Dahil wala namang sasabihin ang babaeng tumawag sa kanya ay ipinagpatuloy na ni Daphne ang paglabas nito sa nasabing hotel.
Samantala......
"You heard that Ana!?" salubong ang kilay ni Piang tanong kay Ana.... "Sino ang babaeng iyon? At anong ginagawa nito sa unit ni Paulo?" tanong pa nito dito ng....
"Pia...."
"Don't try to defend him Ana.... nakita mo naman na.... na may ibang babae si Paulo, maliban sa akin." awat nito dito at..... "At kung mahal niya talaga ako..... nasaan siya? At anong ginagawa ng babaeng iyon sa unit nito!" galit ng wika nito kay Ana.
"Pia... can you please calm down..... pinagtitinginan ka na ng mga tao dito." awat ni Ana kay Pia.
"Paano Ana?! Paano ako kakalma kung.... kung wala dito ang Boy friend ko at maririnig ko pang.... nanggaling ang magandang babaeng iyon sa unit nito? Paano Ana?" balik tanong nito kay Ana at..... "You see.... tama nga si Papa.... niyaya niya lang akong pakasal sa kanya para lang maisalba ang pabagsak nilang kompanya.... at talagang hindi niya ako minahal kahit kailan." wika pa nito kay Ana.
"Pia..."
"I told you Ana.... don't defend him." ulit pa nito kay Ana.
"Hindi ko siya pinagtatanggol Pia.... ang hinihingi ko lang sa iyo ay huminahon ka.... dahil ang mga tao dito nakatingin na sa atin." pahayag ni Ana dito na siya namang ginawa ng huli.
"Ok ka na ba?" tanong pa nito dito ng makita nitong kumalma na ito.
"What do you think Ana?" sarkistong balik tanong ni Pia dito.
"So.... mas maganda sigurong bumalik nalang tayo sa unit natin.... at doon mo nalang ibuhos ang galit mo kay Paulo." sagot at yaya nalang ni Ana dito sabay akay kay Pia.
Pagkalabas nila sa nasabing hotel ay agad na silang sumakay ng taxi at nagpahatid sa FOUR SEASONS HOTEL kung saan sila naka check-in.
Samantala habang sakay ng eroplanong pabalik sa Pilipinas sila Paulo at Carlo..... Hindi parin nito maiwasang mag-isip ng binata kung bakit biglaan ang pagka-stroke ng ama.
"Alam kong may mali.... alam kong may problema na hindi sinasabi sila mama at papa sa akin." sa isip pa nito ng.....
"Are you ok?" tanong ni Carlo dito.
"Magiging ok lang ako kapag nakita ko na si Dad, Carlo." sagot ni Paulo dito na siya namang kinatahimik ng huli at..... "Carlo." tawag nito dito na siyang paglingon ng huli kay Paulo na wari'y hinihintay nito ang susunod na sasabihin ni Paulo..... "Before na pumunta tayo ng Singapore..... may.... may alam ka bang problema ni Daddy?" tanong ni Paulo sa kaibigan dahil alam nito na ito ang kasa-kasama ng kanyang ama tuwing may mga lakad ito.... hiniram niya lang ito dahil sa pagpropropose nito kay Pia na tinanggihan naman ng dalaga.
"Wala! Wala Paulo.... Wala akong alam kong may problema ang iyong Daddy." sagot agad naman nito.
"Pero bakit..... bakit aatakihin si Daddy ng sakit nito habang nasa loob ng opisina nito?" tanong ni Paulo sa kawalan.
"Relax ka nalang muna Paulo..... malalaman din natin kung anong totoong nangyari pagdating natin doon." payo naman ni Carlo dito.
"Carlo... I think.... sa mga ibinigay ni Dad na mga trabaho ko sa kompanya last few days....... No it can't be." biglang bawi rin nito sa sasabihin.... kaya napatingin si Carlo dito.