Chapter 15

9.9K 309 22
                                    

"Babies inaantok na ba kayo?" tanong ni April. Nakahiga na sila sa kama. Nasa gitna sya at nakayakap sa kanya pareho ang kambal. Katatapos lang ng mga ito manood ng TV.

"Hindi pa ko inaantok Ma." si Liza.

"Ako rin po. Magku kwento ka ba ng fairy tale Mama before we go to sleep? Si Papa lagi nya kaming kinukwentuhan." si Lyka.

Napapikit si April. Sobrang bigat ng dibdib nya. Hindi nya alam kung paano at saan sya mag uumpisa. Hindi nya alam na ganito pala kahirap ito. Sana fairy tale na nga lang ang iki kwento nya, at least doon may happy ending.

"Mga anak I am going to tell you a story and sad to say but this is different from a fairy tale. This..this may have a sad ending but this is a reality. Alam ko maiintindihan nyo ang ikikwento ni Mama dahil pareho kayong matatalinong bata." panimula ni April.

Nagtaka ang dalawa. Sabay pang napatingala at napatingin sa mukha nya. Mabuti na lang hindi pa nalalaglag ang mga luha nya.

"What is it Ma?" si Lyka.

Huminga muna ng malalim si April at tinimbang ang mga salitang bibitawan. Nag usap pa sya ng piping panalangin na sana nga, maintindihan ng mga anak nya ang mga sasabihin nya.

"Mga anak, alam naman siguro ninyo na mahal na mahal kayo ng Papa nyo diba?" ani April.

"Opo Ma. Love na love kami ni Papa at love nya rin po kayo. Totoo po yung sinabi ni Liza noon. Narinig namin sya na sinasabi nyang love na love nya kami the same way na love na love nya rin ang Mama namin." si Lyka.

Napapikit ng mariin si April. Naniniwala syang sinabi nga iyon ni Ralph dahil alam nyang hindi sinungaling ang mga anak nya. Pero alam na alam nya rin na hindi sya ang tinutukoy ni Ralph. Baka si George yun na magiging Mama din ng mga anak nya pagdating ng panahon at malapit na iyon.

"Mga anak alam nyo bang may problema kami ng Papa nyo? But please, gusto kong tatandaan nyo na hindi kayo ang dahilan ng problema namin. Mahal na mahal namin kayo. Kayo ang pinaka mahalaga at pinaka masayang nangyari sa buhay namin. Wala sainyo ang mali dahil kayo ang pinakatamang nangyari saamin. Nasa amin." nahihirapang pahayag ni April.

"Ma what do you mean??" si Liza na naiiyak na.

"Nak..mahal kayo ni Mama lagi nyong tatandaan yan. Ipaglalaban ko kayo kahit kanino pero kayo na lang ang pwede kong ipaglaban dahil kayo...dahil kayo na lang ang mahal ko. Hindi na namin mahal ng Papa nyo ang isa't isa." gumagaralgal na yata ang boses nya.

"Ma please! Stop beating around the bush! Are you leaving us again?!" kita ang galit at takot sa mukha ni Lyka. Napa upo pa ito at tumitig sa mukha nya.

"No! I will never leave you again! Gaya ng sabi ko ipaglalaban ko kayo at ang karapatan ko bilang nanay nyo! Kayo na lang ang kayamanan ko sa mundong ito at ikamamatay ko kung mawawala kayo." si April.

"What then, Ma? Kaya ba sinabi mo kanina na hindi mo na asawa si Papa?? What was that?? What is this, Ma? Is this something similar to what happened to our friend's parents back in the US? Are you gonna have a divorce with Papa??" nanlalaki na ang mga mata ni Lyka.

Napalunok pa si April at muntik na naman syang masamid dahil talagang sumasakit na ang lalamunan nya.

"Similar to that baby. But please may I repeat na hindi kayo ang may kasalanan. Nasa amin ang mali. Kung magpapatuloy ang pagiging mag asawa namin ng Papa nyo ay kapwa lang kami masasaktan at baka pati kayo ay madamay. Hindi na namin hahayaang mangyari yun mga anak dahil kami lalo ang higit na masasaktan at mahihirapan." si April.

"So you're really leaving us again Ma. Jennifer's Mom left their house when she had a divorce with Jen's Dad." pangungulit ni Lyka.

"Anak hindi. Pumayag ang Papa nyo na dumito muna ako. Kung sakaling dumating ang araw na magkakaasawa sya ay maaaring umalis nga ako sa bahay na ito pero anak, ipinapangako ko sainyo na walang magbabago sa set up natin. Lagi nyo pa rin akong makikita. Kahit araw araw dadalawin ko kayo. Ako ang magbabantay sainyo sa school dahil ako pa rin ang Mama nyo at ikagagalak ko na gawin iyon habang nabubuhay ako."

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon