Chapter Five
"Ui, ang cute naman!" nakangiting pinisil niya ang ilong ni Pooh, "Miss magkano 'to?" tanong niya sa saleslady sa shop na iyon. Mamimili sila ng regalo para kay Kuya Santy at sa future wife nito.
"750 only, Ma'am…"
"I will get---" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng hilain siya ni Sarah sa kitchenware section, "Ano ba? Bibilhin ko ang bear na iyon…"
"Balikan mo na lang…"
Naiinis niyang binalingan ang ngingiti-ngiting saleslady, "Miss! Balikan ko, ah! Sydrelle name ko…" sabi niya, nakangiting tumango ito sa kanya.
"Anong magandang gift kila Kuya?" tanong ni Sarah.
Inirapan niya ito, "Bilhin mo na lang lahat ng makita mo!"
"Ay, galit ka na niyan?"
"Sa tingin mo?" mataray na tanong niya sa kaibigan.
"Ikaw naman, oh…sorry na…" malambing na sabi nito sa kanya, "Tatanda ka niyan, sige ka…"
"Whatever!" sabi niya at kinalikot ang refrigerator na nasa harap, "Ito na lang ang ibigay mo…"
"Ayoko nga! Isang buwang allowance ko na 'yan…"
"Talaga lang, ah…" hindi naniniwalang sabi niya, mayaman ang pamilya ng kaibigan at lahat ng gusto nito ay nakukuha "Miss, we'll get it…"
"Syndi naman, wala akong pera…" reklamo ng kaibigan.
"What?"
"'Yun mura na lang ang kunin natin…"
Nakangising tinignan niya ito, "Ako ang magbabayad…" sabi niya na ikinahinga nito ng maluwag, "Pakibalot na lang, we will pick it up later…" sabi niya sa saleslady at ibinigay rito ang credit card niya.
"Sure, Ma'am…"
"Thank you…" sabi niya at naglakad palabas ng shop na iyon.
"Wait! Hindi pa ako nakakapili ng gift ko!" sabi nito at hinila siya pabalik, "Ang sama mo naman…"
"Masyado ng malaki ang kinita nila sa binili ko, let's try the other shop…" sabi niya at hinila ito.
"Saan naman?"
"Lingere…"
"What?"
"Ayaw mo?"
"Syempre! May itinatago ka rin palang---"
"Oh, shut up!" saway niya rito, "Hurry up, I can't wait to buy my Pooh…" sabi niya.
"Oo na po…"
Nakangiting sinundan ni Lorence ng tingin si Sydrelle, kasama ang kaibigan nitong si Sarah. Nagpasama ang kanyang ina na magshopping, saktong nakita niya si Sydrelle.
Halos dalawang linggo na niya itong hindi nakikita, katatapos lang kasi ng immersion nila kaya hindi na niya ito nadalaw o natawagan man lang, "Ma, may titignan lang ako…" paalam niya sa ina at lumapit sa shop na pinanggalingan ng dalaga.
Dinampot niya ang isang bear na tinitignan kanina ni Sydrelle, kitang-kita niya na gustung-gusto nito iyon.
"Sir, pinabantayan po sa akin 'yan ni Miss Sydrelle…" alanganing sabi ng saleslady.
Nginitian niya ito, "I'll buy it…"
Alanganing ngumiti ito, "S-sir, may ibang bear naman po kami rito, you can choose---"
"I want this bear…"
"A-ang taray pa man din ni Miss Sydrelle…"
Inilabas niya ang kanyang wallet at may kung anong ipinakita rito, "Don’t worry…"
BINABASA MO ANG
Forevermore
RomanceForevermore--- Trip lang, :D ---it's my favorite song. Matagal ko na kasing pangarap na haranahin ng kantang 'yun, malabo naman ata mangyari so idinaan na lang sa kwento...*Laughs* Pocketbook format po siya, parang third person po 'yun narrator... T...