Meeting the family

16 1 0
                                    

Chapter Six

"Where are you going?" nakataas ang kilay na tanong ng Mama niya sa kanya.

Nagkamot siya sa ulo, "Hi Ma!" tatlong araw na niyang iniiwasan ang kanyang ina. Kinukulit kasi siya nito tungkol kay Sydrelle, dapat na daw niya itong ipakilala rito.

"Hello, my son. It's been three days…" pormal na sabi nito, "Did you miss me?"

"Ahm, Yes?" alanganing sabi niya, "Bye, Ma!" mabilis na hinalikan ito sa pisngi at agad na tinungo ang pintuan.

"Lorence!" mariing tawag nito sa kanya.

Alanganing humarap siya rito, "Y-yes?" nautal na sabi niya, ayaw na niyang magtagal pa.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi po!" kaila niya.

"Sigurado ka?"

Tumango siya, "Sige, Ma! Mahuhuli na ako!" paalam niya at akmang tatalikuran ito ng makita ang kanyang ama na kagagaling lang sa komedor.

"Saturday ngayon, Lorence. May pasok ka?" tanong ng kanyang ama.

"May lakad kami nila Brent, Pa…" pagsisinungaling niya, ang totoo ay dadalawin niya si Sydrelle. Sinabi sa kanya ni Bev na wala itong pupuntahan.

"Ganito kaaga?" tanong nito, it is only eight in the morning.

"Yes, Pa…"

"Okay, just don’t forget our lunch…"

"Opo, salamat!" sabi niya at nagmamadaling tinungo ang pinto.

"Lorence!"

Naiinis na nilingon niya ang ina na nakapameywang na "Ma naman, mahuhuli na ako…" reklamo niya.

"Stay…"

"What?"

"Payagan mo na ang anak mo, honey…" sabi ng kanyang ama at inabutan ito ng isang basong juice.

"Oo nga naman, Ma. Naghihintay sa akin sila Brent---"

"Really?"

Pilit na ngumiti siya, "Ma…"

Humalukipkip ito, "Ang pagkakaalam ko, ngayon ang alis nila Brent papuntang Batangas…"

Nagkamot siya sa ulo. Bakit nga ba niya nakalimutan iyon. Wala na siyang lusot sa interrogation ng Mama niya.

"Now, kailan mo siya ipapakilala sa amin?"

"Who?" nagtatakang tanong ng kanyang ama at binalingan siya, "May girlfriend ka na?"

"Nililigawan pa lang…"

"Really? Anong nakain mo at nagkaroon ka ng interes…"

"Honey, ganyan ang nagagawa ng pag-ibig…" nakangiting sabi ng Mama niya, "Kung hindi mo siya maipapakilala sa amin today, irereto kita sa isang kakilala ko…"

Nagulat siya sa sinabi nito, "Ma!"

"What? ang bagal mo kasi…"

"Alam mo naman na hindi pa kami ni Sydrelle, may kasalanan pa ako sa kanya…"

"Ah, 'yun sinira mong halaman niya?" nakangising sabi nito na para bang may nalalaman ito "Forget her, siguradong mas magugustuhan mo ang ipapakilala ko sa iyo…"

"No!"

"I said…"

"No, alam mo namang seryoso ako kay Sydrelle!" naiinis na sabi niya at tinalikuran ang mga ito, bumalik na lang siya sa kwarto niya.

ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon