Kabanata 3

1.3K 40 8
                                    

Kabanata 3

"Where the hell are you, Irhia Fabregas?" Iyon agad ang ibinungad niya sa nakababatang kapatid na umalis nang walang paalam kaya siya itong pinepeste ng mga magulang niya para paghawakin ng kompanya.

"I'm sorry, Kuya. I'm here in US. I came here to attend on my bestfriend's wedding. Don't worry, after a week I'm going home. Pero pwedeng hindi na rin." Anito dahilan ng pagtatangis ng bagang niya.

"Get back here as soon as possible! I don't want to handle that fucking company!" Nanggagalaiting aniya, naihampas pa niya ang kamay sa lamesa niya sa bar.

"Na-uh. Kuya, for all we know, dapat ikaw ang humahawak niyan, hindi ako!" Agad nitong sagot. "Right! I'm not going home. You should be the one doing that. Bye Kuya! Good luck handling and managing the company. Love you!"

"Irhia! Hey, dimwit!" Aniya sa kabilang linya, ngunit hindi na ito sumagot doon.

"What the fuck?" Galit na aniya sabay padarag na ibinagsak ang cellphone sa sobrang galit niya.

He massaged his temples. His head was pounding from the extreme stress. He didn't know how to live peacefully with the life he had. He also didn't know if he should stop or not in searching for that mysterious woman who kept chasing him... whether he was asleep or awake.

Ilang beses na rin niyang inakala na ang mga babaeng nakikita niyang kaparehas ng postura, katawan at buhok nito ay ang babaeng iyon. But he always failed kaya halong galit, iritasyon at frustrasyon ang araw-araw niyang kasama.

Bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa noon si Gwen na mukhang kinakabahang pumasok at kausapin siya.

"S—Sir Ashton?" Mautal-utal nitong tawag sa kanya kaya tiningnan niya ito.

"What?" Iritadong tanong niya.

"Nandito po si Señora Adora." Pahayag nito.

"Tell her I'm not here." Utos niya rito.

"Sir, pasensya na po pero hindi raw po maniniwala si Madam." Mabilis na anito, napatungo na lang nang matapos sabihin iyon.

Nagbuga siya ng marahas na buntong hininga.

"Fine." Was all he said.

Tumango at lumabas si Gwen. Pumikit din muna siya saglit at nagpasyang harapin ang ina.

She's doing it again. Alam niya kung anong pakay nito. Mukhang kinausap na yata ito ng magaling niyang kapatid.

Agad siyang tumayo. Wala na ring nagawa kung hindi daluhan ang ina na prenteng nakaupo habang sumisimsim ng tsaa na isinerve dito.

Umaga pa lang nang araw na iyon kaya restaurant ang itsura ng bar niya ngayon. Kung titingnan, hindi aakalain na isa itong bar tuwing gabi. Mahusay ang kinuha niyang engineer at architect para itayo ang fancy restaurant bar niya.

It was his pleasure to work with Engr. Marco Villamor who's now the President of Villamor Engineering and Construction Firm. Ipinasadya niya ring ipa-architect ang itsura ng bar niya kay Architect Lienzo Saldivar na may ari naman ng Saldivar ArchiFirm. They are really the best kaya kapag may mga propyedad siyang balak ipagawa, hindi siya magdadalawang isip na sa mga ito muling ipagawa. It was beyond his expectation. Hinding hindi siya nagsisi.

"Son!" May pagkamanghang pambungad na bati ng kanyang ina na agad tumayo para halikan siya sa pisngi.

"What are you doing here, mom?" Iritadong tanong niya.

"Is that the right way to greet your mother, young man?" Anang kanyang ina, nakataas ang isang kilay nito, tila hindi nagustuhan ang pambungad na ginawa niya.

As She Dance With The Devil (BS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon