Chapter Three

90 2 0
                                    

dahil nakakaalarma ang katotohanang 'walang imposible sa isang umiibig...'

"In a broken world, we tend to be frustrated with our self and also with our relationships. Marcel demands man to be in exigence for transcendence to alleviate the metaphysical uneasiness that man experiences because he is concerned with his situation in this world."

Mahina ngunit pabigkas ang paraan ng pagbabasa ni Camille sa bahagi ng unang kabanata sa kanyang thesis, ang background of the study. Bilang estudyante sa Pilosopiya, nagkainteres siyang pag-aaralan ang nosyon ng isang tanyag na Pilosopong Pranses tungkol sa salitang broken world. Pinamagatan niya ang kanyang thesis na 'Man's exigency for transcendence as a response to the broken world'. Hindi naman talaga siya fan ni Gabriel Marcel ngunit nang mabasa niya ang mga kaisipan nito tungkol sa mundong wasak aba'y halos bigla niya itong gawing diyos-diyosan. Summer vacation pa lang nila ay nabasa na ni Camille ang mga akda nito sa internet. Ang salitang 'broken world' kasi kaagad ang kanyang naiisip tuwing rumirihestro ang google page sa kanyang laptop monitor. Magtatapos na sila sa third year college noong nakipag–hiwalay sa kanya si Terrence kaya't mga akda ni Marcel ang binabasa niya sa loob ng halos buong bakasyon. Hindi niya rin maintindihan kung bakit napakaweird ng naging feelings niya. Halos lamunin siya ng lungkot sa mga panahong iyon ngunit mas nakakaramdam siya ng kapanatagan tuwing nakakabasa siya ng mga artikulong may negatibo at malungkot na tema. Para bagang nais niya lang mapatunayang hindi lamang siya ang malungkot sa mundo, hindi lamang siya ang may matinding suliranin sa buhay at hindi siya ang kauna-unahang taong nakaranas ng prinsipyo tungkol sa 'broken world'. Ayaw na ayaw niya ang maglibang o di kaya ay kumain ng kumain ng tsokolate. Pakiramdadam niya ay lalo lang siyang nalulungkot. Mas lalo kasi niyang nararamdaman na mas masarap pa rin sa pakiramdam kapag nandiyan niya sa tabi si Terrence kaysa sa kumain ng mga tsokolate, sa mga gimmick, at sa mga kung anu-ano pang pampalimot daw.

Hanggang sa tumuntong na siya ng fourth year college. Thesis writing kaagad ang sumambulat sa kanya. Well, it was not an issue. Alam niyang sa pagsusulat siya magaling. Na kahit pa sumuong siya sa matinding giyera ay makapagsusulat pa rin siya ng matinong artikulo o sanaysay. Ngunit 'sing dilim ng kanyang pakiramdam ang nilalaman ng bawat pahina sa kanyang in progress na thesis.

"This thesis aims to discuss Gabriel Marcel's notion of the broken world. In this broken world, man is treated to be a functional being that makes him a complex individual as well." Kailangan talaga niyang mag–oral reading. Kanina kasi nang sinubukan niya ang silent reading ay nagsusumiksik na naman si Terrence sa kanyang isipan. Kailangan niyang madaig iyon. Hindi puweding kontrolin na lang habang buhay ng binata ang pagdaloy ng isipan sa kanyang matalinong utak.

Pumuwesto siya sa pinakasulok na mesa sa kalakhan ng silid-aklatan sa kanilang unibersidad. Maliban kasi sa ayaw niyang maistorbo ng kanyang boses ang iba pang nag-aaral sa loob ng silid-aklatan, kailangan niya rin ng matinding konsentrasyon. Halos ukupahin niya ang buong mahabang mesa. Maraming mga libro ang nakalatag doon at lahat ay naglalaman ng iba't ibang karanasan na puno ng kalungkutan. Kailangan niyang lunurin ang kanyang sarili sa pag-aaral para maiwaglit na niya sa kanyang isipan si Terrence. But speaking of Terrence, hindi niya sinasadyang matapunan ito ng tingin nang akmang lalapit ito sa kalapit na mesa. Napamulagat siya ng mga mata ngunit agad niyang binawi ang kanyang ekspresyon. Pinilit niyang ituon ang tingin sa libro ngunit hindi nito madaig ang kanyang emosyon. Walang nagbago sa atraksiyong kanyang naramdaman sa binata. Tuwing nakikita niya ang mukha nito ay palihim pa rin siyang napapangiti. His dominant posture, his captivating voice that utters minimal words, his charismatic personality, his totality! Alam niyang ito lamang ang makapagbibigay sa kanya ng comfort ngayon. A comfort from him against him? Napalunok siya ng bara sa lalamunan. Paano ba niya napapahintulutang maging irasyunal ang kanyang isipan? Lalo niyang pinagmasdan ang lalong paglapit nito sa kanyang kinalalagyan. Nagbabasa ito ng libro habang naglalakad. Nang makarating na sa nais na puwesto ay tsaka lamang nito napansin ang kanyang prisensiya. Nabigla ito ngunit mahusay na nakontrol nito ang sarili. Akmang paupo na ito ng mapansin siya kaya't hindi pa man pumapatong ang puwet nito sa upuan ay tumayo na itong magmuli. Wala sa isip na inilapag nito ang libro sa mesa at di na nagawang ibalik sa tamang lagayan. Napaawang siya ng bibig sa pagkadismaya. Gaano ba kalaki ang kanyang kasalanan at ganoon na lamang ang pag-iwas nito sa kanya? In the first place, meron ba? Napabuga siya ng hangin sa ilong nang maalalang pareho nilang paboritong lugar ang library. Kaya't noong naging magkaibigan at magka-ibigan sila ay lagi na silang laman ng silid-aklatan na iyon. Pareho silang matalino. Nagkakasundo silang pag-usapan ang mga pilosopikal na paksa katulad ng pinag-aaralan niya ngayon. Kadalasan silang nauuwi sa debate at pagkatapos ay susuyuin ng nanalo sa usapan ang naubusan ng maibabatong rason. Halos lahat nang naroon sa silid-aklatan ay naiinggit sa kanila. Maituturing nga silang perfect couple e. Dalawa sila sa may pinakamagandang mukha sa unibersidad at nagpapalitan lang sila ng awards sa kanilang department. Mas mayaman man si Camille kesa kay Terrence, di hamak namang maimpluwensiya si Terrence dahil sa koneksyon nito sa iba't ibang organisasyon. Napakurap siya ng mga mata nang magbalik ang kanyang ulirat sa kasalukuyan. Sinundan ng kanyang tanaw ang paglakad ng dating kasintahan papalayo sa lugar hanggang sa buksan nito ang pintuan at tuluyang lumabas ng silid.

His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon