Chapter 6

7.9K 219 12
                                    

Sabado.

Naglilinis ng bahay si April ng tumunog ang cellphone nya. Si Ethel ang tumatawag.

"Hello attorney? Kumusta?" masiglang bati ni April sa bagong kaibigan.

"Pag ako hindi mo tinigilan ng kaka attorney mo sasabunutan ko na yang long, curly and shiny hair mo!" biro ni Ethel.

"Ha ha! Sorry...eh attorney naman talaga kita diba? Libre nga lang." sagot ni April.

"Ewan ko sayo. Pag hindi ka pa talaga tumigil paliligawan ko na yang Liza mo sa Ethan ko." biro pa ni Ethel.

"Naku huwag naman muna. Pag laki na nila. For sure magiging pogi at magaganda ang magiging apo natin at walang duda matatalino pa." ganting biro ni April.

"Sige, pero matagal tagal pa yan. For the meantime, gusto ko sanang yayain ka. Gusto kong magpa salon ang kaso wala akong makakasama. Hindi available yung ibang friends ko eh."

"Ha? O sige pero pwedeng after lunch na lang?" si April.

"May ginagawa kang importante?" si Ethel.

"Wala naman. Naglilinis lang ng bahay pero patapos na rin naman."

"Pwedeng after mong maglinis ay samahan mo akong magpa salon? Sorry ha? May pupuntahan kase ako ng 4pm eh." si Ethel.

"Sige..sure saan ba tayo magkikita?"

"Sa Trinoma na lang girl. May paborito akong salon doon."

Quarter to 12 ng tanghali ay nagkita nga sila sa naturang mall. Kumain muna sila at treat iyon ni Ethel. Nahiya pa si April. Grabe naman kase ang generosity ng babaeng ito. Nakakalula. Libre na nga ang serbisyo nito bilang abogado ay mahilig pa manlibre.

Ala una ng hapon ng pumasok sila sa salon.

Todo ang tanggi ni April ng sabihin ni Ethel na pati sya ay i make over.

"Ethel huwag na. Grabe naman. Mahihiya na talaga ako sayo ng todo. Please hihintayin na lang kita. Magbabasa na lang ako ng magazines dito."

"I insist girl. Wala rin kase akong kasama mamaya sa pupuntahan ko eh. Magpapasama din sana ako sayo. Medyo sosyal yung imi meet ko..natin pala kaya kailangan nating sabayan ang kabonggahan nya. Hindi tayo magpapakabog. Sige na girl, please?" si Ethel.

"Sige na Ma'am, actually hindi naman magtatagal ang pag papaganda sainyo dahil napakagaganda nyo na ni Atty. Santos. Sayo nga buhok lang naman ang gagalawin natin dahil perfect na ang mukha mo girl...baka mabawasan pa ang ganda mo pag hinawakan pa namin ang mukha mo." biro ng baklang stylist.

Ang mahaba habang pilitan ay nauwi din sa pagpayag ni April.

Nagulat sya sa transformation nya. Bumagay sa kanya ang pagkakakulay ng buhok nya. Chocolate brown iyon at naging classy ang dating nya. Iniba rin ang hawi ng buhok nya at feeling nya naging mapang akit yata ang dating ng mukha nya. Nakatanggap sya ng mga papuri mula sa mga crew sa salon at lalo na mula kay Ethel. Tiyak na kakabugin nya daw ang imi meet nila. Sino kaya yung imi meet nila? Mukhang maganda nga at sosyal na kailangan pa talaga nilang magpa salon.

Dumaan din sila sa isang boutique at hindi pa rin nagpaawat si Ethel. Sa kabila ng pagtanggi nya ay ibinili sya nito ng dress na above the knee ng kunti. Powder blue ang kulay at hanggang siko ang manggas. Simple ang cut pero elegante. Kita ang kurba ng katawan nya. Naiilang na talaga sya. Matagal tagal na rin syang hindi nakakapagsuot ng hapit sa katawan. Pinipilit nyang bayaran ang damit subalit tumanggi si Ethel.

At ngayon nga 4:15 na ng hapon at nandidito na sila ngayon sa isang sikat at class na restaurant. Medyo sulok ang table na inokopa nila. Wala pa ang taong imi-meet nila pero sabi ni Ethel ay parating na daw.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon