CHAPTER 5: DARK VILLAINS' REUNION

1.7K 35 1
                                    

CHI-CHI'S POV

Hay naku. Nakakatamad bumangon.

Ang sakit ng katawan ko. Ang hirap ibangon.

Pero pinilit kong bumangon dahil nagugutom na ako. Dumiretso ako sa dining room.

"Naku Chi-chi, late ka nang bumangon. Paalis na si Seirran, ngayon ka lang nababa." bungad ni mama sa'kin.

Naalala kong ginigising ako ni Seirran, pero hindi ko man lang naidilat ang mga mata ko. Pero sinabi kong susunod na lang ako.

Umupo na ako sa tabi niya. Hindi ako makatingin sa kanya, nakatingin lang ako sa plato ko habang kumukuha ng pagkain.

Ramdam kong tinititigan lang nya ako. Nahinto sya sa pagkain.

"What's with that mood?" sambit nya sa wakas.

Sumubo lang ako at hindi sumagot.

"Chi-chi, may nararamdaman ka ba anak?" hindi ko rin nilingon si mama. Umiling ako bilang pagsagot. Tinatamad akong magsalita. Ano ba namang araw 'to. Tamad na tamad ako at.. ang sakit ng katawan ko.

"May masakit ba sa'yo?" He leaned forward and grabbed my chin.

Binawi ko naman ang muka ko saka umiling uli.

"Damn it." mahinang pagmura nya habang nakayuko sya. Binalikan nya uli ako ng tingin. "Say it to me Luichi."

"AISH! HINDI BA KAYO PWEDENG MANIWALA SA PAG-ILING KO?"

"Bakit ka sumisigaw anak?" hinawakan ni mama ang braso ko.

Nakita ko namang nagulat si Seirran sa pagsigaw ko. Tapos nangunot ang noo nya. Nakatitig lang sya sa'kin. OMG.

Seirran, sorry. Hindi mo ako maiintindihan ngayon.

"What's wrong?" may pag-aalala sa tono nya. Nagi-guilty ako, kaya naman minabuti kong tumayo na lang at iwan sila.

SEIRRAN'S POV

 

"What have I done?" I blurted as she walked out from the room. I felt no ease.

"Seirran, baka may masakit talaga sa kanya. Ganyan kasi sya pag may nararamdaman, hindi yan nagsasabi. Mapapansin mo na lang sa mga kilos nya."

"We're already 3 years in marriage but it seems like I still have many things to learn about her."

"Ganyan talaga iho, bata pa kayo sa stage nyo ngayon. Pero sana, hindi ka magsasawang intindihin ang asawa mo."

"I need to know mama."

"Puntahan mo na sya."

I nodded.

Hindi ako sanay na makita syang gano'n. Mas gusto ko pang binubulyawan nya ako o sinasapak kesa hindi nya ako kausapin.

Pagdaan ko sa CR, nakita kong nakabukas ang ilaw nito. Bukas ang pinto kaya pumasok ako. I know she's not okay.

And there, I gasped for what I saw.

"Chi-chi!"

"Seirran.."

Dali ko syang nilapitan. Nakaupo sya sa sahig. Nakasandal sa pader. Nakapikit. Akala ko wala na syang malay.

"What happened to you?" hinawakan ko ang mga kamay nya. Malamig.

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon