Chapter 1

44 10 1
                                    

Naglalakad ako sa gilid ng soccer field nang mahagip ng tingin ko ang mga 'kaibigan' ko.


Naaalala ko nanaman yung dati naming masasayang alaala.


'Yung sila pa 'yong mga kasama ko.


'Yung sila pa 'yong kasama ko tuwing lunch break.


Kasama ko sa paggawa ng assignments. 


kasama sa kalokohan.


kasama sa lahat ng bagay.


Naalala ko nong time na nagsleepover kami sa bahay ni Jessa.


Isa iyon sa mga alaala na hindi ko makalilimutan na kasama ko sila.


*FLASHBACK*


"Sama kana kasi Ey! Minsan lang to oh! Pleaseee? Sige na kasiiii" Pamimilit ni Jessa.


Iyong mga matatalik ko lang na mga kaibigan 'yong tumatawag na EY (A) sa'kin. Short for Azaleah.


"So kj Ey! One night lang naman e." Pagsingit naman ni April.


Pinapasama kasi nila ako na magsleep-over sa kanila, sa bahay daw ni Jessa.


Kaso natatakot ako magpaalam kay mama. Pagalitan pako non.


Nararamdaman ko talaga na di papayag 'yon. May pagka O.P (Over Protective) pa naman 'yon.


"I know what you are thinking. Na di ka papayagan no? Ano ka ba? Kami bahala. Malakas yata kami kay tita." Proud na proud na sabi ni Ronald sabay kindat pa sa'kin.


Seriously? Hindi sila natatakot kay mama? E, ang sungit kaya non.


"Ayaw ko. Baka mapagalitan pa kayo ni mama niyan. Badmood pa naman 'yon." Sabi ko sabay naunang naglakad na sa kanila.


Hinawakan ni Lalaine iyong braso ko at pinaharap sa kanya.


"What?" tanong ko.


"Trust us Ey! Di magagalit 'yang si tita. Basta pipilitin namin 'yon para makasama ka."  Sabi ni Lalaine.


"Baka naman kasi hindi si tita iyang inaalala niyang hindi papayag?" Biglang singit ni Rodelyn.


Sa lahat nang mga kaibigan ko, siya 'yong pinaka prangka.


Tiningnan nila ako kaagad at pinanliitan ng mata.


Alam ko na agad ang ibig sabihin ng mga tingin nila na ganyan. Na hindi ako papayagan nang boyfriend ko. Si Hex.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon