Chapter 23

9.9K 303 26
                                    

After a week.

Tumulak na nga si April mag isa papuntang probinsya. Pinili nyang huwag na munang kontakin si Jean dahil gusto nyang sorpresahin ang sinungaling na yun ng dalawang mag asawang sampal.

Habang nasa byahe ay naalala nya ang naging pag uusap nila ni Ralph nitong mga huling araw.

Hanggang sa huling sandali ay ipinahayag nito ang disgusto na umuwi sya ng probinsya. Napilitan lang itong pumayag dahil karapatan daw nya na linisin ang pangalan nya pero kung ito daw ang masusunod ay hindi na kailangan. Pwede naman daw silang mag umpisa muli at kalimutan na lang ang lahat.

Napapikit sya at naalala nya ang naging sagutan nila.

"Ang problema sayo, napakatigas ng ulo mo. Kelan mo ba ako sinunod? Sinabi ko noon na maghintay ka pero anong ginawa mo? Nawala kang parang bula. Ngayon, aalis ka na naman kahit pwede namang hindi. Alam mo, sa katayuan at estado natin sa buhay, maaaring isipin ng ilan na between us, ikaw ang inferior, ikaw ang sunod sunuran, pero ang hindi nila alam...never ka pang sumunod sa mahahalagang pakiusap ko." mahinang usal ni Ralph.

"Pero sabi mo karapatan kong linisin ang pangalan ko diba?" aniya.

"Of course! That's guaranteed under the law. You can, by all means, exercise, among others, any legitimate activity even without my consent, and I think making your name clean falls within the ambit of that provision. But then again, may I reiterate na obligasyon kong samahan ka. Wala naman siguro akong lalabagin na kung anuman kung isasama mo ako sa plano mong pagpunta sa probinsya. It is my obligation to do so. Obligasyon kong samahan ka dahil asawa mo ko." sagot nito.

"Ralph, napag usapan na natin yan diba? Hindi na nga kailangan. Sinong maiiwan sa mga bata? Hindi mo sila pwedeng ipagkatiwala lang sa yaya. At isa pa baka matagalan ako doon." hirit nya. Ang totoo, gusto naman talaga nyang isama si Ralph subalit natatakot sya sa maaaring matuklasan pa nya sa pag uwi nya sa probinsya na baka lalo pang makadagdag sa pagkasira ng reputasyon nya sa mga mata ni Ralph. Ayaw na nyang dagdagan pa ang mga maling impressions nito sa pagkatao nya.

"Kitam? Eh di syempre ikaw na naman ang masusunod diba? Bahala ka na nga." anito na ibinalik na ang atensiyon sa binabasa.

May sumpa yata ang mini-library na to. Parang lahat ng pagtatalo nila dito nagaganap.

"Ralph para naman saatin to eh." hirit pa nya.

Hilaw lang na napangisi ito.

Simula ng magpaalam sya kay Ralph na pupunta ng probinsya at simula ng ipahayag nito ang pagka disgusto sa plano nyang iyon ay nahiya na syang tumabi dito sa pagtulog. Hindi na rin ito nag insist na hinihintay nya sana.

Miss na miss na nya ang kambal nya hindi pa man sya nakakarating. At oo, miss na miss na nya ang gwapo nyang asawa na medyo naging cold na naman sa kanya lalo ng tanggihan nya ang bodyguard na pinapasama nito pati na si ate Linda. Hindi nya alam kung nagsususpetsa na naman ito sa mga desisyon nya na baka may kababalaghan na naman syang gagawin. Hindi na nya na lang inintindi ang pagmamaktol nito dahil wala naman syang gagawing masama sa probinsya. Aalamin nya lang talaga ang buong nangyari kung bakit nadiin sya at ayaw na nyang mandamay ng ibang tao sa gagawin nya.

Pagdating nya sa barangay nila ay nakita nya ang malaking pagbabago. Papasok pa lang ang sinasakyan nyang tricycle ay bakas na ang maraming improvements. May medyo malalaki ng commercial establishments at mukhang hindi na napag iiwanan ng kabihasnan. May nakita nga syang mga cell-sites na nakatayo sa bundok sa di kalayuan. Napangiti sya. Sa wakas, hindi na siguro paputol putol ang signal sa lugar nila at malamang may internet connection na rin hindi gaya noon na sa bayan lang ang meron.

Speaking of signal, mukhang hindi man lang yata sya naalala ng mga naiwan nya. Hindi man lang tumutunog ang cellphone nya.

Agad nyang kinuha iyon at nainis sya dahil patay pala. Binuhay nya iyon. Nag on naman. Medyo full pa nga ang battery eh. Siguro ay nadiinan sa bag nya kaya namatay.

Left in the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon