Chapter 5

7.5K 248 23
                                    

"Ano nga pala name mo? At sino dyan ang kambal mo?" si Ethel.

"April Ala...Barrameda..hindi ko na sila makita eh. Pumasok na yata ng room nila." ani April na palinga linga para naghahanap.

"Ano bang grade na nila?" muling tanong ni Ethel.

Napatingin si April kay Ethel. Hindi nya kase alam.

"Hindi ko alam eh. Baka kinder or grade 1." nahihiya sa sariling sagot ni April.

May pagtataka na sa mga mata ni Ethel.

"I hope you don't my asking ha? Pero diba dapat alam mo? Anak mo sila eh." ani Ethel.

Pinigil ni April ang mga luha subalit kusa pa ring tumulo iyon.

"Wait. Yaya, pakihatid nyo na po itong mga bata sa kanya kanyang rooms nila. Babies C'mon, give your Mom your sweet kisses before you proceed to your rooms."

Agad namang nagsilapitan si Martina at si Marielle at binigyan ang nanay ng halik sa pisngi.

"Ethan..c'mon baby! Where's my kiss?" ani Ethel na nakatingin sa batang lalaki.

"Mom will you please stop calling me baby? I'm no longer a baby! And please...I've already kissed you in the car, I think that's enough!" reklamo ni Ethan.

Pansamantalang nalibang si April sa mag iina.

"Sweetheart, you're only grade 2. You're still my baby, kayong tatlo ng mga kapatid mo. C'mon sweetheart." si Ethel na nakangiti kay Ethan.

"Mom he doesn't want to be seen by Liza na kinikiss ka nya. Nagpapaimpress." si Marielle.

Napalunok si April.

"Why?? Who's this Liza?" ani Ethel na sinusupil ang ngiti.

"His new crush here in our school!" si Martina.

Huminga ng malalim si April. Kalma lang. Hindi lang naman siguro ang anak mo ang nag iisang Liza dito sa eskwelahan na ito. Besides, tingnan mo naman si Ethan? Medyo malaki na sa mga anak mo yan. Grade 2 na nga daw diba? Ang mga anak mo magsi 6-year old pa lang. Malamang nga nasa kinder pa lang ang mga yun.

"Will you guys keep your mouth shut! Mom, don't believe them!" reklamo ni Ethan na nakasimangot na.

"Hmmmm. Is Liza your classmate Ethan?" muling tanong ni Ethel.

"No Mom, she's my classmate and she's so beautiful! She has a twin sister and they're both beautiful. I don't like her twin sister though, Lyka is so maarte! They are transferee from US." ani Marielle.

"Hsss, baby don't say maarte. That's bad!" saway ni Ethel.

"Oh my God...I think they're my daughters baby!" hindi na napigilang sabihin ni April.

Napatingin si Ethel sa kanya.

"Gusto mo ihatid natin si Marielle sa room nya para makita mo ang mga anak mo?" ani Ethel na kababakasan ng simpatiya ang mukha.

"Hi..hindi pwede attorney. Tinitingnan ko lang sila sa malayo. Bawal akong lumapit sa kanila."

Natigilan si Ethel.

"Okay..I think may malaki ka ngang problema. Mag usap tayo later ha? Ihahatid ko lang to si Marielle sa room nya and then babalikan kita dito. Mag coffee tayo mamaya."

Napatango na lang si April. Hindi sya pwedeng lumapit sa room. Baka makilala sya ng yaya ng kambal. Baka maging huling pagpunta nya pa ito ngayon dito.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nakita nyang palapit na si Ethel.

Dinala sya nito sa malapit na coffee shop sa loob ng UP compound.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon