"Inay?" mahinang tawag ni Dapnhie sa ina.
"Anak, ok lang sa amin iyang plano mo sa buhay pero sana.... sana inalam mo naman kung sino ang ama ng anak mo para naman may masabi naman kami sa mga tao kapag pinagtsitsismisan ka."
"Sorry po nay." hinging paumanhin ni Daphnie sa ina habang panay narin ang daloy ng luha nito.
Nasa ganun silang tagpo ng biglang bumukas ang pinto at....
"Ano na naman yan?" tanong ng tatay nito na si Mang June.... "Nakipag-away ka na naman ba Amy dahil sa anak mo?" tanong pa ni Mang June sa asawa.
"Di naman ako nakipag-away June kaya lang..... kaya lang..."
"Kaya lang... pinagtsitsismisan na naman ang anak natin?" sabat na tanong ni Mang June sa asawa nito.
"H-Hindi ko maiwasang masaktan eh.... nanahimik na nga ang tao dito panay parin ang gawa nila ng mga maling kwento tungkol kay Daphnie." saad pa ng ina ni Daphnie na siyang mas lalong nagpaiyak sa huli.
"Inay sorry po.... k-kung a-alam ko na magiging ganito a-ang kakalabasan nito sana po.... sana..."
"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo.... andyan na iyan at wala na tayong magagawa kungdi tanggapin." pahayag ni Aling Amy sa anak.
"Tama ang inay mo Daphnie... kaya ang dapat mo nalang gawin ay... alagaang mabuti ang apo ko." singit naman ni Mang June sa usapan nila ng....
"Anong apo mo lang!?" biglang sagot ni Aling Amy sa asawa sabay punas ng luha nito at... "Apo natin." dagdag pa nito na siya ng nagpangiti kay Daphnie.
"Oo na apo nating dalawa.... kaya itigil nyo na ang pag-ii-iyak dyan at baka lumabas na pangit ang apo natin." biro pa ni Mang June sa mga ito sabay lapit sa mag-ina nito at..... "Anak, k-kung.... kung ayaw mo pang sabihin sa amin ang ama ng dinadala mo..... igagalang namin ito pero may isa akong.... kondisyon." pahayag ng ama ni Daphnie na siyang tingin sa ama nito at....
"A-ano po iyon Tay?"
"Huwag mo nalang pakinggan ang mga sinsabi ng iba, lalo na iyong may makakating dila at ang isipin mo..... ang baby dyan sa sinapupunan mo ay isang ANGEL na galing sa langit na siyang magbibigay ng kasiyahan sa iyo at sa ating lahat."
"Opo Tay." mangiyak-ngiyak na sagot ni Daphnie sa ama at..... "Salamat po Nay, Tay... sa pag-iintindi at pagtanggap samin ng magiging baby ko na.... na kahit walang ama... tinanggap nyo parin kami." pasasalamat ni Daphnie sa mga magulang nito sabay yakap sa mga ito.
"Syimpre naman anak.... kasi anak ka namin at apo namin iyan." tanging sagot ng ama nito at sabay ganting yakap sa mag-ina nito.
SINGAPORE:
"Wha.... This must be a joke!" wika ni Andrew sa kawalan habang panak-naka paring tumitingin sa screen ng laptop nito.... "H-How could It be?" tanong pa nito sa sarili sabay ng pagtawa nito ng mapait. "Maybe, it was a mistake.... I need to call Jonas again." sa isip pa nito at sabay dampot sa cell phone nito.
Pagkatayo nitoay agad na denial ang numero ng kaibigan.....
"Hey! Jonas Bro!" bati nit sa kausap.
"I-I think.... there's mistake sa pinadala mong mga pictures sa akin?" saadpa nito dito.
"Yes, I saw it but....."
"That's her!?" gulat na tanong ni Andrew dito at.... "It could not be Jonas." dagdag pa nito.
"Ok, thanks." tanging sagot ni Andrew sa kausap nito sabay patay sa cell phone nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/46227603-288-k451202.jpg)