"Kilala ba kita?" kunot noong tanong ng lalaki kay Shiela."H-Hindi... hindi!" kaila ni Shiela dito ng... "Hindi na dapat malaman pa ng ama ng anak ko na nag-exist siya dito sa mundo." sa isip ni Shiela ng...
"Miss are you ok?" nag-aalalang tanong ng lalaki dito dahil sa nakatingin lang si Shiela sa mukha nito.... "Miss!"
"A-Ahhh.... yap akin nga yan... S-Salamat." nauutal na pasalamat ni Shiela dito sabay kuha sa cell phone nito at lakad papalayo sa lalaki.
"Is she's really ok?" tanong naman ng lalaki sa isip nito biglang may maalala ito.... "WAIT!!!" pigil at habol nito kay Shiela.... "Miss!!! Miss!!!" habol pa nito ng biglang tumunog ang cell phone nito.
"Yes Michael Paulo." sagot nito sa cell phone sabay lakad sa hindi mataong lugar.
"Michael Paulo!?" sa isip ni Shiela habang naglalakad ito papalayo sa lalaki... "Hindi ako nagkakamali siya... siya si Carlo Acosta.... siya iyong.... sa Singapore?" sa isip ni Shiela.... "Michael Paulo?" sa isip ni Shiela ng.... "Tama... siya na nga ang ama ni Baby Paulo!? Siya na nga wala ng iba!" bulong ni Shiela sa kawalan kasabay ng pagpitik ng mga daliri nito sa hangin ng....
"OPS!!!" mula sa katabi nitong lalaki.
"Sorry... sorry!" hinging paumanhin ni Shiela dito ng makita nito ang lalaking katabi nito.... "JONAS!? I mean.... Mr. Salcedo!" gulat na bigkas ni Shiela ng makilala nito kung sino ang lalaki.
"Small world Miss Shiela.... How are you?" nakangiti namang saad nito kay Shiela... "What are you doing here? Shopping?" mga tanong nito dito.
"Hi-Hindi.... may sasamahan lang ako na kaibigan."
"Ahhhh..." tanging nasabi nito ng... "So how's life here in the Philippines?"
"Mr. Salcedo... baka po magtagalog nalang po tayo kasi Filipino ka naman at Filipina naman ako at andito na tayo sa Pilipinas." turan ni Shiela dito na siyang nagpatawa kay Jonas.
"Ok... ok I'm sorry." hinging paumanhin naman ni Jonas dito.... "So saan ang lakad nyo ng kaibigan mo?" umpisa ni Jonas dito.
"Much better!" sagot naman ni Shiela sabay takip sa bunganga nito dahil sa sagot nito... "Dyan lang!" bagkus ay sagot nito.
"Saan sa dyan lang?"
"Teka nga muna Mr. Salcedo.... hanggang dito pa ba naman... magtatanong ka parin ba tungkol sa akin at sa kaibigan ko!?" kunot noong tanong ni Shiela dito.
"I just... I mean... gusto ko kayong maging kaibigan."
"Kaibigan?" nakalabing ulit ni Shiela dito... "Sa purma mong yan makikipagkaibigan ka sa amin ni Dapnhie!?"
"What's the matter for that?" natatawa namang sagot ni Jonas... "And beside... pinagtatagpo tayo ng kapalaran at ng nasa TAAS." dagdag pa nito.
"May nalalaman pang Taas... if I know naman si Dapnhie lang ang gusto nito." sa isip ni Shiela.
"Friends!"
"Alam mo Mr. Salcedo... ganito kasi iyon eh....." pauna ni Shiela dito ng.... "Sandali tumatawag na ang kaibigan ko." saad ni Shiela sabay pakita ng phone nito dito.
"It's ok... go ahead... answer her call." sagot naman ni Jonas dito.... "Maglakad lakad nalang muna ako dito." dagdag pa nito na siyang kinalaki ng mata ni Shiela... "Yes!!! Sasamahan ko kayo ng kaibigan mo sa lakad nyo today." pahayag ni Jonas sabay lakad papalayo kay Shiela... "This is the right time for Andrew." sa isip nito sabay labas ng cell phone nito.... "I know this is crazy but..... This is the first time na nagmahal si Andrew and I know he loves her even.... even may anak na ito." sa isip pa nito ng....