Chapter 26

10.9K 243 16
                                    

Kinabukasan.

"Huwag ka na kayang sumama Ralph? Walang maiiwan sa mga bata." ani April.

Nagsusuot na si Ralph ng polo shirt. Napalingon ito sa kanya na kunot ang noo.

Ayaw nya talaga kase itong pasamahin kila Jean. Baka kase kung ano anong kasinungalingan na naman ang sabihin ng trahidor na iyon. Baka lalo lang syang maidiin kay Ralph. Isa pa tiyak na pagtutuunan sila ng pansin ng makakakita sa kanila. Bukod sa gwapo ang asawa nya ito pa ang Congressman ng probinsyang ito. Kahit siguro saang sulok mo ito dalhin dito ay tiyak na pagpi pyestahan.

"Pumayag ka na diba? Nangako naman si Manang na babantayan nya ang kambal eh." pareklamong sagot nito.

"Eh ano kase eh.." ani April. Hindi nya masabi ang totoong dahilan nya.

"Ikinahihiya mo ba ko? Sweetie naman sa pogi kong to?" anitong nakangisi.

Lumapit sya dito at inayos nya ang kuwelyo nito.

Hinalikan naman sya nito sa labi ng mariin. Wala talagang umay sa katawan ang lalaking ito. Tuwing madidikit sya dito ay tiyak na yayapos at hahalik ito na gustong gusto naman syempre nya. Pakiramdam nya ang ganda ganda nya.

Naramdaman nyang itinataas na nito ang blouse nya.

"Ralph naman eh...hindi na naman tayo nito matutuloy." reklamo nya na wala namang bahid ng pagtanggi dahil ang totoo nag iinit na naman sya.

"Magpalit ka ng blouse." ani Ralph na bahagya lang na inilayo ang mga labi sa labi nya.

"Bakit?" may pagtatakang sagot ni April.

"Fit! Masyadong sexy sa mata. Baka may mapatingin sayong lalaki, mapa resign pa ko bilang Congressman ng probinsyang ito ng wala sa oras." anitong nakangisi.

"Kainis naman to. Sige na nga ikaw na ang pumili ng gusto mong isuot ko." aniya na pilit na itinatago ang kilig.

"Isuot mo yung t-shirt ko." anito na nakangisi pa rin.

"Dios meo ang laki kaya ng mga damit mo. Maluluwang sakin yun no?!" reklamo ni April.

"Eh di pumili ka sa mga damit mo na medyo maluwag. Huwag to." sabay itsa ng blouse nya sa kama. Pinagdiskitahan na naman nito ang dalawang dibdib nya. Niyakap sya nitong patalikod at hinihimas na naman ang dalawang dibdib nya ng mga kamay nito habang hinahalikan ang balikat nya. Ambango pa naman ng kumag. Parang gusto tuloy nya tanggalin ang sariling bra. Gusto nyang maramdaman ang mismong balat nito sa dibdib nya.

"Raaaalph. Aalis na tayo." padaing na yata ang boses nya.

"Nag iinit na ko sweetie eh. Baka pwedeng isa pa bago tayo umalis." bulong ni Ralph. Lalo syang nag init. Mapang akit kase ang boses nito.

"Ralph naman eh. Nakadalawa na tayo sa banyo."

"Kaya nga may bilang na pangatlo diba?" anito.

Napansin nyang natanggal na pala nito ang bra nya. Napaungol na lang sya. Naging maiinit na naman ang pagbibihis nila na nauwi muli sa hubaran...lol.

Bandang alas dyes ng umaga ng tuluyan na talaga silang makaalis ng bahay. Masiglang masigla ang kumag. Mukhang nakapag energy vitamin. May pangiti ngiti pang nalalaman.

Lihim nyang sinusulyapan ito habang nagda drive at naisip nya. Bakit kaya ganito naging ka swerte ang kapalaran nya? Oo nga't marami syang masasakit at mahihirap na pinagdaanan dahil sa lalaking ito pero natabunan lahat iyon ng saya ngayon. Ang pinaka masakit na sinabi nito sa kanya ay nung sinabihan sya nitong magpaka puta nung nag away sila dahil kay Mayor pero ng komprontahin nya ito about doon kagabi ay ipinaliwanag nitong nasabi daw iyon in the heat of an anger and intense jealousy. Naniwala naman sya at nabura ang natitirang ng sakit sa loob nya.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon