Kanina lang Magkaharap Tayo.
Nagulat nga ako pagpasok ko sa sasakyan nandun ka't Nakahiga sa Upuan.
Umandar na ang Sasakyan.
Nawawalan na rin ako ng lalagyan
ng mga mata mong kay sarap pagmasdan.
Oo, Magkaharap tayo.
Nuong Una malayo ka pa
Pero Maya-Maya andyan ka na
Papalapit ka ng papalapit.
At ako naman tong napipilipit.
Sumusulyap Sulyap sayong mga matang nagmamasid.
At alam ko namang ika'y Paminsa'y Tumititig.
Nararamdaman ko dahil HANGGANG NGAYO'y May Antig Sa Puso.
Gustong Gusto kitang kausapin, miski Yakapin
Ngunit Naghihintay ako ng hudyat na ako'y iyong mapansin.
Masakit kasi walang nangyare.
PERO SALAMAT PARIN KASI MAGKAHARAP TAYO.
Minsan Nalang mangyare to.
At hinihiling ko nga na maulit pa.
Pero Papalapit na tayo sainyo.
At lalong Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa akalang mapapansin mo ko.
Pero hindi. Nakababa ka na.
At ako'y naiwang nakatulala.
Sa alapaap na asa taas.
Tila hindi ko na nga maalala kung marahas
Pero Salamat parin.
At Sana Maulit.
Dahil Kanina.
Magkaharap tayo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula tungkol sa'yo
PoetryEto Ang Mga Tula na Naisulat ko tungkol sa'yo Sana Mabasa mo Mahal ko. Sana Maging Okay na nga pala tayo :) Mahal Parin kita.