Belle's POV
Nandito kami ngayon ni Sakura sa harap ng gate 2. Hay!!!! Naalala ko naman ang nangyari kahapon dun sa canteen. Hindi ko inakala na makapagsalita ako ng ganun sa kanya at hinamon ko pa talaga siya na hindi ko man lang inalam kung sino ang binangga ko. Nakakabanas naman at napasabunot tuloy ako sa buhok ko. Napansin naman ni Sakura ang pagsabunot ko sa buhok ko.
" Oh... Ano namang drama yan?" Tanong niya
" Eh kasi naman. Nakonsensya ako sa ginawa ko kahapon. Nadamay pa tuloy kayo." sabi ko na inayos ko uli ang pagkakapusod ng buhok ko.
" Okay lang yan. Wala na tayong magagawa jan. Inumpisahan mo na kayaa tatapusin na lang natin. At tsaka okay lang naman daw kina Summer at Justin." sabi ni Sak
" Yun na nga eh!" sabi ko na lang. Naalala ko ulit kung ano'ng pinag-usapan namin pagkatapos ng declaration sa lalaking yun. Tsk.
FLASHBACK
KAHAPON after ng challenge ko sa lalaking nakabangga ko ay nagteleport kami papuntang room. Hawak ko si Summer at si Justin naman ay kay Sakura. Pagdating namin dun ay agad kaming umupo sa upua namin at biglang nasapo agad ni Justin ang mukha niya.
" Oh ayos ka lang ba Justin?" yanong ni Sakura.
" Oo na parang hindi." sagit nama niya na hindi pa tumitingin kay Sak.
" Aaaahhhhhhhhhhh!!!! Nakakainis talaga ang lalaking yun! Akala mo kung sino! Sino ba siya sa akala niya at ipinagduldulan talaga niya na mga LOSERS talaga tayo! At kung maka-reak naman yung mga babae kanina, parang isa talaga siyang ...... Urgggh!!!! " nanggagalaiti kong sabi. Sa pagkakakasabi ko nun ay nahampas ko ang mesa.
Booogsshhhh.
zzzzhhhhh...
Kasabay naman nun ay ang pagpatay-sindi ng ilaw sa room ng dalawang beses.
" Kalma lang Belle. Baka wala ka ng mesa niyan. Sisirain mo pa yan eh sira na yan." Awat ni Sakura sa akin. Napansin ko rin na nagulat sina Summer at Justin sa ginawa ko.
" SORRY!!! Eh, kasi naman eh!" ako na nakapanghalumbaba na at isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko.
" Eh bakit ba kasi uminit ang ulo sa lalaking yun? Eh hindi ka naman ganyan dati." Sabi ni Sakura
" Now that I think about it, hindi ko rin alam. " ako na nakataas ang isang kilay.
" Ay, ang gulo mo rin." Sakura.
" Teka, maiba ko lang. Sino ba yung lalaking hinamon ni Belle?" Sakura
" Hay, sa wakas naitanong mo rin. Malaking gulo tong napasukan natin." Justin.
" Oo nga. Siya lang naman si Brayn Cloud. Pero bago muna yan. Napansin mo ba na may mga kasama siya?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot ko.
" Sila lang naman ang miyembro ng Special Section na class. Sila ang may hawak pinakamataas na rank sa exam. In short pinakamatalino dito. 7 silang lahat, limang lalaki at 2 babae. Hindi niyo pa lang nakikita ang 2. Ang nasa top 7 ay si Kent, 6 si Kaitlyn, 5 si Joshua, 4 naman si Lee, 3rd si Alex, second si Andrei, yung nakabangga mo Sak kahapon. Tanda mo pa?" biglang tanong niya kay Sak.
" Oo naman." sagot ni Sakura.
" Teka, ibig sabihin----" ako na lumaki ang mata ko.
" Oo, yung HINAMON mo lang naman ay walang iba kundi ang numero unong nakakuha ng pinakamataas na ranking sa exam, pinakamagaling sa lahat at sinasabing pinakamalakas sa kanila ay walang iba kundi si Brayn Cloud o mas kilala sa tawag na Rayn. Kilala rin siya bilang The Dark Prince ng skwelahang ito dahil sa ugali nitong misteryoso. Minsan nga lang siyang nakikita dito sa school eh. Ah basta." Si Summer sa mahabang sagot niya.