"Hindi ako nagkakamali..... I know at ramdam ko na.... na iyong baby na nakita ko sa unang panaginip ko na nasa shopping mall at karga ng babae ngayon ay iisa." napapaisip na saad ni Paulo sa sarili..... "Pero sino ang batang iyon?" naguguluhang tanong parin ni Paulo sa sarili..... "Maybe.... isa lang sila sa natulungan ng Emerald Foundation and they just want to say thank you." bulong nalang ni Paulo at himiga uli at muling natulog.Kinabukasan maaga palang ay gumising na ito naligo, pagkabihis nito ay agad na itong lumabas ng silid nito at dumeritso sa sa isang silid kung nasaan ang kanyang ama.
"Good morning Pa!" masiglang bati nito sa amang nakaratay sa kama..... "Kumusta na po kayo?" tanong pa nito sa ama.... "Alam mo Pa, ok na uli ang Emerald.... bumalik na iyon sa dati kasi.... alam mo na, magaling itong anak mo eh.... at mana po sa iyo." pahayag pa ni Paulo sa ama habang hawak hawak nito ang kamay ng ama..... "I wish... one day pag-uwi ko po dito papa, makikita ko na po kayong nakadilat at nakangiti sa amin ni Mama." bulong ni Paulo sa ama.... "Siguro kung mangyayari iyon, ako na ang pinakamasayang anak or tao sa buong mundo." dagdag pa nito sa amang nakahiga sa kama..... "At gagawin ko po ang lahat Papa para malaman ko kung ano ang totoong nangyari noong araw na atakihin kayo sa opisina nyo." sa isip nito habang hawak ang kamay ng ama ng.....
"Iho." tawag ng mama nito sabay hawak sa balikat ni Paulo.
"Ma." sabay hawak sa kamay ng ina niyong nakapatong sa balikat nito.
"Don't worry magigising din ang Papa mo sa lalong madaling panahon, at makakasama pa natin siya ng matagal." turan ng ina nito kasabay ng pagpisil ng kamay ni Paulo.
"Yes Ma.... I know mangyayari po yan." sagot naman nito sa ina sabay tayo nito at harap sa ina.... "Thank you Ma, for always their for Papa and me.... sa pag-aalaga po kay Papa." pasasalamat nito sa ina sabay yakap dito.
"Don't thank me son.... mahal ko kayo ng Papa mo at handa kong gawin lahat para sa inyong dalawa at lalong-lalo na sa Papa mo.... he is my everything son."
"I know Ma."
"Kaya..... huwag kang mag-alala, hindi ako mapapagod na mag-aalaga at magmamahal sa inyo ng Papa mo dahil kayo ang buhay ko.... Ok!?" pahayag pa ng mama ni Paulo sabay hawak sa magkabilqng balikat nito at.... "Kaya... ayusin mo na ang sarili mo at mahuhuli ka na sa opisina mo... Mr. President." dagdag pa ng mama nito na siyang kinangiti na ni Paulo.
"Yes Ma." nakangiting sagot nito sa ina at nagpaalam na ito.
FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL:
"Dapnhie anak." tawag ni Aling Amy sa anak na nakatitig sa batang nasa bisig nito."Inay, ganito po pala ang pakiramdam ng isang ina." saad nito sa ina na may nagbabadyang luha sa mga mata nito.... "Parang.... parang ayaw mo na pong mawalay ang anak mo sa iyo." dagdag pa ni Dapnhie sabay ng pagtulo ng luha nito.
"Oo anak." sang-ayon naman ng inay nito at.... "Ganyang-ganyan din ang nararamdaman ko noong pinanganak kita.... parang ayaw na nga kitang ibaba noon eh." dagdag pa ni Aling Amy na siyang nagpangiti kay Dapnhie.
"Thank you po at andyan po kayo lagi sa tabi ko Nay." papasalamat nito sa ina.
"Anak, kahit ganyan naman ang nangyari sa iyo.... anak ka parin namin at di ka namin kayang pabayaan ng tatay mo... lalo na't ganito kagwapo ang apo namin." pahayag ni Aling Amy sabay tingin sa batang tulog na tulog sa bisig ni Dapnhie.... "Kaya ngayon na ina ka na anak..... sikapin mo na maitaguyod mo si Michael Paulo ng maayos."
"Opo Nay, para po sa anak ko... gagawin ko po ang lahat para sa kanya... pangako po." sagot ni Dapnhie sa ina ng.....
"Amy, naayos nyo na ba lahat ng iuuwi natin?" tanong ni Mang June sa asawa ng makapasok sa loob ng silid.... "Oh! Bakit na naman nag-iiyakan na naman kayong mag-ina?"