Chapter Ten

35 1 0
                                    

dahil sa mga umiibig, 20% lang ang masaya; 80% ang dumaranas ng pighati...

Nagpalipas ng buong gabi sina Terrence at Camille sa bahay ng pamilya ni Benz sa Bulacan. Hindi pa lubusang sumisikat ang araw nang umalis sila sa lugar upang magtungo naman sa Subic. Kagabi lang ay nag-usap-usap silang tatlo kung saan sila maaaring manatili habang pinapahupa ang damdamin ni Kaeser. Napagkasunduan nilang pumunta sa Rest House ng pamilya Hong sa Subic. Siguro ay mananatili sila sa lugar ng tatlong araw bago kausapin ng masinsinan si Terrence sa kanilang pagbalik sa Maynila. Maraming beses nang kinausap ni Terrence ang kawawang binata ngunit sadyang sarado ang isipan ni Terrence sa mga panahong iyon. Naiintindihan ni Camille ang binata dahil minsan na siyang nasuong sa ganoong sitwasyon.

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang mangulila sayo..." nagtatampong sambit ni Camille habang nakahilig sa mga bisig ni Terrence. Si Terrence naman ay nagmamaneho ng sasakyan papuntang Subic.

"Naghanap lang ako ng tamang timing para balikan kita pero hindi lang ikaw ang nasaktan at nangulila. Kaeser was updating me kung gaano siya nakaramdam ng paghihigante sa kuya mo sa tuwing nakikita ka niyang malungkot at desperado. Pakiramdam niya ay ang saya saya niya tuwing umiiyak ka sa kanyang mga balikat. Nakakalungkot. It was an indication that he was really broken. Isipin mo na lang, masaya siyang nakikitang nagdurusa ang ibang tao. That is not normal. So there's something wrong. Meanwhile, palihim akong nag-stalk sayo para masigurado ko lang na walang gawing masama ang kababata mo sayo. Atat na atat ako sa tuluyang pag-move-on ni Kaeser. Sa tingin ko, 'yun ang hudyat upang 'yung sa atin naman ang ayusin ko. In fact, I have even rented classy and gorgeous GROs para makalimot siya pero si Andrea lang talaga ang nasa puso niya..."

"I am so guilty in behalf of Kuya Carlos..." pagpuputol niya sa pagkukuwento ni Terrence. "Akala ko na maayos ang lahat ng mga pangyayari. Hindi ko personal na kilala si Andrea ngunit alam kong dating kasintahan siya ni Kaeser. Of course I was shocked noong malaman kong si Kuya Carlos na ang boyfriend nito. I didn't bother though. Napakabusy ko that time for my own love life," ngumiti siya saglit ngunit bumalik sa malungkot na emosyon ang guhit ng kanyang mukha.

"Hindi natin alam ang kuwento ng pag-iibigang Carlos and Andrea kaya't 'wag kang magiguilty. Hindi lahat ng nauunawaan natin ay totoo. Don't forget your story of heartaches that could have totally misled you. May rason ang lahat ng bagay..."

"I understand but..." mula sa lumbay ay napalitan ng inis ang emosyong rumehistro sa mukha ni Camille. "Wait lang! Eh sino 'yung babaeng buntis sa Sitio Puting Bato?" hinampas pa niya ng buong lakas ang kanang braso nito.

"Ah 'yun ba? Kristel ang pangalan n'on.."

"I don't care!" muli niyang pambabara sa kasintahan.

"'Wag ka nang magselos, magpapaliwanag na nga ako eh," napatigil siya ngunit hindi nawala ang inis sa mukha niya. "Masayang-masaya si Kristel sa piling ni Jonash noon. Dalawa at kalahating taon silang nagsama bilang magkasintahan. Mahal na mahal nila ang isa't isa! Sa katunayan ay nag-iipon na nga si Jonash for their engagement. Ang bawat pilapil at damuhan sa sitio ay napupuno ng halakhakan nilang dalawa. Ramdam na ramdam ng mga taga-sitio ang kanilang matamis na pag-iibigan. Isang araw, ibinalita ni Kristel kay Jonash ang kanyang pagdadalang-tao. Akala ni Kristel ay matutuwa ang kabiyak ngunit bigla itong natuliro na parang sasabak sa giyera at pagkatapos ay nawala na lang na parang bula. Gumuho ang buhay ni Kristel. Naawa ako sa kanya kaya't palagi ko siyang kinakausap upang di siya makaramdam ng pag-iisa. Hanggang sa naging laman kami ng tsismis. Ako daw ang ama ng bata. Hindi lang naming pinansin ang mga usap-usapan. Hangga't alam ng kanya-kanya naming pamilya ang totoong kuwento ng kanyang pagbubuntis, walang nang saysay ang makipaggitgitan sa matatabil ang dila. Nang dumating ang problema natin kay Kaeser, napilitan akong iwasan ka at pinanindigan ko ang pag-ako ko sa bata. Ngunit kailan man ay ikaw lang ang laman ng puso ko. Matinding awa kay Kristel ang nag-udyok sa akin para pagbigyan ang kanyang hiling. Pero tinuldukan ko kaagad iyon nang makita kita sa sitio. Kinausap ko si Kristel ng mahinahon. Ipinaliwanag ko sa kanya kung gaano kita kamahal at kung gaano kahirap ang sakripisyong pinagdaanan nating dalawa para sa paghilom ng sugatang puso ni Kaeser. Naintidihan niya ako. Umiyak siya ng umiyak at inaming sinubukan lang naman din niya akong gawing panakip-butas at hanggang ngayon ay si Jonash pa rin ang hinahanap ng kanyang puso. She let me go." Huminto ito sa pagkukuwento at pinagmasdan ang kanyang mukha. Napansin nito ang pagsimangot no'n. "May mali ba akong nasabi, mahal?"

"Bakit ganoon ang pag-ibig?" bigla niyang naitanong habang nasa kawalan ang tingin. "Sa halip na saya ang idulot nito sa mga taong nagmamahal, kadalasan ay matindi pang kapighatian?"

"Dahil hindi nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano kayo kasaya kundi sa kung gaanong sakit ang kaya mong tiisin para sa kanya."


5

His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon