Chapter 6: Offer from an Old Friend

1.2K 36 4
                                    

CERISE' POV

"D-davis? S-sinong Davis? Maraming Davis sa mundo." nanginginig kong pagtugon.

[Yung Davis na.. Ex-Boyfriend mo.]

"Ex?"

[Yes. Ex. As in past relationship. Kaya dapat kalimutan mo na.]

"Ano?" tumawag sya para sabihin yon at ipamuka na wala na talaga akong pag-asa sa kanya?!

[Tumigil ka na sa kabaliwan mo.]

"Aish! Ang kapal ng muka mong hayop ka! GAGO KA! PAKYU KA DAVIS!!!" sabay bato ko sa phone. Bwisit kasi!

Anong klase syang tao? Gsuto ba nya talaga akong saktan?

"Teka, binaba na kaya nya?" nilapitan ko yung phone at kinuha. Narinig kong nasa linya pa sya. "HOY LALAKE! ANO BANG GUSTO MONG IPAMUKA DYAN?!"

[Sorry..]

"A-ano? Tsk, masaya ka na sigurong malaman na 3 years na akong nabubuhay nang miserable dahil sa pagkawala mo!"

[Sorry..]

"HAYOP KA! ANONG GINAWA KONG KASALANAN SA'YO? BAKIT MO KO SINASAKTAN NANG GANITO?!" hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko sa sobrang sama ng loob ko.

[Paano kung.. makipagbalikan ako sa'yo?]

"Ano?" tama ba yung narinig ko? "Baliw ka ba? Sabi mo kalimutan na kita!"

Gusto ko nga bang bumalik sya sas'kin?

[Kapag nakipagbalikan sya.. wag mo na syang tatanggapin.]

"Ano?"

[Promise me, Cerise. Please..]

"T-teka, sino ba-" pagtingin ko sa caller name nagulat ako. My Fiancee? Fiancee?!

[It's your fiancee.. Mavis.]

"ANO?"

[Buksan mo na yung pintuan. Halika na kain na tayo ng breakfast.]

"SINONG NAGSABING PAKELAMAN MO ANG PHONE KO?!"

CHI-CHI'S POV

"Okay ka na ba? Hindi na ba masakit?"

Ang sarap talaga sa feeling yung ganito. Bago sya pumunta sa office, inaayos ko muna yung suot nya. Ako rin ang nag-aayos ng neck tie nya!

"Hey wife. Are you dreaming again?"

"Hindi no. Ayan, ayos na."

"Are you alright?"

"Oo naman."

"How about your abdomen?"

"Hindi na po." sabay pisil ko sa pisngi nya. Ang cute nya kasi mag-alala!

Huminga sya nang malalim saka hinalikan ang noo ko.

"Seiseiku, sa'yo ba magwo-work si Davis?"

"Oo, bakit?" sagot nya kasabay nang paghaplos sa ulo ko.

"Kelan sya papasok?"

"Today."

"Talaga? Pupunta ako sa office mo by lunch time ha."

"Bakit?" naku po sumimangot na naman po.

"Gusto ko kasing makausap si Davis after sana natin mag-lunch."

"Sige, sasamahan ko kayo."

"Huh?"

"Ayokong pagtsismisan kayo ng mga tao ko, okay?"

Just Married to A Villain (IMAV BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon