Starting point

29 0 0
                                    

Chapter Two

Nanggigigil na sinipa ni Sydrelle ang nadaanang halaman, nagsisisi siya kung bakit naibigay niya ang number niya sa hambog na iyon. Dapat ay pineke na lang niya ang ibinigay niyang cellphone number.

"Sydrelle, hija. May problema ba?" tanong ni Nanay Olga sa kanya, hindi niya namalayan ang paglapit nito.

"A-ah, wala po…"

"Bakit parang naiinis ka…"

Pilit siyang ngumiti, "Medyo nainis lang ako sa mga bisita ni Bev, mayabang 'yun isa…"

Umiling lang ito, "Siya sige at ako naman ang makikikain sa kanila…"

"Sige po, trip kong matulog…"

"Mabuti pa nga at mawala ang inis mo…" sabi nito bago umalis.

Pinasya na lamang niyang matulog at baka sakaling mawala nga ang pagkainis niya, Tutal ay wala siyang pasok ng isang linggo. Malaya siyang gawin lahat ng gusto niyang gawin at puntahan. Sa ngayon ay matutulog muna siya.

Nagising si Sydrelle sa tunog ng cellphone niya, naiinis niyang kinuha iyon at sinagot. Hindi na siya nag-abalang alamin kung sino ang caller, "Anong kailangan mo?" asik niya sa kabilang linya.

"Miss Taray, este Sydrelle pala…"

"Who are you?"

"Lorence, akala ko ibang number ang ibinigay mo…"

"Sana nga iba na lang at hindi ako naiistorbo…" matabang na sabi niya.

"Sorry, ah! Save mo na lang number ko---"

"Bye!" sabi niya at binabaan ito. Akmang pipikit siya ng tumunog uli iyon, "Anong kailangan mo?"

"Ayaw mo ba akong makita bago kami umalis?"

"So?" balewalang sabi niya at sumulyap sa pinto ng verandah sa kwarto niya, madilim na sa labas. Napasarap ang tulog niya.

"I just want to say goodbye---"

"Pwede ba? Nakuha mo na number ko, so please…don’t bother me…"

"Okay…"

"Good!"

"So, papayag ka bang dalawin kita?"

"Ano ba!"

"What's wrong with that---" hindi na niya pinatapos ang anumang sasabihin nito, pinutol na niya ang tawag.

"Ah!" naiinis na sigaw niya ng tumunog uli iyon, "Hindi mo ba ako titigilan?" asik niya sa kabilang linya.

"Glane!"

Napatayo siya mula sa pagkakahiga ng marinig ang ma-awtoridad na boses na iyon, "Dad!"

"Yes, someone bothering you?"

"A-ah, it's nothing…"

"Are you sure…"

"Y-yes, Dad…" kagat-labing sabi niya, "How are you?" pang-iiba niya ng usapan.

 Hindi niya maaring ipaalam ang tungkol sa lalaki, ayaw pa man din ng Daddy niya ang nanggugulo, lalo na sa kanya.

"We're doing well. Where are you?"

"At my room, kagigising ko nga lang…"

"You supposed to be in your cousin's birthday party, right?"

Napasimangot siya ng maalala ang hambog na iyon, "I am not in the mood to socialize, Dad…"

"Are you sick?"

ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon