"Ito na ang bagong kabanata ng buhay ko." sa isip ni Daphnie habang nakaupo ito sa upuan sa loob ng eroplano at sa sayang nararamdaman nito ay hindi nito napigilan ang napaluha ng....
"Miss are you ok?" nag-aalalang tanong ng katabi nito ng makita nito ang luhang umagos sa pisnge ng dalaga.
"Ha!?"
"Kasi nakita ko na.... na umiiyak ka kaya..." napatigil ito ng mapagsino nito ang babaeng kausap nito.... "Its YOU!" sa isip nito.
"No, ok lang ako... masaya lang ako kasi pauwi na ako ng Pinas." nangingiting sagot naman ni Daphnie sa lalaki sabay punas sa pisnge nito at sabay ngiti dito na siyang nagpabalik ng diwa ng huli.
"Ah!!! Ganun ba."
"Oo, salamat sa pag-aalala mo." pasasalamat naman ni Daphnie na siyang kinatango at ngiti ng lalaki.
"Walang anuman.... Basta ikaw walang problema." bulong ng lalaki ng.....
"Ha!?" kunot noong tanong ni Daphnie dito.
"Ah... Ah.... Wala.... sabi ko walang anuman, b-basta kapwa ko Filipino ok lang." nauutal na sagot nito kay Daphnie sabay ngiti nito dito.
"Ah!" tanging nasabi ni Daphnie at umayos na ito ng upo.
EMERALD HOTEL:
"Paulo di ka pa ba uuwi? Wala ka na atang pahinga mula kahapon ah?" sita ni Carlo kay Paulo na abala parin sa pagbabasa sa mga papeles na nasa harapan nito.
"Carlo.... Later, tatapusin ko muna itong mga papeles na nasa harapan ko." sagot naman ni Paulo dito ng may maalala itong bigla.... "Carlo nasa iyo na ba ang mga list ng mga taong nagpatawag ng emergency meeting kahapon?" biglang tanong nito dito at.... "At saka iyong mga break down ng mga share holders ng mga board?" dagdag pa nito na siyang nagpa iling kay Carlo.
"Paulo.... Mahaba pa ang isang taon para patayin mo ang sarili mo ng ganyan!"
"Carlo, I need to do this... para kay Papa." tanging sagot ni Paulo dito at.... "Carlo mabilis na ang oras ngayon, hindi mo namamalayan.... bukas makalawa mag-iisang taon na." dagdag pa ni Paulo dito.
"Yap andoon na ako pero.... bakit hindi mo muna unahin ang kalusugan mo bago ang lahat dahil po Mr. President..... kung magpapabaya ka rin sa kalusugan mo at magkasakit ka habang ganyan pa ang kalagayan ni Tito..... ano sa tingin mo ang mangyayari sa kumpanya ninyo?" sagot at tanong ni Carlo dito na siya namang angat ng ulo ni Paulo para tignan siya at ngitian ng pilit.
"Carlo, don't worry, I know my limitation pagdating sa sarili ko at saka..... hindi mo ba alam na malakas pa ako sa kalabaw." pabirong sagot naman ni Paulo dito at saka ipinagpatuloy nito ang kanyang ginagawa.
"Oo alam ko naman yan but.... How... How about her?" alanganing tanong ni Carlo dito na siyang muling angat ng ulo ni Paulo at....
"Who?" patay malisyang tanong ni Paulo kay Carlo sabay ng paggunita ng alaala nito kung anong nangyari sa kanila ni Pia sa Singapore.
"Sino pa ba sa akala mo Pau? It's her.... its Pia... your girlfriend!" sagot naman ni Carlo dito na siyang tuluyang kinatahimik ni Paulo at..... "Sorry." hinging paumanhin ni Carlo kay Paulo dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng kasintahan.
"No, it's ok Carlo, pero sana huwag mo na munang banggitin si Pia sa akin ngayon dahil..... dahil sa ngayon ipupukos ko muna ang sarili ko sa kumpanya namin and..... and we need some space for now, para.... para magawa namin ang mga dapatnaming gawin sa buhay at magampanan kung mabuti ang responsibilidad na nasa balikat ko ngayon at siya rin..... para maabot naman niya ang kanyang pangarap." sagot ni Paulo dito sabay ngiti ng pilit.
![](https://img.wattpad.com/cover/46227603-288-k451202.jpg)