NAPAPAILING si Daniel sa takbo ng usapan ni Hasmin at ng bisita nito. Kung mag-usap ang mga ito ay tila ordinaryong paksa lang ang pinagdidiskusyunan samantalang 'paggawa' ng bata ang tinutukoy ng mga ito.
"Please tell her our decision is final. Also, I wanna meet her as early as possible," matigas na sabi ni Hasmin.
"Mrs. Raymundo, I suggest we look for other—"
"Ayoko ng iba dahil ito na ang una mong ipinrisinta sa'min!" Hasmin puffed on her cigarette. "Ano 'to, laro?"
Inakbayan niya ang asawa. "Honey, hindi mo masisisi ang taong iyon. Hindi naman iyon ang orihinal na pag-uusap, hindi ba? Natural na magulat siya."
"Pero kahit na. Kailangan pala niya ng pera, bakit magbabago pa siya ng isip?"
"Hindi ko rin nga po alam, Ma'am pero hindi niya tinanggap ang pera ninyo. Ang sabi niya ay susubukan na lang niyang maghanap ng ibang paraan ng pagkakakitaan." Inilabas nito ang isang sobreng tiyak na galing din kay Hasmin. Hindi iyon kinuha ng kanyang asawa.
"Give that money back to that woman. I'm giving her two more days to decide. Additional hundred thousand bucks, siguro naman ay hindi na siya tatanggi diyan."
"Honey, tama siya, marami pa naman tayong puwedeng hingan ng tulong."
"Pero nakita ko na ang profile ng babaeng ito. Maganda siya honey, the kind of beauty that could sweep any man off his feet. Nakita ko na rin ang mga lab tests niya at matalino siyang babae. Malaking bagay na mamana ng anak natin ang genes niya."
Hindi niya alam kung hahanga ba siya sa mga ideya ng asawa o mapapa-isip na umatras na sa kasunduan nila nito ngayon pa lang. Nang napilitan siyang sumang-ayon sa ipinagagawa nito ay hindi niya naisip ang ilang bagay bilang konsekuwensiya ng kanilang mga plano. Ngayong minamadali na ni Hasmin ang lahat ay tila hindi naman siya mapakali.
He had not seen the profile of Ms. Polintan yet. Isang umaga ay may nakita siyang isang folder sa ibabaw ng kanilang kama ni Hasmin. May isang maikling note na katabi iyon galing sa asawa. Nang makita niya ang header ng folder ay agad na niya iyong itinago sa closet. He didn't bother to scan the pages of the said profile. Or actually , it would be better to say he didn't even want to check it.
Ano ba ang titingnan niya doon? Ang hitsura ng babaeng sisipingan niya? ang babaeng ni hindi niya kilala pero aanakan niya sa mga darating na araw? That would be funny. Does he need to know if she was pretty or something? or if she had any misaligned nerve on her body? o sakit kaya? Nakakatawa. Pakiramdam niya ay tila siya hahawak ng menu at kikilatisin sa mga putaheng naroon kung ano ang masarap at hindi.
"Okay, this would be the last, hon." Bumaling siya sa kausap nito. "Please do what she said and do your best shot for this case. Kung sa huli ay hindi pa rin siya pumayag, then it's no."
"Honey..."
He pacified her wife by caressing her cheek. "Trust me this time, hon. Kung sa kabila ng increase ay hindi pa rin pumayag ang taong ito, then we need to respect her decision. Hahanap tayo ng iba, okay."
Tila napipilitan lang na tumango ang asawa. Natulala naman siya nang marinig ang ilan pang idinagdag nitong bilin kay Esmeralda.
NANGINGINIG sa takot si Bernadette habang napaliligiran ng mga doctor si Andrew. Napakasigla pa nito kaninang umaga habang pinaliliguan niya. Kahit pautal ay nagkukuwento ito ng kung anu-ano tungkol sa favorite cartoon show nito kaya laking gulat niya nang bigla na lang itong tumirik at namutla muna saka nangitim. Mabuti na lang at nasalo niya ito agad, kung hindi ay malamang na masama ang naging pagbagsak ng bata. Kasama si Emily ay mabilis niya itong isinugod sa ospital at ngayon nga kasalukuyang ginagamot na ng doctor.
BINABASA MO ANG
Because Heart Never Forgets
RomanceIsang kuwentong tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng masakit na biro ng tadhana...