Prologue

62 12 1
                                    

Philophobia: "The fear of falling in love or emotional attachment. The risk is usually when a person has confronted any emotional turmoil relating to love in the past but also can be chronic phobia."


Naranasan mo na bang magmahal? 


'Yung magmahal nang sobra sobra na halos wala ka nang itinira para sa sarili mo. 


'Yung lahat nang kaya mong ibigay kay ibinigay mo na sa kanya.


'Yung magmahal na wala kang pakialam kahit na nagmumukha ka nang tanga.


'Yung tipong wala kang pakialam sa kahit na ano mang sasabihin nang iba.


'Yung kaya mong kalabanin 'yung pamilya mo para lang sakanya. Wala kang paki-alam kahit na itakwil ka man nila.


Wala kang paki-alam kahit na mawalan ka man nang kaibigan.


Wala kang paki-alam kahit na iyong buong mundo man 'yung kalalabanin mo para lang sakanya.


Wala kanang pakialam sa lahat basta ba't kasama mo lang siya.


Lahat kaya mong gawin para lang sakanya. 


Naranasan mo na ba 'yon?


Pero paano kapag isang araw malaman mo na ang pinaglalaban mong taong mahal mo ay hindi ka naman pala mahal? 


Na wala ka naman palang halaga para sakanya?


Na pinaglaruan ka lang pala niya?


At ang mas masakit pa dito ay niloko, binilog at ginamit ka lang pala?


Anong gagawin mo?


Makakayanan mo pa kaya iyong sakit na dinulot niya sa'yo?


Nang taong inalayan mo nang sarili mo? 


Nang puso mo at lahat na?


Makakayanan mo pa kayang bumangon sa sakit na 'yun?


Paano mo makakaya 'yun nang mag-isa gayong lahat nang taong nagmamahal sa'yo ay tinalikuran mo para sa taong akala mo ay mahal ka rin pero hindi naman pala?


Masakit na haharapin mo 'yung buhay mo nang mag-isa ka lang.


Mag-isa mo lang dadalhin 'yung sakit na nasa dibdib mo sa araw araw.


 Wala kang mapagsabihan ng mga hinanakit mo. 


Wala kang magawa dahil alam mong kasalanan mo rin naman 'yon. 


Na ginusto mo mo 'yon. 


At lalong-lalo na, na ikaw ang nagdesisyon nun para sa sarili mo.


Pero paano kung may isang taong kaya kang damayan sa lahat ng sakit na dinadama mo?


Paano kong iyong taong 'yon ay matagal na palang nagmamahal sa'yo nang palihim?


Na tuwing nakikita ka niyang umiiyak at nasasaktan ay mas nasasaktan siya?


Nasasaktan siya dahil wala man lang siyang magawa para maibsan iyang sakit na dinadama mo?


Makakaya mo pa kayang magmahal muli?


Magtiwala? 


Magagawa mo pa kayang sumugal ulit sa pag-ibig?


Kaya mo pa kayang buksan yang puso mo?


Kaya mo kaya siyang tanggapin sa buhay mo?


Ngunit paano mo siya matatanggap sa buhaymo kong natatakot ka nang magmahal muli?


Natatakot ka nang magtiwala?


Paano mo siya mabibigyan ng pagkakataon na ipakita at ipadama sa'yo 'yong pagmamahal niya gayong natatakot ka?


Paano kong masaktan ka ulit?


Makakaya mo pa kayang bumangon?


Makakaya mo pa kayang mabuhay?

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon