Chapter 3

26 11 3
                                    

Makalipas ang ilang araw, naging mas malapit kami ni Brake sa isa't isa. Lagi na kaming sabay sa lunch kahit sa recess. Sobrang sweet niya sakin, hindi ko alam kung bakit. Pinapakita niya talaga sakin na importante ako sa kanya. Inaamin ko masarap siya kasama, lagi niya kong pinapatawa' minsan nababawasan yung problema ko dahil sa kanya. I'm so blessed to have a friend like Brake..


"Hey, A? Nakikinig kaba? Kanina pa kaya ako kwento ng kwento dito." Nakasimangot na sabi ni Brake. Ang cute niya Hahaha.


"Sorry, ano nga ulet yon?" Sagot ko. Nakatulala na naman pa ako.


"Wala! Ewan ko sayo." Nakasimangot pa ring sabi niya. Nabigla ako nang bigla niya na lang akong tinalikuran at umalis.


Agad ko naman siyang hinabol at niyayang kumain.


"Brake! Haha. Sorry na, kain tayo? Libre ko!" Sabi ko sa kanya. Bigla naman syang huminto sa paglalakad at lumapit sa'kin.


"Okay. Tara?" Sabi niya sabay ngisi.


Bahagya naman akong natawa. Bipolar talaga. Haaay!


Nagmamadaling hinila-hila niya ako papuntang Cafeteria.


"Dun lang ako uupo A ha? Ikaw nalang umorder para sakin. Total libre mo naman."


"Kapal mo talaga, ako na nga manlilibre ako pa bibili?" Sabi ko sa kanya.


"Ikaw naman A, di mabiro. Akin na nga yung pambili ako na bibili." pambawi na sabi niya. Kapal talaga ng mukha nito. Patay gutom haha


Pumila na si Brake para makabili ng pagkain. Kinuha ko nalang cellphone ko at naglaro ng color switch. Uso ito ngayon eh.


Habang nageenjoy ako sa paglalaro ng color switch, nagulat ako ng may malamig na bagay na tumapon sakin.


"Aww Sorry Ey! Di kita nakita e" Sabi nung familiar na boses, sasagot na sana ako pero ng tumingala ako at nakita ang mga dati kong kaibigan ay alam kong sinadya talaga nila iyon.


"Hindi. Ayos lang." Ngumiti ako sabay tayo at punas sa damit ko. Nakita kong yumuko sina Ronald, Lalaine, Jessa at Jimmar at tumawa ng mahina. Si Aprillyn yung nagtapon ng Juice sakin.


Aalis na sana ako papuntang CR ng biglang..


"Oopsss! Sorry ulet! Sayang kasi yung natirang juice eh. Di naman kami umiinom ng tira-tira" Nagulat ako at biglang nairita ng tinapunan ulit ako ng juice ni Lalaine. At sa mukha ko pa talaga niya binuhos. 'Di ko na napigilan ang mga luha ko. Bigla nalang akong naiyak. Andami na ring studyanteng nakikiusyoso. Nakakahiya na iyong itsura ko.


"Ano bang problema niyo saken, ha?! Inaano ko ba kayo?!" Diko na kaya tong ginagawa nila sakin. Ang hirap nang magtimpi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon