Chapter 24

10.3K 289 14
                                    

Rated SPG!

"Nakakainis ka! Sige na nga! Sumunod kayo dito ng mga bata. Ginagamitan mo na naman ako ng kalandian mo! Anyway, Thursday na rin naman bukas. Dalawang araw na rin lang naman silang liliban sa klase." ayun na natangay na naman sya ng pagpapa cute ni Ralph at nadala sya ng napaka romantic na lugar na ito. Pakiramdam nya dito na mangyayari ang pinaka asam asam nya na ikina bwisit nya pa nga dahil hindi na ipinilit ni Ralph nung mga nakaraang araw. Sayang naman ang ganda ng lugar na to kung hindi nya kasama ang mag aama nya dito. Hindi na lang siguro nya isasama si Ralph pag kinausap nya si Jean. O kaya aagahan na lang kaya nya bukas ang pagkausap sa trahidor na yun tapos mag stay na lang sila dito ng hanggang weekend.

"Dami mong drama sa katawan no? Gusto mo lang palang i broadcast ko sa buong mundo ang pag gawa natin sa susunod nating kambal." tukso ni Ralph.

"Oh eh di huwag ka na lang sumunod dito!" nainis sya sa pang aasar ni Ralph.

"Madaling araw kami aalis dito. Kaming tatlo lang ng mga bata para hindi masyadong magulo. I miss you." may lambing na ang tono ni Ralph.

"Miss miss-in mong mukha mo!" naiinis pa rin sya pero kinikilig.

"I love you." anito.

Napapikit na sya ng tuluyan. Hindi na sya nakasagot.

"Hoy!" si Ralph.

"Ano?!" kinikilig nyang sagot.

"Wala! Sige na matulog ka na!" may inis na ang tono ni Ralph. Pikonin talaga ang kumag.

"Sabi mo kase mag I love you ako pag malinis na ang pangalan ko." pang iinis din nya.

"The last time I checked, no one can order you around..not even me. Masyado ka naman yatang masunurin sa isang utos na yun? Unless, you really don't feel saying those words!" nagtatampo na talaga yata ang kumag.

"Achuuuus! I love you Mr. Congressman! Ikaw lang at naiinis ako sayo dahil...." itinigil nya ang sinasabi dahil masyadong tunog malandi.

"Dahil ano??" si Ralph na bumalik na ang mapanudyong tono.

"Wala! Mag iingat kayo sa byahe bukas..matulog ka na ng maaga. Magda drive ka pa."

"Ano nga ang kinaiinisan mo sakin?" pangungulit nito.

"Wala nga...malayo pa ba kayo? Baka gutom na yung mga bata ng kahihintay sayo. Teka nga muna at tatawagan ko.." aniya.

"Huwag mong puputulin to hanggat hindi mo sinasabi kung bakit naiinis ka saakin. Binabalaan kita!" may pagbabanta ang tono ni Ralph.

"Wala nga sabi eh.."

"Isa!"

"Nakakainis naman to! Matagal ng tapos yung period ko pero hindi ka na umungkat ng ano!" ayun na nasabi na nya.

"Ha! Ha! Bakit di mo ko kinalabit? Easy to get naman ako eh." pabulong ang pagkakasabi ni Ralph.

"Ewan ko sayoooooo!" angil nya.

"Manong Boy, hindi ka naman pagod diba?" kausap ni Ralph ang driver.

"Hindi po Congressman. Natulog nga lang ako maghapon sa sasakyan. Bakit po?" sagot ng driver.

"Pagkakain ng dinner byahe tayo pauwi ng probinsya." si Ralph.

"Walang problema Sir. Ayos mabibisita ko na naman ang mag iina ko!" ani Mang Boy.

"Raaaalph gabi na!" aniya na na-excite.

"May ilaw naman ang sasakyan. Sige na malapit na kami. Matulog ka na, gigisingin ka na lang ng prince charming mo mamayang mga alas tres ng madaling araw." anito na nanunudyo.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon