Chapter Seven

57 1 0
                                    

dahil kahit gumamit pa tayo ng time-machine para balikan ang mga masasayang nakaraan, hindi na magbabago ang mapait na kasalukuyan...

Marahang binuksan ni Camille ang pintuan ng Carlos n' Carmelos Restaurant. Kabubukas pa lamang ng establisyemento kaya wala pang kostumer sa paligid. Naroon ang ilan sa mga 'boys' ng Carlos na abala sa pag-aasikaso ng negosyo ng kanyang kuya. Nasorpresa ang mga ito sa kanyang prisensiya. Animo'y nagfreeze siya sa may pintuan. Napuno ng katahimikan ang buong lugar. Napatigil si Kaeser sa paglalagay ng icing sa cake. Si Benz naman at Jake ay napatigil sa pag-aayos ng mga upuan. Lahat silang naroon ay nakatingin sa kanya. May bahid ng pag-aalala ang mukha ng mga ito.

Animo'y hindi siya makagalaw mula sa kinatatayuan. Gulo-gulo ang kanyang buhok at namumugtong ang kanyang mga mata. Para siyang adik na katatapos lang tumira ng ipinagbabawal na gamot. Animo'y lumulutang siya sa alapaap habang dinuduyan ng matinding lumbay. Kaunting galaw niya lang ay parang sasabog na ang kanyang puso. Pinipigilan niya ang maluha, pinipigilan niya ang mahikbi, pinipigilan niya ang ngumawa!

"Camille?" si Kaeser na nababahala ang guhit ng mukha. "Are you ok?"

"T-tulungan mo ako... K-Kaeser..." 'yun lang ang kanyang nasabi at naramdaman na niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Bigla siyang bumulagta sa sahig at nawalan ng malay.

"MY GOD! Mabuti na lang at nagising ka na, Camille." Una niyang naaninag ang mukha ni Kaeser sa pagdilat niya ng kanyang mga mata. Naramdaman na lang niyang pinaiinom siya ng tubig na agad din naman niyang nilagok. Napapaligiran siya ng ilan pang 'boys'. Si Benz ay mataman siyang pinapaypayan. Napansin niya ring nakabukas ang butones ng kanyang blusa kaya't maaaninag ang maliit na bahagi ng kanyang bra. Siguro'y nabahala ang mga 'boys' sa kanyang pagbagsak sa sahig kanina kaya't binuksan iyon para makadaloy ang hangin sa katawan niya. Hindi niya iyon pinansin. Si Terrence pa rin ang tumatakbo sa utak niya. Si Terrence na hindi lang pala siya biglang iniwan kundi pinagmukha pa siyang tanga. Sasabog na ang utak niya sa kakaisip kung bakit sa kabila ng pagiging matalino niya ay naloko pa rin siya ni Terrence, big time! Pumunta siya sa isang bar kagabi sa Eastwood at lumagok nang lumagok hanggang sa inumaga siya. Mabuti na nga lang at nakapagmaneho pa siya papuntang Recto Avenue at wala siyang naka-engkwentrong taong may masamang loob na maaaring magdulot ng matinding kapahamakan niya. Sinusubukan niya kasing balikan ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Terrence. Kung may time machine lang siya ay gagamitin niya iyon upang alalahanin kung ano ang nagawa niyang nakakaturn-off para lukuhin siya ng ganoon ni Terrence.

Si Terrence ang unang lalaking minahal niya. Simula pa pagkabata ay tanging pag-aaral lamang ang prayuridad niya. Achievement is a must! daw sabi ng mommy at daddy niya. Bata pa lang siya ay na-expose na rin siya sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Walang siyang ibang mahal kundi ang future niya as a career woman. Maraming nangligaw sa kanya simula pa noong high school ngunit wala siya ni katiting na interes sa mga iyon. Mas masaya siyang maya't maya ay nadadagdagan ang koleksyon niya ng kanyang tropeyo sa iba't ibang patimpalak sa malikhaing pagsusulat. Sa edad na labing-tatlo ay may libro na siyang napublish. Antolohiya iyon ng mga naisulat niyang tula simula noong nasa elementarya pa siya. Iyon ang buhay niya noon at wala nang iba pa.

Hanggang sa dumating sa buhay niya si Terrence. Doon siya nakaramdam ng kakaibang pintig ng puso. Para bang naging malabnaw ang sayang dulot ng pinagsama-sama niyang achievements. Iba ang ligayang dulot ng kahit simpleng pakikipag-usap niya lang kay Terrence. May kakaiba itong mahika na hindi kayang ipaliwanag ng above average niyang IQ.

Nagkrus ang kanilang landas nang magdebate silang dalawa sa loob ng klase. Yes to anti-dynasty law ang panig ni Camille. Irrelevant daw ito para kay Terrence. Nagkakatawanan pa sila noong unang bahagi ng debate hanggang sa nagsisigawan na sila at pinatigil na ng kanilang professor. Panalo daw sa debate si Terrence base sa technicalities ng kompetisyon. Tinanggap naman niya iyon ng maluwag. Hanggang sa makatanggap siya ng PM sa FB mula sa binata. Humihingi ito ng tawad sa pagiging ungentleman daw nito. Wala lang daw itong choice kundi ipanalo ang debate. Sinabi naman niyang sanay na siyang makipagdebate at may pagkakataon talagang natatalo ang kanyang logics kaya't hindi niya dinamdam ang resulta ng class event.

His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon