Ilang buwan na tayong magfriends, meron noong interpretative dance sa a.p, yung mga best friends ko sumali kaya naman sumali na rin ako, kasali ka rin pala nung time na yun, halos kalahati ng section natin kasama. Nagulat nga ako kasi close pala kayo nung choreographer natin.
Oy. Sino dito si Joanne?
Lahat naman sila nagtanong Kay ate pao kung bakit. (Si ate pao ay gay choreographer) ako din nagtaka kung bakit? Si Joanne kasi classmate din natin e. Nashock ako nung tumakbo ka papunta kay Ate Pao para takpan yung bibig nya.
Ate Pao! Wag mo sabihin.
Narinig kong sabi ni Laimer, habang nakatakip sya sa choreographer.
Nagpumiglas naman si Ate Pao habang tumatawa.Oo na! Wag ka mag alala wala akong sasabihin!
Binitiwan naman sya agad ni Laimer.
Sabi mo yan ah!
Tumawa silang dalawa, tsaka nag abot ng pera si Ate Pao kay Laimer para bumili n snacks kasi katatapos lang nung practice.
Hindi nga? Sino si Joanne?
Tumayo naman si Joanne,
Bakit ate Pao?
Ay? Ikaw si Joanne?
Opo. Bakit?
Ay may ikkwento ako sa inyo habang wala pa si Laimer!
Syempre nakinig din ako, curious lang.
Si Laimer kasi nakakatext ko! Tapos ang drama pala ng batang 'yan!
Nagtaka naman kaming lahat.
Bakeeeet?
Sigaw ng iba.
Kasi may crush daw sya sa section nyo!
Hindi naman kagulat gulat kasi normal lang yun. Pero infairness ang daming nag react sa nalaman nila, Si Joanne kasi yung tinutukoy ni Ate Pao. Hindi na rin nakapagtataka kasi maganda, maputi tsaka matalino sya bagay nga silang dalawa e. Ang kasi lang hindi gusto ni Joanne si Laimer.
Ako? Crush nun?! Ayoko nga!
Angal nya.
Ay? Ang chossy? May itsura kaya si Laimer teh! Ayaw pa?
Sagot naman ni Ate Pao.
Well, sa Totoo lang gwapo at cute si Laimer maraming nagsasabi nun sa kanya at syempre humble sya kaya akala nya pinagtitripan lang sya. Lumipas ang ilang araw nag quit si Laimer sa sayaw.
Weh?! Oy! Bat ka magqquit? Sayang naman Laimer, kung kelan naman malapit na yung interpretative dance tsaka ka naman aayaw.
Bungad ng choreo namin sa kanya. Oo nga naman noh? Pero hindi ka na talaga sumali nun. Tapos parang everyday badtrip ka.
Oy! Laimer si Joanne oh, ayiieeee!
Pang aasar ko.
Tss. Para kang ewan Arlyn.
Tumawa naman ako. Ganito kami habang nagsusulat na uusap.
Crush mo pa din ba sya?
Secret.
Always secret yung sagot mo. Pero sabi nila nabasted ka ni Joanne. Kay ganun. Sad to say, that is your first heartbreak. Wala naman akong pakialam nun aa buhay pag ibig.
BINABASA MO ANG
I Wish, I Have You
RomanceTime really flies so fast.. Even a friendship can be faded away and turn into a special feelings towards the other.