A/N : ipapaalala ko lang po na pag may ganito po kayong nakita
+++ +++
ibig sabihin po niyan ay third person po ang nagsasalita o di kaya ay si otor lang po na nakiki epal. joke lang. Basta hindi po siya isa sa mga character. Yun lang salamat.
Belle's POV
Nakakainis ang lalaking yon!! Grrrr!!!! Kala mo kung sino kung umasta. Humingi na nga ako ng sorry, sinigawan ba naman ako agad!
GRRRRR!!!!!!
Tumakbo ako sa lugar kung saan hindi na niya ako makikita at nagteleport ako agad papunta sa clinic. Nasa labas ako nagpop out at pumasok na ako, agad ko namang nakita sina Sakura at Summer sa labad ng isang room na nakaupo. Teka, bakit may ibang tao nakahiga sa kama at hmmmmmm parang pamilyar.
Summer's POV
Nagulat na lang ako na bigla na lang kaming nakapunta dito sa clinic. Ang galing naman. Naglakad na kami ngayon papuntang clinic at doon ko lang naalala na meron pala akong kaibigan na nakaratay dito.
" Sak, punta na lang tayo doon sa room ng kaibigan ko. Yung sinasabi kong kasama natin sa section i, si Tin. Napagtripan kasi kaya ayun." malungkot na sabi ko.
" Okay. Walang problema. Mabuti naman at walang mga bruhang pakalatkalat dito." sagot niya
Naglakad na kami at ako ang naglead papaunta sa room ni Tin.
" Teka, parang pamilyar ata ang lugar na ito." Bulong ni Sakura pero rinig ko naman yun.
" hmmm? Nakapunta ka na ba dito?" tanong ko
" Oo, kaninang umaga bago kami pumasok ng building." sagot niya na tumitingin sa paligid.
" Nandito na tayo." sabi ko sabay bukas ng pintuan at pumasok na ako, sumunod naman siya sa akin.
" Siya ba ang sinasabi mong si Tin?" takang tanong niya sa akin sabay turo sa natutulog na si Tin.
" Oo, bakit ka naman nagulat?" tanong ko. Nagtataka naman ako sa naging reaksyon niya.
" Eh!!??? Siya yung tinulungan namin kanina doon sa mga bullies." sagot niya.
" Paano naman nangyari yun?" tanong ko at ikinuwento naman niya ang nangyari na nakita daw nila si Tin na pinaglalaruan ng 7 lalaki at binubugbog habang may napulot si Belle na magazine. Itinuro naman ni Sakura ang magazine na nasa mesa sa tabi ng kama. Dahil ayaw daw ni Belle ng may binubugbog ay sinipa niya ang isa sa kanila. Kaya ayun, napaaway daw sila umagang-umaga pa lang. Dinala na raw nila si Tin dito dahil hinimatay na daw siya. Ito rin ang dahilan kung bakit medyo nahuli ako ng punta ng room dahil binisita ko pa si Tin nang marinig akong may binully na naman daw ang tropa nina Ronald.
" Hmmm... Bakit ang tagal ata ni Belle. Dapat nandito na siya kanina pa." Biglang sabi ni Sakura pagkatapos niyang magkwento. Nagblink-blink naman ang ilaw ng ilang beses at bumalik na rin sa normal. Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang pagmamaktol ni Belle na nasa labas ng building kaya sinabi ko kay Sakura na
" Sak, nandito na si Belle at mukhang may nakaaway ata siya. Lumabas na lang muna tayo para makita niya tayo agad. " at lumabas na kami at naghintay sa labas ng kwarto. Nakita naman din kami agad ni Belle at pumasok na kami ng room. Halata naman sa mukha niya na hindi maganda ang mood niya.
" Oh Belle! Hindi ata maipinta yang mukha mo. Galit ka ba sa mga bruhildang yun?" sabi ni Sak nang makaupo na kami sa sofa.
" Hindi! Hindi ako galit sa kanila. Doon ako galit sa lalaking antipatiko!!! AKALA MO KUNG SINO KUNG UMASTA! SIGAWAN BA DAW NAMAN AKO AT PINAGMUKHA AKONG TANGA?!" pangagalaiti niyang sigaw sabay tayo, pero umupo din naman agad siya.
