Kabanata 18
How I wish you were with me, my love.
Iyon ang paulit-ulit na laman ng isip ni Luna sa buong maghapon matapos mabasa ang mensahe ni Ashton na maya't maya ay nagtetext sa kanya.
How many times did she ignore and delete his messages? Siya na ang napapagod dahil wala yata itong balak tigilan siya and she hated the fact she's getting used to it.
Sa mga lumipas na araw, iyon ang dahilan kung bakit kahit papaano ay napapawi ang lungkot niya. He kept her entertained and occupied na sa unang pagkakataon ay hindi niya naramdamang mag-isa siya. Mas lalo nga lang siyang nahulog sa binata. Kaya naman, hindi niya alam kung paano pa makakalusong sa pag-ibig na nararamdaman dahil kung tatanungin ay lunod na lunod na siya. Ni hindi niya mabilang kung ilang beses niyang tinangka na iblock ang number nito ngunit hindi siya nagwagi. Sa huli ay nananaig pa rin sa kanya ang nararamdaman dito.
Hindi nga naman siguro ito babansagang playboy kung hindi nito kayang kunin ang puso ng bawat kababaihan. Ilang babae na kaya ang dumaan sa buhay ng binata? Palagay niya ay kung bibigyan siya ng pagkakataon na masaksihan ang buhay nito mula pagkabata ay hindi niya kakayaning bilangin iyon.
Sa bahaging iyon, hindi napigilan ni Luna ang pagkalat ng pait sa kanyang sikmura. Minabuti na rin niyang ignorahin at burahin ang mga mensahe nito dahil sa napagtantong iyon.
Padarag na ipinasok niya sa bag ang cellphone bakas ang inis kay Ashton na wala man lang kamalay-malay na kinaiinisan niya.
Para abalahin ang sarili, naglibot siya sa buong opisina ni Brix, kanina pa naghihintay. Malawak iyon at madaming librong tungkol sa medisina. At sa palapag na iyon, kitang kita niya ang kabuoan ng syudad dahil opisina nito ang nasa pinakataas ng ospital.
Naglakad siya patungo sa mesa nito at inabalang ayusin ang magulong gamit at papel na nakapatong doon. May mga nagkalat ding papel sa sahig na siguro ay sa pagmamadali kaya natabig at hindi na naayos. Isa-isa rin niyang tinapon ang mga papel na mukhang hindi na importante dahil lukot at gusot iyon.
Sa ilalim ng mesa ay inabot niya ang isang papel na naroon. Itatapon na rin sana niya nang mapagtanto kung anong klaseng papel iyon.
Habang nakakunot ang noo, lumunok siya kasabay ng pagbuklat niya sa papel na kilalang kilala niya.
"Luna?"
Sandali siyang napatigil at suminghap nang marinig si Brix, kaya naman awtomatikong nagusot niya muli ang papel. Kapagkuwan ay binulsa iyon at ngumiti dahil sa wakas ay naabutan niya si Brix na papasok ng opisina.
Hindi siya nagpadala ng mensahe rito o 'di kaya ay sinabihan ang sekretarya na paparito siya. Sinadya niya iyon. Dikta rin ng instinct niya na akala niya ay hindi magkakatotoo.
"Brix!" Masigla niyang bati rito.
'Yon nga lang, ang galak at saya na sana ay suot para salubungin ito ay napalitan ng pagsasalubong ng kilay at palipat lipat na tingin sa asawa at sa babaeng katabi nito na kung susuriin ay hindi nalalayo ang edad sa kanya.
Napahinto siya't hindi nakagalaw doon. Bahagya rin ang paglunok dahil hindi niya inaasahan iyon. May ibinulong din ang asawa sa babaeng iyon na agad tinanguhan noon.
"What brought you here? Hindi nasabi ng sekretarya na narito ka."
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nakabalot na tinig sa boses ng asawa. Hilam ang kaba, na tila may pinagtatakpan at himig na hindi nito nagustuhan na naroon siya.
Gusto niyang sabihin dito na bakit kailangan pa niyang magpaalam sa sekretarya na bibisita siya? Pati ba ang pagparito niya ay kailangan niya ng appointment?
BINABASA MO ANG
As She Dance With The Devil (BS #2)
RomanceHIGHEST RANKING: #92 IN GENERAL FICTION Book 2 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #2 Ashton Fabregas is a certified playboy. Despite being a product of love, he never imagined or dreamed he would fall in love wi...