Kabanata 11

261 24 2
                                    

Kabanata 11

Hindi na muling binigo ni Ashton ang mga magulang matapos niyang hindi makaabot sa family dinner nang anyayahan siya ng ina. Nakailang gabi rin siyang hindi bumibisita ng mansion sa sobrang busy dahil sa pagfa-finalize ng lahat.

Kaya nang matapos iyon, gabi-gabi ay pumupunta siya ng mansion para mag-hapunan. Kung hindi man kayanin ng oras niya ay nagbu-book siya ng reservation sa mga fine dining restaurant para mag-dinner kasama ang pamilya.

Dalawang araw din siyang hindi pinansin ng mommy niya dahil sa pagbigo niya. Grabe ang pagsuyo niya rito. Hindi naman niya ito masisi kaya bumabawi siya parati.

"You should permanently move here." suhestiyon ng lola niya.

Everyone agreed to it but he just don't want them to meddle with his life. Wala siyang pribadong buhay kung nasa iisang bubong sila ng pamilya niya. His parents and his lola are too nosy about his life. Ayaw naman niyang pakialaman siya ng mga ito.

He darted his eyes at her mom but she just avoided it. Siguro ay nasabi nito sa lola at daddy niya ang tungkol sa napag-usapan nila at ngayon ay gusto na naman nitong manipulahin siya para pumayag.

His mom is really a cunning woman. Matigas ang ulo na minana naman ng kapatid niya.

He was about to say something when his dad speaks.

"Let him do what he wants. Ashton is not a baby boy anymore."

Napataas ang dalawang kilay niya nang tingnan ang amang nakangisi sa kanya. They both chuckled but his mom and lola are not happy. He just averted his eyes at them and drink his wine.

Nasa patio sila sa mga oras na iyon, nagpapahangin. Nang natapos silang maghapunan kanina ay naisipang mag-tsaa ng magulang at lola niya. Maaga pa naman at wala na rin naman siyang masyadong gagawin kaya nanatili siya roon.

"By the way, you know Ylena, right?" ang mommy niya na may mapanuksong tono.

"Yeah." Tipid niyang sagot, hindi interesado roon.

"She wants to invite you on her business opening on Wednesday!" Excited na hayag nito, nanunuya pa rin.

He raised his eyebrow.

Sinipat niya ng tingin ang mama niya. Kitang kita ang kislap sa mga mata nito, maging ang lola niya ay nakikiusyoso na.

"I like her for you, iho." Malapad ang ngiti na sabi ng lola niya na ikinasimangot niya.

Bumuntong hininga siya. Alam niya ang gustong iparating ng mama niya, and he's not interested!

"I don't think I can attend." He said in a poker face.

"And why? Ylena is just being nice. Bakit hindi mo pagbigyan? She made time just to reach me so I could tell you since you were so busy, and you're turning down her invitation?" Gulat na pahayag ng mommy niya.

"Oo nga naman, apo." His lola agreed.

Nagkibit-balikat ang daddy niya, pinili na lang na hindi umimik at tinapik nang marahan ang balikat niya.

Sumimsim siya ng wine sa kopita. Kita niya rin sa peripheral ang masamang tingin ng mama niya dahil hindi niya sinagot ang tanong na iyon.

"Don't pressure him, hon." Bulong ng daddy niya sa mommy niya.

"What?" Maang na tugon ng kanyang mommy. "I'm not pressuring him. I was just saying that his friend is inviting him. And what's the reason why he couldn't atte—"

"I'm not interested to her, mother. So, please stop pairing me with random girls!" Putol niya sa mama niya.

"How come you're not interested? Kailan ka pa hindi naging interesado sa babae? Huh, Ashton? I thought you and Ylena are doing good."

As She Dance With The Devil (BS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon