Epilogue

94 3 0
                                    

"Waaah! Hindi ko na 'to kaya!" nakakabinging sigaw ni Gail sa loob ng kanyang silid. Katatapos lamang niyang sumubok gilitan ang kanyang pulsohan ngunit natakot siya nang sumilip ang isang butil ng dugo mula sa maliit na sugat na dulot n'on. Naitapon niya ang blade at agad-agad na naghanap ng band aide sa first aide box. Pagkatapos ay itinapon niya ang kanyang sarili sa kanyang kama. "Bakit, bakit, bakit? Hindi ko maintindihan!" Namamaga na ang kanyang mga mata dahil sa magdamagang pag-iyak. "Wala talaga akong makitang dahilan para iwanan ako ni Joshua! I have been in my best para sa kanya. Bakit?" bumangon siya sa paglulumpasay sa higaan. Natanaw pa niya ang mga paraphernalia niya sa pagpapakamatay. Simula pa kagabi ay sumubok siyang kit'lin ang kanyang buhay ngunit hindi siya nagtagumpay. Kinuha niya ang kanyang laptop mula sa kanyang cabinet. Pinalis niya sa mesa ang isang bote ng Revicon na sinubukan niyang laklakin ngunit naduwal lang siya at wala ni isang tableta ang nalunok. Itinapon niya rin ang lubid na ginamit niya para sa kanyang pagbibigti na naging epic fail. Wala pa siyang isang segundo sa ere habang nakabitin sa kisame kagabi ay bigla siyang kinabahan kaya't inabot ng kanyang mga paa ang mesang patutungtungan ng kanyang mga paa. Hindi niya talaga kayang magpakamatay kaya't nahiga na lamang siya sa kanyang kama. Maya-maya ay naisipan niyang takpan ang kanyang mukha ng malaking unan. Pinilit niyang pigilin ang kanyang sariling hininga ngunit may hangganan ang kakayahan niyang magpigil rito. Umiyak na lang siyang muli hanggang sa makatulog. Hanggang sa pagtulog ay napanaginipan niya si Joshua na noong isang araw lamang ay nagdeklara ng gasgas na linya, "it was not you, it's me. Sa tingin ko kailangan muna natin ng space..." pagkatapos ay iniwan siya sa isang mamahaling restawran na hindi pa nababayaran ang bill nila. Pagkagising na pagkagising niya kanina ay pag-gilit naman ng pulso ang binalak niya. Magpopost na lang siya sa facebook ng testimonya tungkol sa kanyang pagkabigo. Mala'y niya at may isang prince charming na magbigay sa kanya ng tulong. Binuksan niya ang kanyang laptop. Sa halip na magpost sa facebook ay pumunta siya sa super herong google.com. Tinipa niya ang how to move on so very bad! Ang daming entries ang lumabas ngunit hindi niya iyon nagustuhan. Marami nga namang naggagaling-galingan sa pagbibigay ng payo para sa mga sawi sa pag-ibig. May mga linya pang, 'wag kang tanga, gumising ka na sa elusyon mo, kailangan mong maging praktikal, at kung anu-ano pa! Tse! As if hindi kayo nakaranas niyan. Na noong heart broken kayo sinabi niyo ring "sinasabi mo lang 'yan dahil hindi kayo ang nasa lugar ko!" Lahat naman tayo... yes LAHAT, natatanga sa pag-ibig eh. Nagmamaktol ang kanyang isipan sa mga idealistic daw na tagapayo. Napaikot niya ang kanyang mga mata sa buwiset hanggang sa bumalandra sa kanyang mga mata ang isang unsolicited article na nakapost sa .

What happened to me was bizarre. Hindi naman talaga ako totoong na-brokenhearted kung reasons and logics ang pag-uusapan. Para akong nakaranas ng sinadyang clinical death kung saan pansamantalang nawalan ng functions ang heart and brain ko. Scientifically, patay na ang nakaranas no'n pero it was just a procedure para gamutin ang isang malalang karamdaman. I certainly felt like that. Akala ko patay na ako and in my death travelling, naintindihan ko ang mga dahilan ng napakaraming "bakit?" sa mundo ng mga sawi sa pag-ibig.

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Carmela. Isinulat ko ang testimonyang ito hindi para mang-inggit kundi para mainspire ang mga taong nawawalan na ng pag-asa sa kanilang love life. Totoo pa rin ang cliché na "may rason ang bawat pangyayari." Mararanasan at mararanasan talaga natin ang mabigo kaya't iiyak niyo lang 'yan. Magpatianod ka lang sa emosyon mo habang nakaalalay ang 'utak' mo sayo. Matatapos at matatapos ang stage na 'yan. At the end, it's either makahanap ka ng isang bagong magmamahal sayo o maresolba ang minsan nang sinubok niyong pag-iibigan. Madaming kuwento tayong maririnig tungkol sa isang bagong prince charming na gumamot sa sugatang puso but regaining your old love story is sweeter and ever fulfilling. After few months, nalaman ko ang dahilan kung bakit bigla akong iniwan ni Terencio noon. Well, Terencio in person is awesome and dashing. Siya na siguro ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa. Sorry but I have to love my own, ha-ha-ha but seriously, hindi kasing bantot ng pangalang Terencio ang babe ko ha. In that process of healing my broken heart, marami akong nakilalang brokenhearted din. May isang pobring aeta na umibig sa isang lalaking iniibig ng amo nito. How could power overpower love? May nakilala rin akong brokenhearted na mabilis na nakamove-on just by flirting a basketball player. Gaano kaya 'yun kagaling maglaro... ng puso this time. I am so judgemental, sorry. Nakilala ko rin si Dondon na isinusugal ang trabaho bilang bantay sa isang kulungan para magkita lang ang minamahal niyang si Raquel... at ang minamahal nitong si Johnjohn. Love-web! The truth is love goes not in a linear pattern. It is in a webby and puzzling array. Ito ang dahilan kung bakit napakumplikado ng mga suliranin sa pag-ibig na kadalasan ay iniiwanan na lang nating walang kasagutan. Para itong napakalaking puzzle board na tatamarin kang buuin. Nakilala ko rin si Marose na iniwan ng boyfriend after confirming the amount of wedding expenditures? Kaya pala talagang baguhin ng 'takot sa obligasyon' ang dati mong nararamdamang pagmamahal? Iyon din ba ang dahilan kung bakit iniwan ni Jonash si Kristel nang malaman nitong buntis ang minamahal? Puwede na bang maging basihan 'yun para husgahan natin sila bilang mga taong may mababaw na pagmamahal? Gaano nga ba kalalim ang dahilan nila para magtapos sa ganoong desisyon? Haay, so many questions!

Nakilala ko rin siyempre si Kaeser. Kakaiba pala ma-heart broken ang isang lalaki. Kaya nilang itago ang tensiyon sa kanilang puso with ease and perseverance. Hindi sila kagaya nating mga babae na ngalngal dito ngalngal doon. Pero pinaalam niya sa akin na once they have reached the saturation level, kaya nilang pumatay! Iyon ang epekto ng pag-ibig na winasak ng minamahal niya at ng kanyang bestfriend. Oh my gosh, why love is so very complicated?

Maraming dahilan kung bakit nabibigo tayo at napakasuwerte ko dahil nabigo ako para mas lalo pang tumibay ang pagmamahalan namin ni Terencio. Terencio surrendered our relationship 'for a while' para hanapan ng solusyon ang gumuhong buhay pag-ibig ng iba. It was so very ironic! To heal the broken heart of others, you have to be heart broken first? Oh my God... love is insane! Pero 'yun nga, when we arrived at the resolution stage of my healing of my broken heart, mas lalo naming minahal ang isa't isa. Mas lalo kaming nasabik sa isa't isa. At nalaman namin kung paano gaguwardiyan ang hindi mang perpektong mundong susubok at susubok sa aming pagmamahalan ngunit may perpektong tibok naman ng puso naming nakalaan para sa isa't isa. Everything ended so very well. In fairness, upon my recollection of events while writing this article, hindi ko pala naisipang magsuicide huh! Muntik nga lang lang akong hindi makagraduate after more than one month of being a delinquent student. Oo, nakagraduate din kami ng sabay ni Terrence. Hindi nga lang ako nakagrduate as Cum Laude dahil na-disqualify ako but I got the Buenavides Award for my thesis about the broken world. Terrence graduated as Magna Cum Laude at bilang treat niya sa akin ay nagtour kami sa Korea, Vietnam at Cambodia. Doon nga sa Jeju Island nabuo ang baby naming papangalanan naming Precious. Yes, I got pregnant before marriage. Hindi naman talaga perpekto ang life pero we always have the chance to correct it. My baby is on her 6th month in my womb already. Bukas na ang kasal namin ni Terencio at hindi ko mawari itong overflowing happiness sa puso ko kaya napasulat ako sa 'freedom wall for the prisoned heart' ng blog na ito. I hope this is not too lengthy para idelete ng may-ari ng blog.

Alam kong napupuno ka ng lumbay sa mga panahong ito. Just pour it out. The more you keep it, mas lalo kang nakakagawa ng masasamang desisyon. Guard your act though at humanap ka ng aagapay sayo. In this webby world of broken hearts there are so many whys. Hindi kaagad natin malalaman ang sagot pero may nakalaang mga tao na magdadala sayo sa mga kasagutang iyon. It could be someone else but I hope na sana, kagaya ko, you'll regain your old love story and make it sweeter and lovelier the second time around!

Maraming salamat sa iyong pagbabasa and I pray that you'll get to know and understand the whys of your broken heart... the soonest possible time J

Hindi namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ni Gail. Hindi pa rin niya alam ang sagot sa tanong niya. Kailangan ba niyang bigyan ng sapat na panahon ang pagmamahalan nila ni Joshua? Kailangan na ba niyang maggive-up and find someone else? Iba't iba ang dahilan at kuwento kung bakit nabibigo ang isang tao kaya iba-iba rin siguro ang solusyon nga mga ito. Napatulala siya't malalim ang iniisip.

Thank you Carmela for your testimony! If there's one thing that you remind me about, that is to persevere and continuesly live up my love no matter what.

Hinablot ni Gail ang kanyang mahabang unan. Niyakap niya iyon at patumbang humiga sa kama. Alam kong darating ang araw na sasayang muli ang puso ko. Dahil man iyon sa bagong pag-ibig o di kaya ay sa muling pagbabalik ni Joshua, ang importante, alam kong sasaya akong muli. Pero sana... muling tumulo ang luha sa mata ni Gail. ...sana magbalik si Joshua bitbit ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito at ang pagmamahal niya na sabay naming bubuhaying muli kasama ang isa't isa.

Wakas


His Peculiar Little Secrets [Watty's 2017]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon