Chapter 2

36 11 1
                                    

"MS. AZALEAH MONTES!" Napatalon ako sa sigaw ng prof ko na nasa harap ko na pala.


"Po?" Kinakabahang tanong ko.


"KANINA PA KITA TINATAWAG! ANSWER THE QUESTION ON THE BOARD!" Nanggagalaiting sabi niya.


Shit. Pano ko to masasagutan? Hindi ko alam 'yong formula ng equation na 'to. Letseng math! Kailan pa kaya mawawala 'yang subject na 'yan?


"Sorry, but I don't know the answer ma'am." Nahihiyang sabi ko.


Tumawa 'yong mga kaklase ko.


Hindi ko naman kasi namalayan na natutulala na pala ako. Lutang na naman 'yong isip ko. Hindi ko na kasi dapat pang inaalala 'yon e.


"Talagang hindi mo alam 'yong sagot kasi hindi ka nakikinig! Kanina ka pa tulala diyan!"


Hindi pa rin humuhupa iyong tawa ng mga kaklase ko.


Bwesit! Napahiya pa tuloy ako. Urghhhh! LUPA! LAMUNIN MO 'KO!


"TUMAHIMIK!" Sigaw niya kaya agad namang tumahimik 'yong mga kaklase ko.


"Get a piece of paper and answer the equation on the board!" Sabi pa ulit niya.


Naghanap ako sa bag ng papel pero wala akong mahanap.


Luminga linga ako sa paligid ko para sana manghingi ng papel sa mga kaklase ko ng may biglang nag abot sa'kin.


"Oh, eto miss oh." Sabi ng katabi kong kaklase ko sabay lahad saakin ng isang papel.


"Oy, salamat." Nakangiting sabi ko sa kanya sabag kuha ng papel. 


Tumango lang siya sa'kin ng isang beses at ngumiti din pabalik.


Teka, bakit parang ngayon ko lang siya nakita dito? At katabi ko pa pala siya. Hindi ko man lang siya kilala.


Nagsimula na 'yong lahat sa pagsagot sa equation na isinulat ng prof namin sa white-board samantalamg ako ay nakatunganga lang sa papel ko.


Urghh! Hindi ko alam 'tong mga tanong na 'to. Paano ba kasi 'to? Ay, bahala na!


Sa huli ay ako 'yong pinaka last na nagpasa ng papel. Mabuti na lang at hindi pa naibubura 'yong mga examples at 'yong formula na sa pisara kaya nasagutan ko 'yong mga tanong kahit papaano.
Nagsimula ng maglabasan 'yong mga kaklase ko at ako naman ay inayos ko pa muna 'yong mga gamit ko sa bag.


Lunch break na at naglalakad na'ko sa hallway ng may biglang tumawag sa'kin.


"Azaleah!"


Agad naman akong lumingon at hinanap ng mga mata ko iyong tumawag saakin. Agad ko naman nahanap.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon