Kabanata 15
Luna woke up early to prepare breakfast for them. Hindi niya ginising si Brix upang makapagpahinga ito nang mas mahaba. Malapit na rin siyang matapos kaya napangiti siya. Niluluto niya kasi ang mga paborito nitong pagkain. Medyo matagal na rin nang huli silang magkasabay sa hapag.
"Luna." Rinig niyang tawag sa kanya nito.
Narating nito kung nasaan siya. Bahagya siyang napangiti nang makitang nakaligo at bihis na, suot ang inihanda niyang damit para rito.
"Uh—I'm cooking breakfast. Malapit na rin 'to. Maupo ka muna." Pilit pinasaya ang tono na sinabi niya.
Seryoso itong tumitig sa kanya pero agad ding ngumiti, hindi lang niya alam kung totoo ba iyon o pilit dahil hindi man lang iyon umabot sa mga mata nito.
Inaamin niyang may pakiramdam siyang hindi dapat niya maramdaman. Ni hindi niya makilala ang mga tingin nito sa kanya. Kakaiba iyon na ngayon niya lang naranasan sa asawa.
"I—uh, also want to talk to you about some important things. Can you spare some time?" Pakiusap niya habang sa niluluto nakatingin pero agad din itong sinulypan nang matagumpay niyang nasabi ang lahat ng 'yon, kabado rin.
Tumango ito bilang tugon. Walang imik na umupo papunta sa island ng kitchen.
Palihim niyang pinagmasdan si Brix. Puno siya ng pagtataka. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng asawa dahil blangko iyon at parang may malalim na iniisip. Nanatili lang ito sa gano'n habang siya'y pinag-aaralan pa rin ang nakabanaag sa mukha nito.
His phone suddenly rings. Iyon ang bumasag sa katahimikang nakabalot sa pagitan nila. Parehas nilang naibaling doon ang atensyon. At kahit nakatungo ito, kita nya ang pagbabago sa eskpresyon ng asawa. Lumamlam iyon at kapagkuwan ay tumingin sa kanya dahilan ng pagtatama ng mga mata nila.
"Luna, I really have to go."
Hindi siya umimik. May parte sa kanya na nasasaktan sa pakikitungo ng asawa sa kanya.
She heard him sighed deeply. Lumapit ito, hindi man lang niya namalayan dahil sa pagiging okupado.
"I'm sorry. I will just call you later." Anito kasabay ng pag-ring ulit ng cellphone nito. "Take care, okay?" Pahabol nito at mabilis hinagkan ang noo niya, hindi na hinintay ang tugon niya at kumaripas agad palabas.
Hininaan niya ang apoy ng stove at tinakbo ang labasan para sana sabihing maglaan ito nang kaunting oras para mag-usap sila. Pero bago pa niya maabutan ang asawa ay tuluyan na nitong pinaharurot paalis ang sasakyan.
"Brix..."
She sighed and smiled bitterly. Tears are already pooling in her eyes. Pinigilan niya iyon at pinunasan agad ang mga mata.
"How can I talk to you now, Brix? I really can't handle the guilt and pain anymore." Bulong niya sa mabining hangin na tumama sa mukha niya.
Bagsak ang balikat na bumalik siya ng kusina at ipinagpatuloy na lang ang pagluluto. Matapos iyon ay kumain siya nang kaonti, wala pa ring gana.
Maraming bumabagabag sa isip niya. Dalangin niya ay umuwi ito agad nang sa gano'n ay tuluyan na niyang masabi ang lahat dito. Hindi na niya kayang patagalin at damdamin pa iyon. Gusto niyang linisin ang konsensya at maibsan kahit papaano ang bigat sa dibdib niya.
Why can't he spare some time for her? Hindi naman ganito dati dahil tuwing umuuwi ito, kinaumagahan, pinipili nitong magpa-late masabayan lang siya kumain at maihatid sa trabaho. Bakit ngayon pakiramdam niya ay lumalayo ang loob nito sa kanya? Ano ba talaga siya para sa asawa?
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Instinct ang nagdidikta sa kanya na parang may mali. Hindi lang niya iyon makumpirma at pinili na lang na huwag pag-isipan ng hindi maganda si Brix.
BINABASA MO ANG
As She Dance With The Devil (BS #2)
RomanceHIGHEST RANKING: #92 IN GENERAL FICTION Book 2 of 11 WARNING: SPG | R-18 | Matured-Content Synopsis Brotherhood Series #2 Ashton Fabregas is a certified playboy. Despite being a product of love, he never imagined or dreamed he would fall in love wi...