The decision...

21 2 0
                                    

Chapter Seven

"Ano ba 'yan!" naiinis na sabi niya, mailap ang antok sa kanya. Alauna na ng madaling araw, mulat na mulat parin siya.

Hindi niya makalimutan ang sinabi ng pinsan niyang si Bev tungkol kay Lorence.

"Gusto mo ba siya?"

"Pakialam mo ba?" singhal niya sa pinsan imbes na sagutin ang tanong nito sa kanya. Ang totoo ay mahal na niya ang binata, hindi lang niya iyon maamin sa sarili.

"Sydrelle, I am telling you…magsasawa rin si Lorence sa paghihintay sa iyo…" iiling-iling na sabi nito.

Saglit siyang natigilan sa sinabi nito, "Sabi niya maghihintay siya…" katwiran niya.

Marahas na bumuntong hininga ito, "Hanggang kailan? My God, Sydrelle! Its almost a year!"

"Mind your own, couz…"

"Huwag kang iiyak pag nawala siya. He's an ordinary guy, maghahanap at maghahanap sila ng babaeng bibigyan sila ng atensyon…"

"Bev naman…" saway niya rito, hindi niya kayang isipin na mawawala na lang bigla sa kanya si Lorence.

"I know you feel something for him, hanggang maaga pa…"

"What do you mean?"

"Sagutin mo na siya…" nakangiting sabi nito, "Brent told me yesterday na may umaaligid kay Lorence. Sige ka, maagaw pa siya ng iba…" sabi nito at iniwan siya.

Napatulala na lang siya pagkaalis nito. Nasanay na siya sa presence ni Lorence, lagi nitong ipinaparamdam ang pagmamahal nito sa kanya. Alam niyang hindi siya nito iiwan dahil nangako ito na maghihintay ito hanggang sa maging ready na siya.

What if?

"Ah!" sinabunutan niya ang sarili, paulit ulit na lang niya iyong naaalala. Para na siyang masisiraan ng bait.

Think, Sydrelle. Masaya ka ba tuwing kasama mo siya? tanong ng isang bahagi ng isip niya.

"Yes…" mahinang sagot niya.

Sagutin mo na!

"Bahala na si Batman!" sabi niya at walang anumang dinampot ang cellphone niya, tatawagan niya si Lorence.

Natigilan siya ng maalala na madaling araw na. Malamang ay mahimbing na ang tulog nito. Ang sama naman niya kung bubulabugin pa niya ito.

Eh, ano naman! Sasagutin mo na siya, di ba?

Napasulyap siya sa digital clock sa silid niya. September 27, quarter to two in the morning.

Kusang gumalaw ang kamay niya at tinawagan si Lorence, nakailang ring na ng sagutin iyon ng binata.

"H-hello?" tinatamad na bati nito sa kanya, napakagat labi siya. baka bulyawan lang siya nito.

Tinext mo na lang sana! sisi niya sa sarili.

"G-good morning!"

"S-sydrelle?"

"Yah…"

"A-ah…may problema ba?"

Napangiti siya, sige na! sabihin mo na… "Ah, gusto ko lang sabihin na…"

"What?" tila naiinip na sabi nito.

Wala nang urungan ito "Y-yes, I love you too…" nahihiyang sabi niya. Mag-iisang taon na rin nanliligaw ito sa kanya, sapat na iyon para patunayan nito ang pagmamahal sa kanya.

ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon