Kabanata 24

206 3 0
                                    

Kabanata 24

"Ashton! Wait! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sunod-sunod na reklamo ni Luna habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan nito.

"Ano ba!" Pagpupumiglas pa rin nito nang tumigil sila sa tapat ng elevator.

Nanatiling nakatiim bagang si Ashton, hindi ito binalingan dahil sa matinding iritasyong namamayani sa kanya. Selos ang naghahari sa kanya at alam niya ang katotohanang wala naman siyang karapatan.

"What are you doing here? Paano mo nalamang nandito ako?"

Sinipat niya ito ng masamang tingin. Agad natutop nito ang dila at napaurong.

"And what do you think you're doing, Luna? Ano at nagcheck-in ka sa lugar na ito kasama ang lalaking iyon? Alam ba ito ng asawa mo?" Iritado niyang balik.

Her eyes widened.

Ilang segundo ang ginawang pagtitig nito, naguguluhan bago nakabawi.

"Wala kang pakialam."

His jaw tightened at that. Para iyong punyal na tumarak sa dibdib niya. Kaya naman pinili niyang tumahimik at kontrolin ang sarili.

But the thought that if he hadn't checked on her, who knows what might have happened between her and that man. Hindi siya makapapayag. Sisiguraduhin niyang masisira ang lalaking iyon kung sakaling nangyari ang kinatatakutan niya.

Kung nahahayaan ito ng asawa nito, pwes, hindi siya!

Bumukas ang elevator. Walang pakundangan naman niyang  hinatak papasok si Luna. Binitawan niya lang ito nang tagumpay na sumara iyon.

"Ano ba!" Reklamo nito at nagpupuyos na hinarap siya. "Ano bang problema mo?" Lakas loob pa ring asik nito.

Naikuyom niya ang kamao. Galit at iritasyon pa rin ang nababakas sa mukha niya.

"Don't trigger me, Luna. Baka kung anong magawa ko sayo rito." Seryosong banta niya.

Hindi pa nakaka-isang minuto nang bitawan niya ang mga salitang iyon, nangunot ang noo niya nang marinig ang pigil na paghikbi nito. Pinukulan niya ito ng tingin at doon napagtantong umiiyak si Luna.

"I hate you." Luna in between her sobs when her eyes met him.

Iyon ang tumunaw sa kaninang galit na namamayani kay Ashton. Nilapitan niya ito at nagdadalawang isip sa gagawin. Hindi niya gustong masaktan ito at lalo ang paiyakin. Sising sisi siya sa nagawa at nasasaktan na makita ang pinakamamahal niya na ganito.

"I'm sorry." Sabi niya, pinunasan ang luha nito.

Tinabig nito ang kamay niya pero hindi siya natinag. Bagkus ay dinala niya ito sa dibdib niya't ikinulong.

Bumuntong hininga siya't tumingin sa itaas at napailing. "I was just so scared. Forgive me, love." Aniya habang hinahaplos ang buhok nito at inaalo.





Nakalabas sila ni Ashton ng elevator. Tangay pa rin siya nito. Nagpatianod na lang sa gusto ng binata dahil mukhang wala itong balak na pakawalan siya.

Hilam pa rin ang luha sa pisngi niya. Wala siyang ideya kung bakit bigla na lang siyang naging emosyonal. Wala naman itong ginawa sa kanya. Ang tanging alam niya lamang ay galak na galak ang puso niya na makita ito. Para bang nakahanap siya ng kakampi at matatakbuhan sa oras na iyon. Hindi pa rin makapaniwala sa kahapong ibinunyag sa kanya nang hindi sinasadya.

"Hop in." Utos nito nang pagbuksan siya nito ng pinto na pumukaw ng atensyon niya.

Nagtagal ang tingin niya sa sasakyang pinagdalhan nito sa kanya. Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang ba siya ng imahinasyon niya. Pamilyar ang sasakyan at hindi siya sigurado kung iyon nga ba ang sasakyan ng katabing bahay.

As She Dance With The Devil (BS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon