CHAPTER 24: Mother Figure

1K 31 3
                                    


SEIRRAN'S POV


"Alam mo master parang kang laging high. Nagda-drugs ka ba?"

"If Chi-chi is a drug then you're right." Biro ko habang kumakain kami sa isang shabu-shabu ng mga gunggong.

"Ay sos. Grabe ka naman Master, 5 months na iyong bata baka naman makunan na si Chi-chi parang araw-araw kang nagda-drugs e-aray!"

"Libog mo talagang unggoy ka." Sabi ko na lang matapos kong lamukusin ang muka niya. "Hayup ka huwag mo nga kong itulad sa'yo."

"Ikaw talaga Evan, gawain mo pinapasa mo kay Master ha." Davis.

"Tsk! Nakunan na ba si Cyrene?" Laban ng unggoy na Evan.

"Adik! Syempre ikaw pa? Maingat ka di ba?" Keno.

"Naman!"

"Pero in-araw-araw pa rin. Haha!" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape sa sinabi ni Keno. Loyal talaga sa akin ang mokong haha! Kawawa si Evan unggoy.

"Masama? Atlis nag-iingat para di mawala ang bata. Masama ba iyon Davis? Anong masasabi mo?"

"Hayup ka talaga Evan. Meaning ginagawa mo talaga kahit.. Ugh!"

"Hahaha! Gagi hindi! Inaalam ko para pag pwede gagawin ko!"

"Hayup ka talaga. Hindi ako doktor. Tanungin nyo sa mga doktor ng asawa nyo."

"Ang alam ko pwede e." This time napabuga na talaga ako ng kinakain ko.

"Ay grabe ka Keno ha. Hahaha! Ikaw pala e!" Sabay hampas ni Evan kay Keno.

"Tumigil nga kayo mga manyak. Mahalin nyo na lang sa ibang paraan mga asawa nyo kapag buntis sila."

"Wow hanga na talaga ako sa'yo Master." Sabat ni Keno. "Kaso medyo nag-aalangan ako sa tuwing maaalala ko 'yung mga caught-in-act mong pangha-harass kay Chi-chi e haha!"

"Noon iyon."

"Talaga? Kita ko si Chi-chi lalong sumeksi ngayon. Kapag nakita nyo 'yung balakang, 'yung likod, 'yung boo- aray naman Master!" Hayup talaga 'tong Evan na 'to!

"Manahimik ka na nga! Hayup ka pinagnanasahan mo sa tingin asawa ko ha!" Bulyaw ko sa kanya kasabay nang pagsampal ko sa muka niya.

"Aish! Kapansin-pansin naman talaga! Ganun din si Cyrene kapag hindi pa masyado lumalaki ang tiyan."

Napapansin ko naman iyon. Tama sila. Pero syempre nag-aalala ako sa first baby namin e. Kaya kapag natutukso ako bigla ko na lang siyang tinatalikuran.

Lalo na kapag matutulog na kami. Grabeng torture ang ginagawa niya sa akin.



"Seirran I miss you! Harapin mo naman ako, bakit ka ba nakatalikod."
Here we go again.

"Chi-chi ha. Nasobrahan ka yata sa matamis. Iwasan mo na nga kumain ng mga ganun. Masyado kang sweet hindi ko na kakayanin!" Pagbibiro ko habang nakatalikod pa rin.

"Ganon. Paback-hug na nga lang!" WTF! UGH!

"Chichiku matulog ka na nga."

"Yes Master!"

Lalo pa siyang yumakap. Hindi ko na matiis! Buti may pang-remedy kahit papaano. Hinarap ko na siya at hinawakan ang muka niya. I kissed her like a hungry bear!

"Seirran si baby.." Buti na lang may time pa siyang awatin ako. Tumigil naman ako at tumalikod na uli sa kanya.

"Hahaha!" What a temptress. She hugged me again.

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon