Chapter 26: Everything Was Fine

756 33 0
                                    

SEIRRAN'S POV

Umaga na naman. Hindi naman ako nakatulog sa sobrang sama ng loob. Ganito pala 'yung pakiramdam ng isang magulang na nawalan ng anak. Ang sakit-sakit. Hindi man lang kami nagkita. Hindi ko man lang siya nahawakan at nabuhat. Hindi ko man lang narinig 'yung pag-iyak niya.

Bigla na lang naglaho ang lahat ng pangarap kong iyon.

Napabangon akong bigla nang maalala ko si Chi-chi. Naalala ko 'yung pag-iyak niya na parang walang katapusan. Awang-awa ako sa asawa ko.

Dumaan ako sa tapat ng guest room nang makita kong wala pa sa dining room. Umiling si mama Halena habang kumakain siya roon.

Sinubukan kong gisingin si Chi-chi pero walang sagot sa mga pagkatok ko sa pinto. Kaya hinayaan ko na lang muna siya. Kailangan niya siguro ng distansya sa ngayon.

"Iyak siya ng iyak kagabi sa kwarto. Dumaan kasi ako sa guest room. Nabahala ako dahil nga sa magkahiwalay kayong natulog kagabi. Gusto kong yakapin 'yung anak ko pero kailangan nating irespeto 'yung gusto niyang mapag-isa muna. Huwag kang mag-alala, hindi madaling sumuko si Chi-chi. Sana ganun ka rin Seirran. Malalampasan nyo rin 'to. Nandito lang kaming mga magulang nyo. Magtutulung-tulong tayo na malagpasan 'tong sakit na dulot sa pamilya natin." Payo ni mama habang kumakain kami. Pati kasi sa harap ng pagkain naiiyak kami.

"T-tama kayo." Nilingon ko siya nang may pilit na ngiti. "Pwede pa naman uli kaming magkaanak di ba?"

"Oo. Iyon naman ang sabi ng doktor."

"Salamat po mama. Hindi nyo kami pinabayaan ni Chi-chi."

Matapos ko naman maglinis ng sarili, binalik ko naman sa cabinet ang nalinis na damit ni Chi-chi. Naalala ko tuloy lahat ng nangyari kahapon.

Masaya dapat kami ngayon. Kasama ang mga kaibigan. Pero ganito pa ang nangyari. Bumabalik na yata sa'kin lahat ng masasamang ginawa ko noon. Ang sakit naman. 'Yung anak ko pa ang nagbayad. Dapat ako 'yung nawala di ba? Bakit 'yung walang malay na bata? Ang sakit.

Naiiyak na naman ako. Anak, nagmumuka na kong bading kakaisip sa pagkawala mo. Bakit mo kasi kami iniwan agad? Kawawa naman 'yung mommy mo.

Gising na kaya siya? Lumabas na kaya siya ng kwarto? Baka gutom na gutom na 'yun. Pupunta na sana ako doon para gisingin siya pero biglang may tumawag.

[Positive siya for taking that kind of drug medicine.]

"Ano? B-bakit naman niya gagawin 'yon? Tama ba iyang test na ginawa niyo? Baka mali iyan doc.."

[You may personally check sa laboratory namin ang ginawang test, Mr. Lee]

Biglang parang may kumirot sa dibdib ko nang sabihin ng doctor sa'kin ang test result na ginawa nila kay Chi-chi. Hindi ako makapaniwalang iyon ang dahilan. Kaya naman agad kong naisip na maghanap ng kung ano sa mga gamit niya. Hanggang sa may nakita akong unusual white plastic bottle sa drawer niya. Naghinala na ako sa laman nito. Pero di ako nakuntento nang makita kong may nakatiklop na sulat na nakaipit sa ilalim ng make- up kit. Isang letter.

Binasa ko agad. Biglang uminit ang muka ko at bumilis ang tibok ng puso ko. What I've read is a shit. This is FCKING sht. I don't know what to say again. It killed me right after I saw his written name.

Chi-chi,

This is our last hope. Please don't hesitate to do this if you really know that I am the one you love. I'm waiting for you, always.

Matthew

CHI-CHI'S POV

Pagkabukas ko ng pintuan nagulat ako sa hitsura niya. Galit na galit siya habang nakatingin sa'kin. Hinawakan niya ko nang napakahigpit sa braso na para bang gusto niyang durugin 'to. Nakakatakot ang Seirran na kaharap ko ngayon.

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon