"Ma'am, pinapatawag po kayo sa office ni Sir Lee…" sabi ng sekretarya niya, tumango lang siya.
Halos dalawang linggo na siyang subsob sa trabaho, hindi lang siya kungdi silang lahat dahil sa expansion ng banking business nila. Project niya iyon pero hindi niya inakala na gano'n iyon kabusisi at kahirap.
Pinapasok siya agad ng sekretarya ng pinsan, "Kuya…"
"You’re here, take a seat…" nakangiting sabi nito, "Pinatawag kita dahil may deal na kailangan nating i-close…"
"Bakit kasama pa ako?"
"Request ng new C.E.O ng Alliance Marketing na ikaw ang magkipag-deal sa kanila…"
"What!?" gulat na sabi niya, "Marami pa kong trabaho, and matagal na niyong deal iyan, di ba?"
"Sydrelle, calm down…" mahinahong sabi nito, "Mahalaga ang deal na ito, kailangan kita ngayon…"
"Pwede naman si Kuya Rowell? Why me?"
Umiling ito, "Rowell is an engineer. If you close this deal, may be the way to vice president seat…"
Napatingin siya rito, "You serious?"
"Yes, I'll recommend you. I know you want the position…"
"Kuya naman, eh!" naiinis na sabi niya sa pinsan, "I can get the position on my own…"
"I know, mas mapapadali nga lang kung makuha mo ang Alliance's deal…"
"How's my project? Kailangang tutukan ko ito…"
"Trust your employees, Sydrelle. Kailan ka ba nila binigo?"
Napaisip siya sa sinabi nito, sa dalawang taon niya sa kompanya ay naging katulong na niya ang mga tauhan, hindi siya pinapahiya ng mga ito pagdating sa trabaho.
"Okay, you win…"
"Good…" nakangiting sabi nito at inilapag sa harap niya ang 2 folders, "Read and understand this files, tomorrow at 4 in the afternoon, you'll meet the new C.E.O. of Alliance…"
"New?"
"Yes, he's at your age…smart, goodlooking, young business tycoon…"
"So?" balewalang sabi niya, "Bakit siya pa? Pwede naman representative na lang nila, di ba?"
"As what I said earlier, he personally requested you to handle it…" makahulugang nginitian siya nito, "Base on my opinion, I think he likes you…"
Napataas ang kilay niya, "Me? Nakita na ba niya ko?"
"Maybe, baka sa magazine…"
"Oh, one of my fans…" biro niya.
"Sikat lang ako, nadamay ka lang…"
"Kapal mo naman, Kuya! Si Ate Aya lang naman dahilan kaya ka kilala, eh…" biro niya.
"Umalis ka na nga…"
"Talaga! Lakas kasi ng hangin…"
"Naka-aircon, eh…"
"Whatever…" sabi niya at lumabas ng opisina nito.
"Ma'am, kanina pa po naghihintay si Sir Lorence sa inyo…" nakangiting sabi ni Lara, front desk nila.
"What? Nasaan siya?"
Inginuso nito si Lorence na nakaupo sa divan sa may waiting area, nagbabasa ito ng magazine, "May date si Ma'am…"
Ngumiti siya rito, "Bakit hindi mo naman sinabi na naghihintay siya…"
BINABASA MO ANG
Forevermore
RomanceForevermore--- Trip lang, :D ---it's my favorite song. Matagal ko na kasing pangarap na haranahin ng kantang 'yun, malabo naman ata mangyari so idinaan na lang sa kwento...*Laughs* Pocketbook format po siya, parang third person po 'yun narrator... T...