dahil ang bawat puso ay nangangailangan ng kahit kaunting pansin...
Alas–otso pa lamang ng umaga ngunit hindi na maipinta ang mukha ni Camille. Mabilis ang kanyang paglakad. Sa katunayan ay halos patakbo na nga niyang tinutungo ang gym sa kanilang paaralan. Nanggaling siya sa kanyang locker kanina at may nabasa siyang nagpainit ng kanyang ulo. Umuusok ang butas ng kanyang ilong, nagsasalubong ang kanyang mga kilay, nangangalit ang kanyang mga bagang ngunit hindi nito pinalis ang kanyang ganda habang sumusugod sa kung kanino man. Maraming mga estudyante ang napapalingon sa kanya. May mga mumunting tinig siyang naririnig na animo'y nangungutya sa kanya. Napabuntong–hininga siya. Gigil na gigil na talaga siya. Nililipad ng hangin ang mahaba at makintab niyang buhok. Di niya alintana ang sinag ng araw na tumatama sa maputi niyang balat. Di niya alintana ang taas ng kanyang takong habang mabilis pa ring nilalakad ang daan papunta sa taong tiyak na makakatikim ng kanyang galit. Sino ba naman ang hindi magagalit? Kagabi pa lang ay may nabasa na siyang post sa Facebook tungkol sa kanyang pagmamani–obra daw sa resulta ng katatapos lamang na student council election. Kunwaring naka blind item ang post pero obvious namang siya ang tinitira n'on. Marami ang nagbigay ng mga nakakapanglumong komento doon sa post pero hindi niya iyon pinansin. Namimili siya ng labang papatulan. Ang vote buying sa isang respetadong paaralan tulad ng St. Thomas Aquinas University ay isang joke. Oo, alam ng lahat na mayaman siya. Anak siya ng pinakamayamang pamilya sa Binondo at nagmamay–ari sila ng di bababa sa sampung iba't–ibang klase ng negosyo. Alam ng lahat na kaya niyang bumili ng boto para manalo sa pagiging pangulo ng student council pero my gosh, hindi naman siya ganoon kacheap!
Lumiko siya pagkarating niya sa susunod na gusali at walang awat na pinasok ang isang gym. Huminto siya sa paglalakad. Lumikha ng ingay ang kanyang takong kaya't nagsilingunan ang may apat na kalalakihang naroon. Pinagmasdan siya ng mga ito mula sa kulay itim niyang stiletos, sa maputi at makinis niyang mga binti, sa maiksi niyang fitted skirt, sa beywang niyang makipot, sa uniporme niyang halos magkumalas ang mga butones dahil sa malulusog niyang dibdib, sa mahaba niyang leeg at sa kahali–halina niyang mukha. Hindi napigilang sumipol ng tatlong lalaki habang sumasayaw ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.
Nakapameywang siya habang ginagalugad ng kanyang mga mata ang isang lalaking kanyang kinabubuwisitan. Hindi niya natanaw ang lalakeng iyon. Dumiretso siya sa locker area ng gym ngunit wala din doon ang lalaki. Sigurado siyang palaging sumasadya ang lalaking iyon doon tuwing umaga para mag–gym. Nagkuyom ang kanyang mga palad kaya nalukot ang papel na nadatnan niyang nakadikit sa pintuan ng kanyang locker kanina. Ipinasok niya iyon sa bulsa ng kanyang blusa. Nakakapanggigil talaga ang nakasulat doon. Dumiretso siya sa shower room. Wala siyang pakialam kung ano ang madatnan niya basta kailangan niyang mailabas ang inis sa kanyang puso kundi aatakihin na siya. Walang pakundangan niyang binuksan ang pintuan ng shower room. May tatlong lalaking naliligo roon. Sabay na lumingon sa kanya ang dalawang lalaki. Ang isa naman ay nanatiling ini-enjoy ang masaganang pagpatak ng tubig mula sa shower. Hindi siya napansin o pinansin nito.
"Hoy Mr. Cosare!" pabulyaw niyang sambit at umalingawngaw iyon sa loob ng paliguan. Napamulagat ang dalawang lalaki at agad–agad na pinihit ang shower at hinablot ang kani–kanilang towel upang takpan ang halos hubad nitong mga katawan. Hindi pa rin nagpatinag ang lalaking tinawag niyang "Mr. Cosare". Nagpapasasa pa rin ito sa lamig ng tubig. Mas lalo siyang nabuwisit sa pag–aasal nito. Lalo niya itong nilapitan at walang anu–ano'y itinulak ng malakas. Napasandal ito sa dingding na gawa sa tiles habang napakunot ng noo.
"Anong problema mo Camille?"
"Anong problema ko? Pagkatapos mong ipagkalat sa buong unibersidad na bumili ako ng boto at pagkatapos mo itong ipaskil sa locker ko," iminuwestra niya ang isang pirasong papel na dinukot niya sa kanyang bulsa at muling ibinalik doon. "...tatanungin mo ako kung ano ang problema ko?" namumula na siya sa galit.
"What?" 'yun lang at muli itong bumalik sa paliligo sa ilalim ng masaganang shower. Mas lalo siyang nainis sa asta nitong parang walang pakialam.
"Kailangan mong bawiin ang lahat ng mga paratang mo Mr. Cosare or else..."
"Or else isusumbong mo ako sa tatay mo?" mababa ang tono, walang pakialam at tinatamad nitong sambit. Napamulagat siya ng mga mata.
"Anong akala mo sa akin? Grade one pupil na magsusumbong sa mga magulang ko? Kailangan mong bawiin ang lahat ng mga paratang mo or else I will sue you!" nakapameywang siya ulit at sinubukan niyang maging nakakasindak ang kanyang boses sa pagkakasabi niyon.
"Okay..." nakangisi at sarkastiko nitong sambit habang inuunat ang sarili nitong biceps. Doon lamang niya namalayang tanging white brief lamang ang suot nito habang naliligo. Matangkad ito at makinis ang morenong katawan. May mga hibla ng buhok na naroon sa tiyan nitong may mga matitigas na abs. Lumalatay pa ang hiblang iyon hanggang sa malapad nitong dibdib. May mga hibla din ng buhok na naligaw sa paligid ng mapupula nitong mga labi at sa gilid ng mga pisngi nito. Malinis ang pagkakatubo niyon doon. Bagay na bagay ito sa hitsura nito pati na rin ang semi-kalbo na gupit nitong buhok. Ang seksi nitong tingnan. Ito ang perpektong halimbawa ng tall, dark and handsome. Namula ang kanyang mga pisngi at nalunok niya ang bara sa kanyang lalamunan. Pero hindi niya dapat iyon pinapansin. May atraso itong asungot na ito at iyon talaga ang kanyang sadya sa lalaking iyon.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin sa sarili mo na natalo kita sa halalan?" sinubukan niya ring mang–inis. Sarkastiko ang kanyang tono habang nilalait ang kausap. "And in the first place, where the hell did you get the smallest guts to compete against me?" asik niya sa wikang Ingles para maging mukha siyang superior. Ngunit hindi iyon nakaapekto sa binata sa halip ay natawa pa ito habang nagsasabon ng seksi nitong katawan. Hindi na niya napigilan ang sarili. Lumapit ulit siya sa binata at muli itong itinulak. Sa halip na matinag ang binata ay nadulas pa ang kanyang mga kamay. Dumiretso ang kanyang mga kamay sa ere, nawalan siya ng balanse at napatukod sa dingding. Bahagya nang nabasa ang kanyang uniporme. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Maiiyak na siya pero kailangan niyang maging matatag sa engkwentrong iyon. "Impakto ka!" asik niya habang hinahampas ng pinagkuyom niyang mga palad ang malalapad nitong dibdib. Animo'y nasaktan ito kaya't hinawakan nito ang pulsuhan ng dalawa niyang mga kamay.
"Ano ba ang ipinuputak mo Camille?" naiinis nitong sambit. Buong lakas niyang binawi ang mga kamay sa binata. Mabilis niyang dinukot ang isang papel sa bulsa ng kanyang blusa at malakas niyang inihampas sa dibdib ng binata.
"HOW WAS YOUR BED EXPERIENCE WITH JOSEPH AND HE LET YOU GET THE POST?" Joseph is the Student Electoral Board Chairman ng buong unibersidad. Kilala itong manyakis sa kabila ng pagiging isa sa pinakamatalinong estudyante sa kanilang eskuwelahan. Natawa ang binata.
"Oh interesting! Nandito ka ba para sagutin ang tanong na 'yan?" nanilim ang kanyang paningin. Sinampal niya ng buong lakas ang binata. Napikon ito. Hinablot nito ang kanyang mga bisig at buong lakas na pinasandal sa dingding. Pinaghiwalay nito ang kanyang mga kamay at idinikit rin sa dingding. Nanglaban siya ngunit sadyang malakas ang binata. Hinalikan siya nito sa magkabilang leeg. Naramdaman niya ang pagdikit ng katawan nito sa katawan niyang lubusan nang nabasa. Bumakat ang suot niyang pangloob. Lubusan siyang napahiya sa sarili habang tuluyan niyang naramdaman ang mga labi nito sa kanyang mga labing umiiwas sa init ng mga halik nito.
"Tama na 'yan Terrence!" sigaw iyon ng dalawang lalaking naroon pa rin sa loob ng shower room at pinagmamasdan lang ang lahat ng mga kaganapan. Huminto sa ginagawang panghahalik ang binata. Nanlambot ang mga tuhod ni Camille kaya't napasalampak siya sa sahig habang umiiyak.
"Camille, hindi si Terrence ang nagdikit ng sulat na 'yan sa locker mo," sinserong sambit ng isang nakikiisyosong lalaki na may nakakatakam ding pangangatawan.
"Nakita ko si Jannica na isinusulat 'yan kaninang umaga ..." humahagulgol man ay narinig at naintindihan pa rin iyon ni Camille. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang mga palad ni Terrence. Hinawakan nito ang kanyang mga bisig at inalalayang tumayo. Isinuklob din siya sa malapad na towel ng binata. Nakaakbay ito sa kanya habang dahan-dahan nilang tinutungo ang daan palabas ng silid. Doon niya lang din namalayang sumisilip na rin pala ang mga kalalakihang nasa labas kanina. Halos magbara kasi ang pintuan ng shower room dahil naroon ang mga ito. Pinaupo siya nito sa weight bench. Sobrang napahiya siya sa pangyayari pero hindi niya masisi ang sino man dahil siya ang buong tapang na sumugod sa hindi naman niya teritoryo. Kung puwede nga lang niyang batukan ang sarili e. But the damage has been done.
BINABASA MO ANG
His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]
Romance#WalangForever! Si Camille ang unang-unang sisigaw ng hashtag na 'yan. Isang mala-nobelang love story niya ang handa niyang ikuwento para patunayan lang na isang kathang-isip lamang ng mga wattpad writers na 'yan ang #Forever! "dahil...