Statue

14 2 0
                                    

Bakit ba kasi ako pa yung kailangan utusan ni Sir na mag incode ng grades ng mga estudyante nya?! Ang panget ng sulat ko! Ang masama pa dun ay nasa room ako nila Laimer! Actually, Hindi naman masama ang ideya na nandito ako pero! Nakakahiya! Baka mamaya mali mali yung matype ko, nakatalikod sya sakin habang nakikinig kay Sir. Likod pa lang yan ah? Paano na kaya pag humarap sya? Edi namatay na ko sa gwapo ng itsura nya! Ugh.

Ms. Arlyn? Okay na na yung pinapagawa ko?

Ay! Si Sir! Napansin nya ata na nakatulala ako!

A-ah? Opo Sir! Hehehe.. Pero hindi pa tapos.

Kunyare nagttype ako para magmukhang busy talaga.

Let me see, kaninong grades na ba yung in-incode mo?

Nataranta ako, wala pa kasi akong nasisimulan! Anong sasabihin ko? Paano 'to? Halaaa! God please help me! Sila Laimer tsaka the rest ng mga nakaupo sa likod nakatingin sakin, bat kasi ang lakas ng boses ni Sir?!

Ms. Arlyn? Okay ka lang? Bat parang pawis na pawis ka? Gusto mo ba munang pumunta sa clinic?

''Sir! Wag mo naman I broadcast yung katangahan ko! Mag usap tayo Sir! Yung tayo lang! Bakit kasi nandyan ka pa sa harap ng mga estudyante mo! Nakakahiya ka! I quit!!''

Gusto ko yan mismong isigaw sa mukha ni sir! Kaso wag na lang. Mahal ko pa buhay ko! May pangarap pa ko! Gusto kong makapagtapos ng pag aaral. Pano na to? Bakit kasi ang init dito? Laimer!! Langya ka! Ang lakas ng dating mo! Kahit ganyan ka natataranta ako! Argh!

Okay ka lang?

Nabalik ako sa realidad na nagtatanong pala si Sir!

A-ah opo Sir, okay lang po ako.

That's good, so? Kaninong grades ka na?

Nyeta! Akala ko nakalimutan na nya yung tanong na yan?! Anong isasagot ko? Hanggang ngayon nakatingin sila sakin!

Laimer!

Bakit?

Nashock ako! Sumagot si Laimer? Bakit? Omg. Natawag ko yung pangalan nya! Bakit ba kasi Hindi ka mapagod pagod sa katatakbo sa isip ko ha?! Pati reality nadadamay dahil sayo!

Okay, malapit ka na palang matapos, continue.

Umalis na si Sir pero nakatuon pa rin yung atensyon nya sakin, nakikita ko sa peripheral vision ko, pano ko magrreact?! Mag-uumpisa na nga akong mag type!

Oy.. Bakit?

Sa kalagitnaan nang pagkabusy ko nagsalita sya.. Si Laimer. Para akong statwa hindi ako makalingon. Inisnob ko lang sya pero ang Totoo ang hirap gumalaw!

Arlyn..

Namamalimos lang? Hahaha! Whatevah.

Oh?

Pagsulyap ko sa upuan nya, wala na sya doon. Hays. Ano to? Naghhalluccinate na ata ako.

Hoy.

Hindi ko na pinansin pa, baka utak ko lang 'to nasisira na pati boses nya parang Totoo.

Hoy.

Leche! Hindi ako makapagtapos focus na ginagawa ko! Sino ba kasi yung hoy ng hoy?! Totoo e! Hindi na to utak ko e! Totoong tao na to e!

Ano b--

O_O Ang lapit ng mukha nya! Ngiting ngiti pa! Bakit ka ganyan? Ang gwapo ng mga ngiti mo! Hindi ako makapagsalita!

Hoy? Okay ka lang?.

Winawagayway nya yung kamay nya na parang bulag ako.

A-ako? O-oo ako pa ba? Palagi naman akong okay e, kahit hindi naman talaga.

Binatukan nya ko!?

Hugot! Ang lakas ah? Hahahaha!

Totoo ba 'to? Tumatawa sya? Heaven.

Ano? Tulala ka na naman?

Sinong nagsabi sayo?

Wala. Nakikita ko lang!

Kumuha sya ng upuan at tumabi sakin.

Oy, long time ah?

Long time daw? Oo. Namiss kita! Ahihihi. Ang landi ko!

Hindi short time!

May sasabihin ako sayo!

Ano?

Kas--

Nagtayuan na yung mga classmates nya nag-bell na kasi.

H-ha? Ano?

Kinuha nya yung bag nya at sinuot ito tsaka lumapit sakin. Sobrang malapit.

Ang ganda mo.

Ano daw? Ako mahal nya? Este maganda? Ako?! Talaga?!

I'm like a statue stuck staring right at you, got me frozen in my track so amazed you take me back~ I'm like a statue.


I Wish, I Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon