dahil may tamang panahon at pagkakataon para sa totoong pagmomove-on...
"Here we go," pumasok ang sasakyan nila sa loob ng magarang gate. Bumaba siya ng sasakyan at iginala ang mga matang puno ng pagkamangha sa kabuuan ng bahay na nasa kanyang harapan. Ikatlong beses pa lamang niya itong nabibisita simula pa noong bata pa siya. It is not that gigantic pero it is full of soul and serenity. It is a two-storey clubhouse na pinainit ng lovely maroon paint nito. May mga touches of woods ang exterior designs nito kaya mas lalong classic tingnan. The not-so-wide garden is very marvelous with its fine pines and Bermuda grass. Mas lalo itong pinatingkad ng mga wild roses and carnation. Lumingon siya sa may gate na kanilang pinasukan at mas lalo siyang namangha sa detalye ng mga estruktura.
They are on a windy slope of a hill in Subic. The place is so romantic. The flora sprawling on the sideways mesmerized her eyes. There are varieties of flowers like Anthuriums, Chrysanthemums and Gerberas. And, the music of insects is so enchanting.
"Oh napabisita po kayo Ma'am Camille!" nasorpresang sigaw ng dalawang kasambahay na nasa terasa. Kumaway siya sa mga ito at nagtapon ng matamis na ngiti. Saglit silang magpapahinga sa rest house at aalis din kaagad upang maglibot sa kariktan ng Subic.
Harbor Point –
"Does this look better for me?" pakyemeng tanong ni Camille kay Terrence habang sinusukat ang isang sunglasses.
"Of course!" si Terrence.
Napilitan silang magshopping sa Harbor Point dahil naiwan ni Camille ang mga gamit sa sasakyan ni Kaeser. Sinamantala nila ang panahon para sa kanilang pinakahihintay na reunion.
Potipot Gateway –
Unexploited lush vegetation and trees comfortably gave her shade along the beachfront of Potipot Island. Nakaupo si Camille sa nakalatag na tela sa pinong buhangin sa dalampasigan. Isang broad native hat ang nagbibigay lilim sa kanyang mukha maliban sa isang ample sunglasses. Nakatitig siya sa papalapit na si Terrence na kaaahon lang mula sa malinaw na tubig.
Pinigilan niya ang magreact sa napakagandang hubog ng katawan nito. Nananaginip ba siya? Noong mga nakaraang araw lamang ay nagluluksa pa rin siya sa kanilang pagkawalay ngunit ngayon ay pag-aari na niya itong muli. Animo'y nabura lahat, in an instant way, ang lahat ng kalungkutan niya. Muli niyang tiningnan ang kasintahan. He has a broad shoulder and torso. He got a moreno complexion na tumitingkad dahil sa sinag ng araw. His arms and legs are strong ready to fight for his love. Nagmumura din ang six pack abs nito kaya minsan ay napapalayo ang tingin niya rito para makaiwas sa matinding tukso. Derik Ramsey is his perfect representation. Nakasuot ito ng black brief habang nakapaang binabaktas ang pinong buhanginan papalapit sa kanya.
"Oh, ayaw mo bang magswimming?" pasalubong nitong tanong.
"Mamaya na siguro," sabay niyang abot ng towel rito.
Agad itong umupo sa kanyang tabi at pahilig na sumandal sa kanya.
"Isn't it lovely?"
"Well, Potipot Island has a soothing sea breeze that really re-energizes me!" puno ng pagkamangha niyang sambit.
"Yes, that is the term, re-energize," nakangiti nitong pagsang– ayon.
Itinuwid niya ang kanyang mga binti upang ipatong roon ang ulo ni Terrence na matamang humiga pagkatapos isuot ang Ray Ban. He was gazing at the skies. She was looking at the seawater.
"You know what? Akala ko ay wala nang pag-asa ang pagmamahalan nating dalawa," si Camille.
"Alam kong darating ang panahong ito. Hindi ko papayagang hindi," tanging hirit naman ni Terrence kaya't nahampas niya ito ng mahina sa dibdib.
BINABASA MO ANG
His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]
Romance#WalangForever! Si Camille ang unang-unang sisigaw ng hashtag na 'yan. Isang mala-nobelang love story niya ang handa niyang ikuwento para patunayan lang na isang kathang-isip lamang ng mga wattpad writers na 'yan ang #Forever! "dahil...