CHAPTER 2: Welcome Back!

2.7K 51 6
                                    

 CHI-CHI'S POV

After 3 years..

 

"Grabe talaga yung katangahan mo BF! Sinira mo pala ang first night nyo ni Master?!"

"Oo na. Ako na," malungkot kong naisagot.

"Sa gwapong ito ni Seirran? You resisted him by doing that?! How dare you BF!"

"Ano? Gusto ko lang na wag masaktan. Ano ka ba." napairap na lang ako sa kanya habang patuloy pa rin sya sa pagbrowse ng wedding album namin.

Nag-aayos kami ng living room namin. Ito ang pangalawang pagbisita sa kin ni BF mula nang bumalik kami dito sa Pilipinas. Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang lumipat kami dito sa bagong tirahan naming mag-asawa.

"So pinagsisisihan mo na hindi yun agad nangyari sa wedding night ninyo?"

"Sort of." Napahinga ako nang malalim. "Pero natuloy naman yun nung pumunta na kami sa Jeju Island para mag honey moon no."

"Aish! Iba pa rin ang wedding night no! Yun ang first night nyong dalawa bilang mag-asawa!"

 

Naalala ko pa na pinataponlahat ni Seirran ang all kinds of alcohol drinks sa rest house nila sa Jeju. Doon, na-corner nya ako. Pikit-mata ko namang hinarap yung kinakatakutan kong mangyari.

Pero hindi nagtagal yung takot na yun. Kinausap nya ako.

"I know you're afraid. It reflects from your actions. But Chi-chi.." hinawakan nya ang dalawang kamay ko at umupo sya sa harapan ko. Samantalang ako e nakaupo sa gilid ng kama. "Can you trust me?"

 

Hindi ako nakasagot agad. Speechless ako sa expression ng mga mata nya. Parang anytime e masasaktan sya kapag hindi ako pumayag.

Trust. Yes, I trust him. Pero kasi.. masakit daw yun e! Waaa...

"Okay, maybe next time. I can wait." Huh?

I can wait? He can wait until I trust him to do that 'thing' with me?

Tumayo na sya at umakyat sa kama. Kumirot yung puso ko. I felt the guilt.

I should trust him.

Chi-chi, you should be submissive to your husband from now on. Grow up girl.

Sinabihan ako nun ni Cyrene.

Submissive. To my husband. To my Seirran.

Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari.

"Seirran, I trust you." Hinawakan ko yung braso nya habang nakahiga na sya sa kama.

Halatang nagulat sya. Nanlaki yung mga mata nya.

"I should trust you."

"Huh? Pero.."

"No, not other time. Let's do this now. I trust you."

 

 

"So, what happened next?" ANO? MALAMANG YUN NA YUN!

"Ano ka ba?! Alam mo na yun!" pakiramdam ko uminit ang muka ko at napaiwas ng tingin kay BF.

"Aish, BF mo ko no! Wag ka na mahiya!"

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon