sweet and gentleman naman si Laimer. Imposibleng hindi siya sagutin ng nililigawan nya.. Kung meron?
Naalala ko pa noon, tinanong nya ko kung sino daw yung crush ko sa section namin, hindi ko pa alam na sya talaga yung crush ko.. Confused ako. Pero may nagustuhan ako noon. Si Paolo.

Hahaha! Kamusta crush mo?

Onti lang! Hahahaha!

Nagtatawanan sila ni Carly samantalang ako.. Nagsusulat. Pasahan na kasi bukas, sila chill lang kasi masisipag sila e. Nagsalita ako para makasali naman sa usapan nila. Para makadagdag ingay din, ang tahimik kasi e.

Sino crush nyo sa section natin?

Sumagot si Carly.

Wala. Nagppogian meron! Hahaha!

Hahaha! Crush nga e!

Hindi ko mapansin si Laimer dahil si Carly talaga yung kausap ko nun.

Ikaw Arlyn? Sino crush mo?

Tanong nya sakin.

Ako? Hahaha...

Hindi ako makasagot, kasi sa isip isip ko na kapag sinabi kong si Paolo baka sabihin nila.

Ayyy! Meron 'yan! Sinoooo?

Pang aasar ni Carly sakin.

Sino Arlyn?

Sagot ni Laimer.

Meron pero secret! Hahahaha! Baka sabihin nyo e! Ayoko nga!

Hindi naman e! Secret lang nating tatlo dali. Sabihin mo na.

Nako! Pag sinabi mo Laimer! Kokotongan kita!

Hindi hindi. Promise!

Oo nga sabihin mo na Arlyn!

Dagdag ni Carly.

Oo na! Promise 'yan ah?

Oo!

Sabay nilang banggit

Okay sige. Si Paolo.

Napatango sila. Tapos tumingin si Laimer kay Paolo na busy sa kakatawa.

Si Paolo? Sino mas gwapo samin?

Ang yabang talaga! Hays.

Ah? Syempre si Paolo!

Syempre crush mo, hindi tingnan mo kasi..

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang mahirap pag isip ah? Parehong gwapo.

Si Paolo nga.

Sige. Lalapit ako sa kanya tapos tatabi ako, tingin ka kung sino samin yung gwapo ah?

Sige go!

Tumayo si Laimer at lumapit kay Paolo. Tapos sinenyasan ko sya na okay na bumalik na sya sa upuan nya.

Sino pogi?

Ikaw na!

Hahaha! Sabi ko na nga ba e! Ako talaga!

Oo na! Isulat mo na lang ako!

Ayoko nga! Panget sulat ko!

Pag ikaw, nagpapasulat ka..

Kay Carly ka na lang magpasulat, magaling 'yan!

Wag na! Nahihiya ako kay Carly no!

Si Carly naman na busy sa pagtetext tumingin samin ng marinig nya ang pangalan nya.

Ano?

Wala!!

Sigaw namin ni Laimer.

PRESENT TIME

Ngayon ko lang naisip na, simula pala noong nasigawan ko sya lumayo na sya sakin, tapos nag iba na yung sitting arrangement sa Science hindi ko na sya nakatabi sa ibang subject, alam mo yun? Parang dumistansya sya. Ang babaw naman nya. Porke't nasigawan lang sya e! Lalaki sya dapat sanay siya sa mga ganung bagay.

Nung mga nakaraang araw palagi ko syang nakikita minsan pa nga ako pa gumagawa ng paraan makita ko lang sya e. Tapos tumingin ako sa fb nya may pinost sya dalawa.

Wake up to reality..

Like Comment Share

Get ready for heartbreak.

Like Comment Share

Sino kaya yung pinariringgan nya? Baka naman may gusto syang ligawan pero hindi nya magawa kasi torpe sya? Hays. Kung sino man yun papa abangan ko sa labas ng school tapos ipapabugbog ko! Syempre, joke lang. Hindi naman ako ganun kasamang tao na para sa isang tao papatay ako.. Well depende. Hahaha! Pero kung may gusto man syang ligawan o ano man. Gawin nya na. Para naman ma-overcome nya yung pagkatorpe nya.

Flashback #2

Ngayon lang talaga ako nabadtrip ng sobra! Ang malas ko ngayong araw! Lahat na ata ng nagtatanong kung okay ako nasusungitan ko. Ugh! Wala ako sa mood tapusin lahat ng subjects ko! Kaso Science na lang uwian na din e! Ang abnormal ko talaga! Manahimik na lang siguro ako.

Good afternoon Ma'am, its nice to see you!

Sa sobrang badtrip ko dire-diretso lang akong pumasok at umupo sa upuan ko. Nakita kong wala pa si Carly pero nakaupo na si Laimer.

Good afternoon class! Pang ilang lectures na ba tayo?

Ma'am pang 20 na po!

Okay sige, ipost na 'to sa board. Magsulat muna kayo for 15 minutes maikli lang naman 'yan.

Maikli daw pero halos sakupin na ng mga manila paper yung board e! Ayokong magsulat. Nakakatamad at higit sa lahat badtrip ako! Kahit yung mga kaibigan ko nagbback out na kausapin ako kasi natatakot silang barahin ko yung mga sasabihin nila. Well, mas mabuti nang lumayo muna sila alam ko namang bukas okay na ko e .

Arlyn..?

Nakatulala pala ako? Ano ba yan! Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Laimer.

Oh!

Parang nagulat sya dahil medyo iritado yung boses ko. Nag sabi sya nang jokes para siguro patawanin ako, akala siguro ni Laimer nakikipagbiruan ako sa lahat ng oras. Yung joke nya nagets ko pero wala akong plano na tumawa para suportahan yung biro nya.

Pwede ba?! Wag kang ngang makulet Laimer!?

Medyo malakas yung pagkakasabi ko pero parang kaming dalawa lang yung nakarinig nun. Tumingin sya sakin tapos narealize nya ata na badtrip talaga ako.

Ay sorry..

In such bliss. You began to move away. My fault. Sorry.

I Wish, I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon