"HINDI mo dapat ginawa iyon. Pinabayaan mo na lang sana ako," naiiyak na sabi ni Bernadette. Hiyang-hiya siya sa sarili at sa mga tao sa building na iyon dahil sa ginawa ni Leandro.
"Kahit ganoon ang ginawa mo kanina...hindi kita magagawang pabayaan." Sumulyap ito sa kanya at nag-iwas siya ng tingin. "Ano ang naisipan mo at sinugod mo ang ulan?" Lumapit ito sa kanya. Iniabot nito ang isang tuwalya at saka iyon ipinulupot sa kanyang katawan.
Pumiksi siya at tinabig ang kamay nito. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Kanina lang ay ipinagtatabuyan mo ako—"
"But this building is not mine! What do I care if you would decide to stay at the groundfloor?"
"Kahit pa! You shouted at my face at dahil diyan ay hindi kita gustong makita kaya ko iyon ginawa!"
Hindi niya inaasahang mapapangiti ang lalaki sa sinabi niya. Tila naaaliw na pinagmasdan siya nito.
"Okay, let's have a truce," wika nito. "I won't shout at you anymore..."
Napatingin siya nang diretso sa mga mata nito.
"But never call me Leandro again. My name is Daniel, if I need to reiterate that."
She heaved a sigh. "Okay."
"Can you promise me that?" tanong nito.
"Hindi ako malurit kausap." Sinabayan niya iyon ng irap.
"Then, it's settled. Malakas pa ang ulan kaya hindi ka pa makakauwi. I guess you need to stay since it's already late. Iyon naman ang orihinal na plano, hindi ba?"
Marahan siyang tumango. Tinalikuran niya ang lalaki at saka tinungo ang bathroom nito.
MADILIM na ang paligid at tanging malamlam na liwanag na lang ng lampshade sa gawi niya ang tumatanglaw sa kabuuan ng silid. Kanina ay matagal pa silang nagpilitan ng lalaki kung saan siya matutulog. Nang sinabi niyang okay na siya sa couch ay nairita ito. Ito na lang daw roon pero natural ay ipinilit niya ang gusto dahil ito ang may-ari ng bahay. Alangan namang siya ang matutulog sa kama habang nagtitiis ito sa kapirasong couch? Sa huli, napagpasyahan nila kapwa na magtabi na lang sa pagtulog. Hindi na siya umarte dahil alam naman nila parehong sa mga susunod na araw ay higit pa roon ang gagawin nila.
"Hindi ka ba makatulog?"
Napapikit siya sa tanong na iyon. Ano naman ang isasagot niya rito? Na hindi nga siya makatulog dahil sa presensiya nito ngayon? Na hindi niya ito nakikita bilang si Daniel kundi bilang si Leandro na kanyang kasintahan noon? Minabuti na lang niyang hindi kumibo.
"Hindi ko alam kung kailangan mo pang malaman ito..." Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. "Dito kita dinala dahil wala pang ibang babaeng nakapunta na rito."
Hindi niya naiwasan ang magtaka. "Nagbibiro ka ba?" tanong niya habang nakatalikod pa rin sa lalaki.
"Of course not. Not even one, I swear...not even Hasmin."
"Bakit?"
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Ayaw niyang magpunta rito. Malayo raw kasi." He chuckled.
"Sa pagkakaalam ko ay may sarili kayong hotel, hindi mo na nga kailangan ang unit na ito."
"Iyan din ang paulit-ulit na sinasabi ni Hasmin sa akin. I don't know. I just find this kind of freedom everytime I come over here."
"Mahigpit ba ang asawa mo?" nabigla niyang tanong. "I'm sorry, hindi ko iyon dapat—"
"It's all right. Oo, mahigpit siya. She used to manipulate everything about our marriage."
BINABASA MO ANG
Because Heart Never Forgets
RomanceIsang kuwentong tungkol sa dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng masakit na biro ng tadhana...