CHAPTER 20: TERRIFIED

872 33 0
                                    


SEIRRAN'S POV

"Congratulations!" pagbati ng doctor sa akin.

Seven weeks and Five days old na ang baby namin.

Sa wakas. Ito na 'yung matagal na naming pinakahihintay. Grabe, akala ko hindi na kami magkakaanak pa.

"Anong gusto mong kainin? Saan mo gustong kumain?"

"Kahit ano."

"Uy, ganyan ba kapag naglilihi? Di ba dapat may dinedemand kang pagkain sa akin?" usisa ko sa kanya.

"Hindi pa siguro sa ngayon."

"Ah.. thank you Chichiku!"

"Para saan?"

"For giving this child to me. Finally." Sagot ko habang hawak ko ang tummy niya sa kabilang kamay ko habang nagda-drive.

"Uhm.. Sei, 'yung pagpapakasal nina Misty at Yosef, 'yun ba yung dahilan kaya siya napatawag kahapon?"

"A.. Oo. Magpo-propose din pala kasi 'yung unggoy na 'yun. Pinatagal pa. Tsk, hinintay pa atang mabuntis kita bago siya makasigurong wala nang pag-asa sa'yo."

"Ganon?"

"Grabe no, almost four years of waiting."



CHI-CHI'S POV

"Grabe Master ang tagal!"

"Hoy Evan manahimik kang child factory ka ha."

Panay ang pang-aasar ng mga kaibigan niya sa kanya habang magkakasama kami sa bahay.

Nag-imbita siya sa kanila para i-celebrate ang pagkakaroon namin ng anak.

"Baka siguro dahil sa kasabikan na-shoot rin sa wakas ni Master." Keno.

"Unggoy ka isa ka pa. Tanggal ka na sa kompanya ha."

"Biro lang Master! I mean mas hot ka siguro ngayon! Di ba? Chi-chi? Paano ba nangyari?"

Sabay tawanan nang malakas.

Lahat nagtatawanan. Maliban sa mga babaeng kasama namin. Sina Misty, Cyrene, at Cerise.

Ang totoo, kapag naalala ko 'yun, parang nananaginip ako noon.

Nanaginip akong bumalik na ang lahat ng alaala ko.

Sa panaginip ko pakiramdam ko kilalang-kilala ko si Seirran. At napakasaya kong kasama siya nung gabing 'yun.

Pero bigla na lang nawala pagkagising ko sa umaga.



DARCUS' POV

Parang magkakaroon ako ng malaking problema sa lalaking 'to. Kinailangan pa talaga akong gisingin ng mga tao para lang patigilin siya sa pagwawala.

Kalmado akong naglakad patungo sa kwarto niya. Ang alam ko, kaya ko siya. Parang si Seirran lang iyan. Ako lang ang makakapagpatigil sa pagwawala niya. Pero iyon lang pala ang akala ko. Nasindak ako sa nakita ko.

Halos malagutan na ng hininga ang Secretary kong si Marie sa pananakal na ginawa sa kaniya ni Matthew. Lahat ng pumipigil sa kanya ay tumatalsik lang sa simpleng pagsapak niya.

"Itigil mo iyan! Matthew!"

Pero wala siyang naririnig. Kitang-kita ko sa mga mata niya na handa siyang pumatay ng tao ngayon.

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon