CHAPTER 33: Dare Devil

822 26 8
                                    

MATTHEW'S POV

Pinuntahan ko si Chi-chi sa kwarto nilang dalawa ni Luisei. Pero si Luisei at ang maid lang ang naabutan ko doon. Tinanong ko sa maid kung nasaan na si Chi-chi. Wala rin syang alam. Sinubukan ko siyang tawagan pero narinig ko lang ang pagtunog ng phone nya. Hindi nya dala kundi nandito rin. Nakakainis!

Kaya naman lumabas na ako at nagsimulang maghanap. Kapag nahanap ko na siya, aalis na kami ngayon din sa impiyernong mansion ni Darcus. Makakawala na rin kami ni Chi-chi.

Nang mapadaan ako sa kwarto ni Darcus ay naisipan kong kunin na rin ang itinatago nya sa vault ngayong alam ko na rin ang code. Pagpasok ko ay napansin ko agad na gising siya at nakatingin siya nang masama sa akin. "Wala namang magagawa iyang pagtitig mo nang ganyan kaya ipikit mo na lang iyang nakakainis mon mga mata."

Pumunta ako sa kinalalagyan ng vault at nag-umpisa siyang umungol. Mukang pinipilit niyang makapag-ingay. Kaya naman bumalik ako sa pintuan para i-lock ito.

EVAN'S POV

"Chi-chi!" Dali akong bumaba nang kotse nang makumpirma kong siya nga 'yung isang babae. "Chi-chi anong ginagawa mo dito?"

Nagulat din ako nang mapansin kong si Marie ang kasama nya sa gilid ng tulay. Nakatingin lang siya kay Chi-chi at parang wala rin siya sa sarili.

"Chi-chi halika na umuwi na tayo. Kanina ka pa namin hinahanap ni Master." Sabay hawak ko sa braso niya. Pero binawi lang niya agad.

"Hayaan mo na ako. Kalimutan mo nang nakita mo ako rito Evan." Sabi niya habang tumutulo mga luha niya.

"Bakit kita hahayaan? E kanina pa kami naghahanap sa'yo? Tapos ngayong nakita na kita, hahayaan lang kita rito?" Kinuha ko uli ang braso niya at hinila siya. Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa braso niya.

"Anong nangyayari dito Evan?" Siya namang paglapit ni Master.

"O buti nadaan ka dito." Yun lang ang naisambit ko agad.

"Fortunately napansin ko kayo rito. Ano bang nangyari? Dito mo siya nahanap?"

"Definitely. Halika iuwi na natin siya. Sa kotse ko muna siya." Nang hilain ko na uli siya ay bigla siyang nakawala sa pagkakahawak ko.

"Pasensya na. Hayaan nyo na lang ako." Tuloy pa rin ang pag-iyak niya saka siya bumalik sa gilid ng tulay.

"What the heck is she doing?!" Sigaw sa'kin ni Master. Grabe ako talaga ang nasigawan.

"Aba e di kumawala at tumakbo papunta doon!" Sagot ko naman habang papunta na rin siya kay Chi-chi. Hindi na muna ako sumunod at pinanuoran ko muna ang mga kilos nila. "Sht. Inaantok na ko pero di ko pwedeng palagpasin 'tong chapter na 'to. Let me watch first."

"What are you doing?"

"Sorry. Hindi ko na kasi kaya Seirran. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ito na lang ang magagawa ko para matapos na.."

"Matapos na ang alin?!" Teka mukang idadaan na naman sa init ng ulo ng master namin. Baka mamaya bigla na lang tumalon si Chi-chi sa takot nya. Kaya naman lumapit na ako.

Hinablot ko uli ang braso ni Chi-chi at sinagot si Seirran. "Para matapos na ang paghihirap niya. Di pa ba obvious Master?" Sabay talikod ko sa kanya at hinila na uli si Chi-chi.

"Let her jump then!" Nagulat ako ng paghiwalayin niya kami at hinila niya si Chi-chi pabalik sa gilid ng tulay. Hindi ako makapagsalita sa ginawa ni Seirran. Pero mukhang alam ko na ang nasa isip niya. Natigilan ako. "Tumalown na na matapos na itong pahihirap mo!" Epic lang.

Pero mas nagulat ako nang kumilos nga si Chi-chi. Mabilis siyang tumawid sa harang at hindi ko na alam dahil napapikit na lang ako bigla.

CHI-CHI'S POV

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon