Chapter 19

10.2K 279 46
                                    

Warning...charot lang..asaaaa!

Final na, Warning nga: This chapter contains scenes not suitable for young readers. Back off LovePAGESWorkBook, ..naaaks! young reader!

Hindi na nga nakatulog si April. Bumangon na lang sya at tumulong kay Manang Nita sa kusina.

Inihatid nya sa school ang kambal at pagkatapos na pumasok ang mga ito ay bumalik sya sa sasakyan. Grabe na kasi ang antok nya.

Hindi nya alam kung ilang oras ba syang nakatulog. Nagising na lang sya dahil parang tumatakbo na ang sasakyan. Pupungas pungas na umayos sya ng upo at parang gustong malaglag ng puso nya ng makita nya kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan na kinalulunan nya. Si Ralph iyon. Parang hindi naman nagkasakit. Gwapong gwapo pa rin.

Ngumisi lang ito na tingnan nya.

"Akala ko pa naman, maidadala na kita sa biglang liko ng tulog." anito na pilyo ang pagkakangiti.

Uminit ang pisngi nya at iniwas dito ang paningin.

"Nasaan yung mga bata? Tsaka bakit nandito ka na? Anong oras na ba??" aniya.

"Mag aalas dose na. Yung mga bata, ihahatid na lang sila ni Perla sa bahay. Palabas na rin naman ang mga yun diba?"

"Saan tayo pupunta Ralph??"

"Diba sabi ko sayo babawi ako? Ako lang ang sumaya kanina eh."

"Ralph you don't have to do this! I mean, okay lang ako! Besides, wala na tayo! May girlfriend ka! Ayaw mo sa manloloko diba?? Ba't lolokohin mo ang girlfriend mo? Akala ko ba you're not a cheat!" aniya.

"Technically speaking, wala akong lolokohin sa gagawin ko., sa gagawin natin. You're still my wife."

"Pero alam na alam mong hindi na tayo! Bullshit those technicalities na wala namang silbi kundi pahirapan tayo! Itinatali tayo sa isang pagsasama na pareho na nating hindi gusto! Ralph, hindi sex ang makakapag ayos ng gusot sa pagitan natin at alam mo yan! Matalino ka! Huwag mo naman akong bigyan ng dobleng pahirap dahil alam nating pareho na sa larong gusto, ako ang talo sa bandang huli!" hindi nya alam kung bakit naging ganito bigla ang mood nya? Maaaring nagkaroon sya ng sapat na tulog kaya nakakapag isip sya ng tama ngayon.

Biglang dumilim ang anyo ni Ralph at gusto nyang pagsisihan ang mga nasabi nya.

Hindi ito umimik. Nagpatuloy lang sa pagda drive. Nakahinga sya ng maluwag ng ang direksiyon na ng mansiyon ang tinutungo ng sasakyan nila. Nagbago rin siguro ang utak ni Ralph. Pero bakit deep inside ay parang nanghihinayang yata sya? Bakit parang mas gusto yata nya yung direksiyon na biglang liko na sinasabi nito kanina. Pero paninindigan nya ang mga sinabi nya dahil alam nyang iyon ang tama. Pagod na pagod na sya sa sakit. Ayaw na nyang dagdagan pa ang komplikasyon.

Nakarating sila sa mansiyon na walang imikan. Gusto nya sanang itanong dito kung kasama nitong umuwi si Georgina pero hindi na nya itinanong. Ayaw nya rin yata kaseng marinig ang isasagot nito.

Bumaba si Ralph at umibis ng sasakyan na wala pa ring kibo. Ni hindi na sya nito nilingon. Bakit masakit pa rin? Saan at anong desisyon nya ba sya hindi masasaktan? Bakit kahit anong gawin nya ay laging may dulot na sapak sa damdamin nya?

Dumeritso sa taas si Ralph.

Dahil walang magawa ay tumulong na lang sya kay Aling Nita sa kusina. Nagluto sya ng sinigang na hipon. Alam nya kasing masama pa rin ang pakiramdam ni Ralph. Galing ito sa lagnat at mas okay kung makakahigop ito ng mainit na sabaw.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon