Napabalikwas ng bangon si Sydrelle sa malakas na katok sa pinto ng kayang silid. Naiinis na bumangon siya at binuksan ang pinto. Nakapameywang ang pinsan niyang si Bev sa harap ng pintuan.
Napakamot siya sa ulo ng maalala ang usapan nila, "Happy birthday, couz!" nakangiting bati niya rito.
Hindi man lang siya nginitian nito, "What time is it?"
"Time to party!" masayang sabi niya. Lalong kumunot ang noo nito, "Oo na! magbibihis na po…" sabi niya na agad na kumuha ng damit sa closet at pumasok sa banyo para maligo.
Gaganapin kasi ang salu-salo sa mismong bahay ng pinsan, nakiusap ito sa kanyang tulungan itong magasikaso ng mga bisita nito. Ayaw man niya ay napilitan na rin siya dahil kaarawan naman nito.
Pagbigyan…
Simpleng round neck blouse at fitted jeans lang ang suot niya, simpleng salu-salo lang naman ang magaganap. Hindi na niya kailangang magpaganda.
Nakataas ang kilay na pinasadahan siya ng tingin ng pinsan niya, "Wala ka bang matinong damit? Dress? Shorts?"
"Anong problema sa suot ko, aber?" reklamo niyo, "Dress? Prom ba?" inis na sabi niya.
Lagi na lang nitong pinagdidiskitahan ang porma niya samantalang kasi ito ay kikay at fashionista. Ganoon din naman siya pero kung sa kanila lang naman, why dress like you are going to a party.
Ngumisi ito, "Malay mo naman may makakitang guy sa iyo at---"
"Ayaw ko 'yang binabalak mo, Bev!"
"Wala naman, ah…"
"Kilala kita!"
"Ikaw naman kasi, wala ka paring boyfriend! Meron ka namang manliligaw, ah!" nakahalukipkip na sabi nito.
"Huwag mo ngang pagdiskitahan ang love life ko, huwag mong idahilang birthday mo ngayon!"
"High blood ka masyado…"
"Ikaw, eh…"
"Tara na nga at kanina pa naghihintay ang mga guys sa iyo…" sabi nito at hinila siya palabas ng kwarto niya.
"Beverly!"
"Oo na, pero baka matipuhan mo rin ang isa sa mga classmate ko…" nakangiting sabi nito.
"Naku!" naiiritang sabi niya, "Pumuputi ang buhok ko sa iyo!"
"Kailangan mo na kasi ng boyfriend, aba! Mag-tu-twenty ka na!"
"Bata pa 'yun, noh!"
"Since birth wala boyfriend? Duh!" tukso nito sa kanya.
"What's wrong with that? At lease focus ako sa studies ko, magkaiba tayong dalawa…" sabi niya.
"Aral? Ano ba 'yan! Nakakatanda!"
"Ate Bev! Dumating na sila Kuya Lorence!" sigaw ng kapatid nito, dalawang bahay lang kasi ang pagitan ng mga bahay nila ng pinsan. Nakatira sila sa isang Village sa Antipolo na pag-aari ng pamilya nila.
"Ay! Andiyan na sila!" masayang sabi nito at nagmamadaling bumaba ng hagdan, naiwan siyang iiling-iling "Hoy! Sumunod ka, ah!"
"Opo!" malakas na sabi niya at tinungo ang komedor, maghahanap muna siya ng makakain bago pumunta sa bahay ng mga ito.
"Sydrelle, bakit hindi ka pa sumunod sa pinsan mo?" tanong ng Nanay Olga niya, nag-alaga sa kanya simula ng bata siya. Ang asawa nito at apong si Nelva ang tanging kasama niya sa bahay.
Nasa ibang bansa pareho ang kanyang mga magulang, gusto siyang isama ng mga ito ngunit tumanggi siya. Mas gusto niya doon, dumadalaw na lang siya roon tuwing bakasyon.
BINABASA MO ANG
Forevermore
RomanceForevermore--- Trip lang, :D ---it's my favorite song. Matagal ko na kasing pangarap na haranahin ng kantang 'yun, malabo naman ata mangyari so idinaan na lang sa kwento...*Laughs* Pocketbook format po siya, parang third person po 'yun narrator... T...