Chapter 7- The GUYS' POV

492 12 2
                                    

A\N: Ang susunod na mga povs ay sa mga bidang guys naman para malaman natin ng konti kung anong iniisip nila. Ah basta. Pasensya na po typos.

_____________________

Chapter 7 THE GUYS' POV

Drei's POV

Hayzzzz...... Umaga pa lang ay pagod na ako. Sino ba naman ang hindi mapapagod eh madaling-araw pa lang ay nakikipaglaban na kami sa mga halimaw na gumagala sA mundo natin , mga nilalang na akala natin sa libro at kwento lang natin makikita. Oo, totoo ito, hindi nga lang gaano mapansin ng mga tao dahil sa tuwina ay nagcacast muna kami ng spells para hindi makita ng mga tao ang naganap na away. At ngayon nga ay natyempohan na kami ang lumaban kanina. Medyo marami-rami din ang kalaban pero kaya naman naming 4 yun.

Kasalukuyan akong namamaneho nang tumawag ang kaibigan ko na si Kent.

[ Drei, asan ka na ba? Bakit ka pa kasi bumalik ng bahay? ] Kent

" Eh, nakalimutan ko kasi ang phone ko eh."

[ O sige. Hintayin ka na lang namin dito Examination Building.]

" Okay. Malapit na ako."

end call.

( A\ N: Ang Examination building po ay kung saan duon ginaganap ang entrance exam kung saan unang pumunta sina Belle at Sakura at akala nila yun na ang school nila.)

***** Sa loob ng school *****

May isang lalaking may hawak na itim na choker sa kanyang kanang kamay at nagmamadaling naglalakad. At sa di kalayuan naman ay may 7 lalaking nakatambay sa may ilalim ng puno. Napansin ng isa sa kanila ang lalaking naglalakad at kinuha niya ang atensyon ng mga kasama at sabay senyas gamit ang kanyang mata at pagnod sa direksyon ng lalaking naglalakad at napangiti naman ang mga kasamahan niya at sabay-sabay na tumayo.

" Kung sinuswerte ka nga naman." sabi ng isa

" Mukhang maganda ang umaga natin ah." segunda naman ng isa pa.

Pinuntahan na nila ang lalaking naglalakad at mukhang hindi sila napansin at walang sabi-sabing hinablot ng isa sa kanila ang dala nitong choker. Dahil sa ginawa nila ay naagaw agad ang atensyon ng naglalakad dahil biglang nawala ang hawak nito at nang makita kung sino ang kumuha ay nanglaki ang kanyang mata.

" Well, well, well. Look who's here. It's the LOSER!" sabi nung may hawak ng choker.

" JUSTIN THE LOSER!"

Justin's POV

Masaya akong naglalakad ngayon.

Sa wakas natapos ko na rin ito. Mas maganda at mas magaan to kaysa sa unang bersyon nito. Sana naman wala pang mga studyante dito sa dadaanan ko.

>.> tingin sa kaliwa

<.< tingin sa kanan

Mukhang wala naman kaya patuloy lang ako sa paglalakad habang Tinitignan ko ang aking bagong gawa. Nagulat lang ako nang biglang mawala ang choker sa kamay ko at nang tumingala ako ay kinabahan ako bigla.

Bakit hindi ko sila napasin? Hindi ko naman sila nakita kanina. Kukunin ko sana ito nang magsalita si Ronald.

" Well, well, well. Look who's here. It's the LOSER!" sabi ni Ronald

" JUSTIN THE LOSER!" sunod namang sabi ni Charles.

Tsk... kung minamalas ka nga naman. Ito na nga bang sinasabi ko, sa kasiyahan at pagmamadali kong umalis para makita niya ang bago kong gawa ay nakalimutan kung dalhin ang isa sa mga gawa kong pwedeng ipanglaban sa kanila. Shit! Nakaligtaan ko ring sa mga oras na ito pala sila tumatambay dito. Bakit ba lutang ang utak ko ngayon. Nakakainis!

The Blue-eyed DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon